EM'S POV ( Princess Emerald Sarmiento )
** Cafeteria
" Yeah! Friday na bukas! Makakagala na naman ako to the max! " excited talaga si Gie. Di man nga halata di ba?
" Kyaaaa! Ako din. May date kami ni Clark! Excited much na talaga ako! " si Mhik. Oo, sila na ni Clark. Malandi din kasi tong babae na to e.
" Hmm, ako? SUBIC!!!!!! Wahaha!! Darating na si mama niyan mamaya e. " uuwi kasi si mama ko galing New york. Dapat Bora e. Kaso masyado malayo. Mapapagod ng sobra si mama ko.
" Ahh. buti ka pa. Sama ako? " pag galaan talaga, ang bilis ni Gie.
" Oh ikaw Anne, san lakad mo this weekend? " - Mhik
" A-ah, wala. Bahay lang. Wala budget e. Ge, punta na ako ng room ha? Kokopya pa ako ng notes e." she said.
Nagnod na lang kaming tatlo. Pansin lang namin, buong week ng ganyan si Anne, simula nung nalaman ni Papa Kenneth yung ginawa niya. Tapos pag kasama namin sila ng mga Barkada niya, todo iwas si Anne. Plus the fact na hindi sila nagpapansinan at nagbabangayan ni Kenneth. Napano kaya sila? I smell something weird going on here. Hmm.
~~~~~
ANNE'S POV
Thursday na ngayon, excited na ang lahat kasi Friday na bukas. Weekends na naman. Ako? Hindi man. June 15 na bukas. 3rd anniversary na sana namin ni Kenji. Hays! Naalala ko na naman siya. :(
Nag-uusap usap lang sila about sa plano nila this coming weekend. Kakainggit sila. Dapat masaya din ako ngayon kung hindi lang ako pinagpalit ni Kenji sa KC na yun e. Edi sana kasama ko siya ngayon para magcelebrate and magspend ng weekend.
Lumilipad utak ko kanina pa, nakabalik lang ako sa reality ng kausapin ako ni Mhik.
" Oh ikaw Anne, san lakad mo this weekend? " tanong niya bigla.
" A-ah, wala. Bahay lang. Wala budget e. Ge, punta na ako ng room ha? Kokopya pa ako ng notes e." sabi ko. Alis na nga lang ako, na-oOP kasi ako sa kanila. Sila nga masaya. Naiinggit lang lalo ako e.
Yun lang then umalis na ako. Di ko na talaga carry e. Baka maiyak lang ako. Sabihin nila nababaliw na ako. Pumunta na lang ako ng room kahit maaga pa masyado. May 30 minutes pa kasi e bago magresume yung class.
Pagkadating ko ng room, tuloy tuloy akong pumasok ng room. Wala naman kasing tao e. Pero nagulat ako nung may biglang may kumalabog. Hindi ko inaasahan ang makikita ko. Si Kenneth, nasa sulok ng room namin. Akala ko masosolo ko yung room e. Gusto ko muna kasi talaga mapag-isa ngayon e. Hays! ano ba naman yan oh? >.<
" Oh ang aga mo ata? " tanong niya.
" Wala. Gusto ko kasing mapag-isa e. Akala ko walang tao dito, maaga pa nga kasi. Kaso, wala. Andito ka naman pala. " sabi ko.
" Ahh. " ang haba ng sinabi ko tas yun lang? Ang ganda talaga nito kausap.
Aalis na sana ako kaso bigla na naman siyang nagsalita pero hindi siya nakatingin sa akin. Nakatakip ng libro yung mukha niya. Ayos di ba? Tss.
" Wag ka ng umalis. Dito ka na lang sa tabi ko para naman may kasama ako. Wag ka mag-alala, hindi ako mag-iingay at hindi rin kita kukulitin kung yun iniisip mo. " Biglang sabi niya. Nakakagulat siya. Ang seryoso masyado ng boses niya. Parang may problema siya.
Ewan ko anong maligno sumapi sa akin para sundin ko yung sinabi niya. Tumabi ako sa kanya. Ginaya ko siya. Sumandal din ako sa pader. Ganon lang ginawa namin, ako nakaupo siya naman natutulog ata. Ang tahimik pero hindi naman ako naiilang. Parang ang sarap nga sa pakiramdam e. Nawala yung mabigat kong nararamdaman kanina.
Minutes passed, nagsidatingan na yung mga classmates namin. Bumalik na kami sa upuan namin. Ganon pa rin, hindi niya ako kinakausap at kinukulit man lang. As usual, natapos na naman yung klase namin ng ganon. Halos ganito na kami simula nung hinalikan niya ako.
** Anne's Bedroom
Eto ako ngayon, umiiyak at umiinom mag-isa. Haha! Nagse-celebrate ng dapat 3rd anniversary namin ni Kenji. Ang saya saya diba?
" Baby Jian, bakit niya kaya *hik* kaya ako pinagpalit dun *hik* sa babaeng yon? " nababaliw na ko kinakausap ko yung life size teddy bear na regalo sa akin ni Kenji nung 1st anniversary namin.
" Mahal na mahal ko pa rin siya Baby Jian!! Anu bang meron sa babaeng yon *hik* na wala ako? Binigay *hik* ko naman lahat ng kaya kong ibigay e. Isa *hik* lang di ko nabigay sa kanya. Alam mo ano yun? Ang pagkababae ko!!!! "
Wala akong ginawa buong magdamag kundi umiyak, maglasing, torturin at kausapin ang kawawang teddy bear ko. Yun lang ang alam kong gawin tuwing dadating ang araw na to, June 15. Umiyak lang ako ng umiyak at naglasing ng bonggang bongga hanggang sa nakatulog na ako.
~~~~~~
Author's Note:
Please leave any comment after you read this Chapter.
Continue to read this story up to the end.
Thank you! ♥
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionNung pumasok si Anne bilang Freshman sa College, akala niya mawawala na sa kanyang landas ang kanyang Worst Enemy, Si Kenneth. Ngunit nagkakamali siya. Ito pa lang ang simula ng mas magulong buhay niya. Dito na kaya magsisimula ang kanilang UNEXPECT...
