[KENNETH’S POV]
Thursday, June 21, 2012
Nagising ako ng mas maaga kesa sa alarm clock ko. Himala no? Para sa kaalaman niyo, anniversary sana namin ngayon ng Ex kong si KC, pangatlo na sana namin to kung hindi niya lang ako iniwan. Kung last year, gumising ako ng alas dos ng hapon dahil sobrang naglasing ako nung gabi bago ang araw na yun, ngayon naman maaga ako nagising. Masakit pa rin para sa akin yung ginawa niya pero hindi na kasing sakit tulad nung nakaraang taon.
Maaga ako naligo, nagbihis, nag-almusal at pumasok ng school. Magaan ang loob ko ngayon, pero kung ano man ang dahilan ko, masaya ko dahil natagpuan ko na SIYA. Dumating ako sa school ng maaga tapos pumunta muna ako sa tambayan namin ng mga barkada ko, naabutan ko naman si Anne dun na umiidlip ata. Pero nung papalapit na ako, bigla niya tinaggal yung libro sa mukha niya at nilingon ako.
“ Good morning. “ bati ko sa kanya.
“ Ang aga mo ata? “ tanong niya sa akin. How cold. -.-
“ Oo nga e. Ikaw bakit ang aga mo din? “ sabi ko.
“ Di ako makatulog e. Ewan ko ba. “
Magkwentuhan lang kami hanggang magtime na. Hindi dumating yung mga kaibigan namin, nagtataka nga kami pareho e. Pati nung uwian, di sila sumabay sa amin. Nagsolo-solo ata sila e. Kaya ang labas, kami ni Anne yung magkasama, SINGLE daw kasi e. Pero nung gabi, naisipan ko uminom. Para saan? Wala lang. Gusto ko lang. Kaya tinext ko yung tatlong loverboy.
[ At my pod. Shot tayo. My treat, 8pm. ] message sent.
Dumating naman sila ng 8pm. Takaw talaga ng mga to sa inuman lalo na pag libre. Pero umiinom na ako nung datnan nila ako, nasa may garden ako nun.
“ Wag mong sabihing magdadrama ka na naman sa amin. Grabe ka naman magluksa. “ yan yung unang sinabi ni Clark pagkadating na pagkadating niya. Bangasan ko kaya to? Psh.
“ Oo nga naman tol. Mahigit sa isang taon na yan. Aba naman! Para ka nang tanga! “ dagdag pa ni Jhay. Taena ng mga to.
“ Dami nyo satsat! Shot na! “ sigaw ko. Ayon, sumunod naman sila.
Nagshot na kami non tapos kwentuhan lang sila. Ako tahimik lang pero bigla napunta sa akin yung topic. Asar lang! Eto pinaka ayaw ko sa lahat e. Dami tanong.
“ Ano Ken, bakit ka nga nagpainom? Dahil na naman sa Ex mo? “ umpisa ni Jhay.
“ Hindi. “ tipid na sagot ko.
“ Eh ano? “ tanong pa ni Clark.
“ Wala. Magcecelebrate lang ako. “
“ Ng ano? Binibitin pa kasi e. “ – Jhay
“ May iba na akong gusto. Makakalimutan ko na si KC. “
“ Si Anne yan no? “ – Anjo.
“ Oo. Kaso di ko alam paano ko masasabi sa kanya. Saka hindi naman maniniwala yun. Medyo ok na kami ngayon. Baka lumayo na naman siya pag nalaman niya. “ nagtinginan yung mga gago saka ngumiti na parang mga asong ulol. May binabalak na naman mga to. At alam ko, masama yun.
“ Haha! Torpe mo pala no? Naturingan ka pa naming Certified Chickboy ng barkada. Haynako! Ganito na lang. Pustahan na lang tayo. Dapat maging kayo ni Anne within 3 months. “ sabi ni Clark. Gago ba sya? 3 months? Baka nga abutin ako ng 3 taon sa panliligaw sa babaeng yun e.
“ Ayoko nga! Sira ka ba? Ayaw nga sa akin nung tao, lalayo lang yun! “
“ Ocge. Sabihin na lang namin no? Kasi ganon din naman diba. “ pananakot ni Jhay.
“ Teka! Wala naman ganyan. Saka ako lang yung dehado dito ah, ano naman pusta niyo? “ paglilito ko sa kanila. Taena, mapapasubo ako sa mag to. Nag-isip muna sila tapos bigla nagsalita si Anjo.
“ Oh sige, here’s the deal pare. Pag napasagot mo si Anne sa loob ng 3 buwan, bibigay namin yung big bike[motor] na nakita natin dati. Gusto mo yun di ba? Pero pag natalo ka, sasabihin namin kay Anne na gusto mo siya tapos mawawala pa siya sayo. Ano, deal? “ ang hirap magdesisyon. Puta naman kase.
“ Dito mo rin mapapatunayan yang Charm na sinasabi mo para sa mga babae, di ba tol? “ sabi ni Clark sabay akbay kay Jhay.
“ Oo nga Ken. Hahaha! Ano? Deal na yan! “ sabi naman ng isang pang baliw.
“ Oh sige. Deal! “ pumayag na ako. Sasabihin din naman kasi nila kay Anne pag di ako pumayag e.
Tinuturuan nila ako kung paano dumiskarte kay Anne habang umiinom kami, pero puro kalokohan lang naman tinituro nila. Yun lang naging takbo ng usapan namin hanggang sa maubos namin lahat ng beer. Nag-uwian na din sila pagkatapos namin. Gusto pa nga sana nilang makitulog dito kaso pinauwi ko na sila. Magiging makalat lang kwarto ko pag pinatulog ko sila dito.
Marami ako nainom pero hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko yung deal namin tungkol kay Anne. Ang tanga ko naman kasi para sabihin dun sa tatlo na may gusto nga ako kay Anne. 50-50 tuloy ako ngayon. Bwiset!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
“ Hoy Panget! Bakit ganyan mukha mo? Mukha kang BANGKAY!!! HAHAHAHAHA! “ yan ang salubong ko kay Anne kapasok niya sa room. Paano ba naman kasi ang haggard ng mukha. Tapos nakasimangot pa.
“ Ha-Ha-Ha! SALAMAT HA! Tss. Ang ganda ng araw ko dahil sayo. “ sabi niya sa akin sarcastically sabay irap ng mata.
“ HAHAHA! Ang pikon mo talaga kahit kalian. Napano ka ba kasi? “ tanong ko sakanya na may halo pa rin pang-aasar sa tono ko.
“ Yung kapitbahay namin, ang ingay ingay. Nag-aaway yung mag-asawa dun. Di tuloy ako nakatulog. “ sagot naman niya.
Then, dumating na yung Prof. Pero hindi ko pa rin tinigilan ang pang-aasar ko kay Anne. Yun kasi naisip kong paraan para mapansin niya ako. Napagalitan at napalabas na nga kaming dalawa kasi sinigawan niya ako sa sobrang inis niya sa akin. Kaya eto, napaaga yung dismissal namin.
“ Hoy Anne! Sorry na. Ikaw naman kasi e. Pikon ka masyado. “ habol ko sa kanya papunta ng cafeteria.
“ WOW HA! KASALANAN KO PA TALAGA? KASALANAN KO BANG SADYANG MALAKAS KA LANG TALAGA MANG-ASAR? HA?! “ sigaw niya sa akin. Halos lahat ata ng tao nakatingin sa amin e.
“ Shhh! Wag ka nga sumigaw. Nakakahiya. “ saway ko sa kanya.
“ NGAYON KA PA NAHIYA! E KANINA NGA DI KA ---- “ sigaw ulit niya sa akin pero tinakpan ko nang kamay ko yung bibig niya. Nakakahiya talaga e.
“ Sabing wag kang sumigaw e. Kulit mo na --- AHHHH! ARAY KO! “ hindi na natapos yung sasabihin ko kasi kinagat niya yung kamay ko.
“ Yan bagay sayo! Bleeh! :P “ sabi niya sabay takbo na parang bata.
“ Humanda ka sa akin pag naabutan kita! “ tumakbo na rin ako para habulin siya.
-----
Happy New Year Wattpad users! :)
Eto yung update ko for New Year. 2 update para masaya. :D
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Novela JuvenilNung pumasok si Anne bilang Freshman sa College, akala niya mawawala na sa kanyang landas ang kanyang Worst Enemy, Si Kenneth. Ngunit nagkakamali siya. Ito pa lang ang simula ng mas magulong buhay niya. Dito na kaya magsisimula ang kanilang UNEXPECT...
