ANNE'S POV
Dito na ako ngayon sa room. Tahimik ngayon dito. Walang sigawan. Hindi kasi kami nagpapansinan ni Kenneth e. Himala? Maybe. Naiilang din siguro siyang kausapin ako dahil sa nangyari kanina.
** Flashback
Nasa likod kami ng Cafeteria. Nag-aaway kami dahil narinig niya ung usapan namin nila Em kanina. Narinig niya ata lahat. Alam na niyang ako yung nagpost ng picture niya dun sa Bulletin Board. Ayon, nagsisigawan kami ng bigla na lang niya akong halikan.
After that shocking moment between us, nagwalk-out yung kumag. How dare him? Ako na nga yung nanakawan ng halik ako pa yung iiwanan? Tss. So, I decided na pumunta na lang ng room. Malapit na rin kasi magtime e.
" Oh, san kayo galing ni Kenneth? " tanong ni Mhik.
" Oo nga. Saka bakit sobrang badtrip ata nun? " dagdag ni Clark. Kaibigan ni kumag.
" Anong nangyari sa inyo ha? " Isa pa ting si Jhay. Tss.
Nagkibit balikat lang ako. Wala ako sa mood makipagkwentuhan e. Lalo na sa mga to. For sure, uulanin na naman ako ng intriga nyan.
** end
So that's what happened. Hanggang matapos yung last 2 subjects namin, tahimik lang kami. Dapat masaya ako kasi hindi ako ginugulo ng itlog nato e pero parang hindi ganon nararamdaman ko. Parang ang awkward masyado.
Hanggang sa pagtulog, naiisip ko pa rin yung nangyari kanina. It was definitely not my first kiss. Pero bakit ganito nararamdaman ko? Daig pa nito nung first kiss ko ah. Arg!
12 A.M na gising pa din ako. Kasalanan to ng lalaking yun e. Di ko alm ano sumapi sakin bakit ko iniisip yung kumag na yun e. Kasalanan to ni Kennth kung bakit di ako makatulog e.
I really really hate you MR. KENNETH OCAMPO!!!! >.<
------------------
A/N:
Pasensya na sa short and not so good update.
But Please, continue to read. Lovelots Madla. :)

BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionNung pumasok si Anne bilang Freshman sa College, akala niya mawawala na sa kanyang landas ang kanyang Worst Enemy, Si Kenneth. Ngunit nagkakamali siya. Ito pa lang ang simula ng mas magulong buhay niya. Dito na kaya magsisimula ang kanilang UNEXPECT...