Chapter 16

47 0 0
                                        

[ANNE’S POV]

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko nagpapahinga. Sila manang kasi e, mapilit masyado. Sabi magpahinga pa daw ako baka kasi mabinat ako. Naalala ko si Kenneth, nakauwi na kaya siya? Matext nga.

To: Kenneth

[Nakauwi ka na ba? Salamat sa pagbabantay sa akin kagabi ha. Pahinga ka na. Alam ko masyado kang napuyat at napgod kagabi. Pasensya na sa abala.]

Binuksan ko muna yung tv habang hinihintay ko yung reply niya. Saka hindi pa ako antok, puro na lang ako tulog e. After ilang minutes, nagrely na din siya.

[Kakarating ko lang. Oy, may bayad yun. Mahal ako maningil. Kaya dapat ready ka palagi, baka bigla kita singilin kahit anong oras.]

Natawa naman ako sa kanya. Pero ano naman kaya yun? Baka nagbibiro lang siya. Pero infairness, bati kami ngayon ah. Haha! Parang kinikilig ako, echos! So ayon nga, nagreply ulit ako.

[Ahh. Osige. Sabi mo e. Haha! Ge pahinga ka na. Baka magkasakit ka pa, hindi mo na ako masingil.]

Aba! Ang bilis magreply ah.  Anong meron? Eto reply niya. Magtetext pa sana ako kaso nahiya na ako e.

[Sige. Pahinga ka na din.]

MONDAY.

Maaga ako gumising kasi ako nagluto ng breakfast. Gnawan ko kasi ng pagkan si Kenneth. Wag malisyoso, way ko lang to para magthank you sa kanya. Masyado lang siguro ako natuwa sa kanya dahil nga ang bait niya sa akin nung naospital ako.

So andito na ako sa school. I’m with my Lovable Bestfriends with their Boyfies. Kaya ayun. Medyo OP ang beauty ko. Ako lang walang lovelife dito. May 30 minutes pa bago magstart mga klase namin kaya tumambay muna kami dito sa may garden.

“ Hoy! Tama na nga yang mga lambingan effect niyo. Kawawa beauty ko sa inyo e. “ sabi ko sa kanlia ng di na ako nakatis. Tinawanan lang ako ng mga mokong!

“ Hanap ka na kasi ng Lovelife mo Bes. Para hindi ka lagging nao-OP. “ I just rolled my eyes heavenwards. E kasi naman po, wala pa sa utak ko yung ganyang bagay. Sakit lang sa ulo yan.

“ Che! Teka, nasaan na pala kaibigan niyo? “ tanong ko kay Anjo who was sitting next to me. I was reffering to Kenneth syempre. Siya lang naman yung wala e.

“ Uuuuuuuuuy! Hinahanap niya si Kenneth! HAHAHAHA! “ pang-asar talaga tong Jhay na to kahit kalian. Pakibatukan nga Gie. Tss!

“ Ano to? Mukhang masarap ah. Penge! Nagugutom na ako e. “ sabi ni Clark sabay hablot dun sa paperbag na dala ko.

“ Heh! Mhik oh. Pagsabihan mo nga to! “ agaw ko dun sa paperbag ko. Pinaghirapan ko to nu. Baka makain pa nila. No Way!

“ Para kanino ba kasi yan ha? “ tanong ni Mhik. Hindi ako makasagot. Baka ano aksi isipin nila, sabihin pa nila gusto ko si Kenneth pag sinabi kong para sa kanya to.

“ Para kay Bossing yan no? “ tanong ni Clark.Yumuko ang ako. Paano niya nalaman?  “ Hahahaha! “ Anakng! Anong nakakatawa?!

Aawayin ko na sana yung siraulong yun ng biglang tumunog yung bell. Start na yung mga klase, wala pa rin yung lalaking yun. Hays! Sayang naman tong hinanda ko kung hindi siya papasok. Kaya ayon, nagmamadali kaming lahat para pumunta na sa kanya-kanya naming room. Buti wala pa yung prof namin nung dumating ako. Ilang minute lang, dumating na din siya.

After 3 hours, natapos na klase pero hindi na talaga pumasok si Kenneth.  Wala yung prof namin for the last subject kaya maaga kami nadismissed ngayon. Pumunta ako sa tambayan namin at nadatnan ko dun si Clark. Nagcutting na naman siguro to. Pasaway!

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon