Chapter 6

38 0 0
                                        

KENNETH'S POV

" Tol, bilisan mo jan! " - Clark

" Maaga pa naman ah. Di pa tayo malalate. " Tss. Ang aga aga pa e.

" Basta! Sumunod ka na lang kung ayaw mong magsisi. " sabi ni Jhay. Anong pakulo na naman to?

3 lang kami. Wala si Anjo. Hindi naman nahuhuli un e. Nasan kaya yung ungas na yun? Tatanungin ko na sana sila Clark kaso pagkadating namin sa may Bulletin Board, ang daming tao.

Pinagtitinginan ako ng mga students. Tapos nagbubulungan pa sila.  Yeah, I know, pogi ako. That's the reason why.

" Pare, anong meron dito? " tanong ko kay Anjo. Nandito lang pala to. Tsismoso masyado. Amp!

Imbis na sumagot, Tinuro niya yung nakapost sa Board. Pagtingin ko....

O_O

 FVCK!

" AAAAAAHHHHHH! SINO NAGPOST NIYAN JAN?! " 

Oo, hindi ko napigilang sumigaw. +.+ So gay! Yuck! Yung pinakatatago kong picture, nakita na ng buong madla. Kahit mga tropa ko hindi alam yun. Akala ko wala na yun e. AAARRGGG!

" Umalis na nga kayo dito! " pagtataboy ko sa mga students habang tinatanggal ko yung picture.

 Nakakabanas! Sino kaya nagpost nun? Pssh! Humanda siya sakin pag nalaman ko kung sino siya. Ang laking kahihiyan sakin nun. Naturingan pa naman akong isa sa mga Campus Hearthrob. Asar!

Pumunta na agad ako sa classroom namin. Pinagtitinginan akong mga students tapos sabay tatawa. Kainis talaga!

Pagdating ko ng room, ganun pa rin yung eksena. Nakita ko si Anne. Nagpipigil ng tawa. Namumula na nga e. Lalo tuloy ako nainis dahil sakanya. Pssh!

May kinalaman kaya siya dun sa kahihiyan ko?

---

ANNE'S POV

Nandito na siya. Pagkakita ko pa lang sakanya, gusto ko ng tumawa ng malakas. Paano ba naman kasi, para siyang nakainom ng isang galon ng suka. Hindi talaga maipinta yung mukha niya. Nakakatawa talaga. HAHAHA! Kaso nagpipigil ako. Baka kasi mapagbintanga ako e. ^__^

Parang bumaliktad mundo namin. Ako  yung tumatawa tawa tapos siya naman yung parang gustong kumain ng tao. Syempre, ako yung gusto niyang lamunin ng buhay. Oh di ba, ang saya!

" Kanina ka pa ahh! Anong tinatawa tawa mo jan? May nakakatawa ba? " biglang sabi niya.

" It's none of your business, Mr! Saka masama na bang tumawa ngayon? " sagot ko sakanya. Hahaha! Ang taray no?

Sasagot pa sana siya kaso nagsalita na uli ung prof namin. Yes! I won again!

This is Life! Sana ganito na lang lagi. ^__^

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon