ANNE'S POV
" IKAAAAAAAW! ANO GINAGAWA MO DITO?! SINUSUNDAN MU BA AKO?! "
" TSS. ANG INGAY MO! FYI, nandito room ko. Ikaw, ano gingawa mo dito? Bumalik ka na nga sa pinanggalingan mo. Kung saan lupalop ka man galing. Aish! Bakit ba ako nakikipag-usap sayo? Malalate na ako! " tapos umalis na siya, nagmamadali.
Shocks! Andito daw yung room niya? Sana naman hindi ko siya kaklase. Patay ako niyan pag nagkataon.
Lord, PLEASE!!
* Bell rings*
AAAAAAAHHHHH! Malalate na nga din pala ako!!!
Ayon. Tumakbo na rin ako papunta ng room ko.
Nung pagkadating ko ng classroom, nagkakagulo pa. Wala pa ung prof. Buti na lang! Nakalusot! HAHAHA! :D
Kaso may nakita akong hindi kanais-nais. Nakita ko na naman yung kumag! Oo, kaklase ko na naman siya. Gusto ko talaga magwala. Argh! >.<
Walang bakanteng upuan. Dun lan sa tabi ng kumag na yun. Nananadya talaga e. >.< So no choice ako, umupo na ako sa tabi niya.
Oh Lord, please help me!
" Oh, bakit nandito ka? Pinalayas na kita kanina di ba? Yih! " nag-umpisa na naman siya. Haynako!
" Sa kasamaang palad, dito din yung room ko. Sigurado ka bang dito ka talaga? Baka nagkakamali ka lang? " sagot ko.
" Yan nga din itatanong ko sayo e. Hassle! Sa lahat ng pwedeng maging kaklase, bakit ikaw pa?! "
Sasagutin ko pa sana siya kaso dumating na yung prof namin e.
Humanda ka sakin mamaya!
-------------
KENNETH'S POV
ARGH! First day of classes, mukhang malalate pa ako. Sh*t! First Blood!!!
Kaya eto ako ngayon, nagmamadaling tumakbo paakyat ng room ko. 5th floor pa yung room ko. Hassle talaga grabe! Pawis na agad ako, hindi pa man nagsisimula yung klase. Kainis!
Malapit na ako sa room nung may nabangga ako. Babae. Nalaglag yung mga dala niyang libro. Ang dami. Nerd ata to e.
" Ay! Sorry miss. Di ko sinasadya. Di kasi kita napansin. " sabi ko habang tinutulungan ko siyang pulutin mga gamit niya. Baka sabihin niya hindi ako gentleman e.
" Tss. Text kasi ng text e. Ang aga aga, badtrip agad! " sagot niya. Ampt! Ang sungit naman neto. Pero teka lang. Parang kilala ko yung boses na yun ah.
Pagkatapos namin pulutin yung mga libro, napatingin ako dun sa babae. And guess what??
Si Anne! Kaya pala familiar yung boses eh. Tapos ang sungit pa. Classmate ko siya nung elementary tapos schoolmate naman nung highschool.
Lagi ko siya inaasar noon. Pikon at iyakin kasi e. Hahaha! Cute siya lalo na pag naiinis. Oo, aminin ko, Cute nga talaga siya.
Oh narating ko na yung room ko. Wala pa yung prof. Makakapgpahing pa ako. Napagod talaga ako e. Umupo ako dun sa may bandang likod. dun lan may bakante e.
Nakaupo na ako nung nakita ko si Anne. Nakasimangot na naman siya. Nakakatawa yung Facial Expression niya. Asarin ko nga. BWAHAHAHA!
Umupo siya sa tabi ko. Yun na lang kasi yung bakante e. No choice siya. Lalong umasim yung mukha niya. Nakakatawa talaga kung alam niyo lang. NYAHAHAHA! XD
" Oh, bakit nandito ka? Pinalayas na kita kanina di ba? Yih! " tanong ko sa kanya. Halatang nainis pa siya lalo.
" Sa kasamaang palad, dito din yung room ko. Sigurado ka bang dito ka talaga? Baka nagkakamali ka lang? " sagot niya.
" Yan nga din itatanong ko sayo e. Hassle! Sa lahat ng pwedeng maging kaklase, bakit ikaw pa?! " sabi ko. Umandar na naman yung pagkaalaskador ko. Ewan ko ba pag dating sakanya ang lakas ng trip ko.
Dumating na yung prof kaya hindi na siya nakapagsalita. Natingin siya sakin ng masama. Akala mu mangangain na ng tao ganun.
* Evil smile *
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Fiksi RemajaNung pumasok si Anne bilang Freshman sa College, akala niya mawawala na sa kanyang landas ang kanyang Worst Enemy, Si Kenneth. Ngunit nagkakamali siya. Ito pa lang ang simula ng mas magulong buhay niya. Dito na kaya magsisimula ang kanilang UNEXPECT...
