Chapter 18

9 0 0
                                        

[ANNE’S POV]            

Nakita kong nakahilata si Kenneth sa sahig nang pumunta ako sa condo niya. Sobrang init niya. Ang taas ng lagnat niya. Sinubukan ko siyang gisingin out of my fear.

“ Kenneth? Hoy! Gising! UY! KENNETH!!! “ minulat naman niya yung mata niya,  “ Anong nangyari sayo? Ang taas ng lagnat mo! “ pero pumikit din siya agad at nawalan ng malay.

Hiniga ko siya sa kama niya at syempre hirap na hirap ako. Ang laki niya kayang tao no. Kumuha ako ng isang planggana ng malamig na tubig at bimpo. Pinunasan ko siya at pinalitan na rin ng damit. Oh wag green minded, tshirt lang yung pinalitan ko sa kanya. Basang basa na kasi ng pawis e. Sobrang bigat niya kaya sobrang nahirapan talaga ako sa pagpapalit ng damit niya. Pagkatapos ko siya punasan ay nilagay ko na yung bimpo sa noo niya para bumaba ng konti yung lagnat niya. Siguro sa pagod, nakaidlip ako sa tabi niya habang nakaupo.

Nagising ako kasi naramdaman kong bumangon siya. “ Oh gising ka na pala. Wag ka muna tumayo. May kailangan ka ba? Ako na lang ang kukuha. “ nagpakuha siyang tubig at kinuhaan ko naman.

Inayos ko na yung planggana at bimpong ginamit ko kanina kasi bumaba na yung lagnat niya. Pinagluto ko siya ng soup at sinubuan ko na rin. Medyo nanghihina pa kasi siya. Pinainom ko na din siya ng gamot niya. Nagkwentuhan lang kami  pagkatapos.

“ Alam mo, pwede ka ng mag-asawa. Hahaha! Ang alaga mo pala. Bakit wala ka pang Boyfriend? “ bigalang sabi niya. Naalala ko tuloy si Kenji.  Sinabi din niya kasi sa akin yun dati. “ May nasabi ba akong masama? Sorry, I didn’t mean it. “ sabi nya, napansin niya ata na bigla ako nanahimik. Pero sabi ko wala yun.

Wala ng nagsalita pa sa aming dalawa pagkatpos nun. Nahiya siguro siya, wala naman ako sa mood magsalita. Sobrang tahimik at ingay na lang ng aircon ang naririnig ko. Nararamdaman kong nakatingin pa rin siya sa akin.

“ Do you mind if I spill it out to you? Ang sakit pa rin kasi talaga e. “  tanong ko sa kanya. Naiyak na ako nun kasi ang sakit talaga e. Naalala ko na naman ang lalaki na yun. Tinignan ko siya at tumango lang siya. Then I started to talk. I don’t need his advice, all I want is somebody who will listen to me. And he did listen to me.

Kwinento ko sa kanya kung ano nangyari that time. Sobrang hindi ko na kasi talaga kayang pigilan ang sarili kong umiyak sa harap niya. Nakakahiya man, wala na ako pakialam. Pero hindi na ako natapos kasi bigla niya ako hinigit at niyakap. Napahagulgol ako lalo dahil kailangan ko talaga ang yakap sa oras na yun.

Yakap yakap niya lang ako habang umiiyak ako. Wala siyang pakialam kahit nabasa ko na yung damit niya ng luha ko. Hindi niya ako bintawan at nakinig lang siya sa bawat sinasabi ko. I look at him to ask him something. Something that I didn’t have a chance to ask Kenji.

“ Panget ba ako? Ano bang meron siya na wala ako? “ tinignan niya din ako sa mga mata ko na parang nagtataka pero hindi nagtagal at sumagot na siya.

“ No. You’re beautiful. “ ikinagulat ko ang nagging sagot niya. Hindi ko inaasahan yun mula sa kanya. Hindi ko alam kung paano at ano nangyari pagkatapos nun, ang alam ko lang ay hinalikan niya ako. nung una, di ko alm ang gagawin ko but later on I kissed him back. Di ko alam kung bakit ko ginawa yun pero it felt like it was so natural between us to do. Pero natauhan din ako at tinulak siya.

“ I-I’m s-sorry. “ nauutal niyang sabi. Pareho kaming nagulat sa pagtulak ko sa kanya. Nailang kami sa isa’t-isa kaya napagpasyahan ko nang umalis.

“ A-ahm, sge una na ako. Uminom ka na lang ng gamot after 4 hours and iniwan ko na rin yung notes mo sa lamesa. Pasensya ka na sa kadramahan ko ha saka kalimutan mo na lang yun. Ok? Alis na ako. Bye! “ Hindi ko na hinintay yung sagot niya at umalis na ako.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon