Kabanata 40
"Mag ingat ka henry.."narinig niyang sabi ni fern. May nilagay silang device na maliit sa tainga niya. Ganun rin kay vince..
Napatingin din siya kay vince..
"Maliligtas natin sila.."sabi nito.
Tumango siya. Gagawin niya ang lahat para mailigtas niya ang babaeng minamahal.
"Tara na.."sabi ko saka bumaba sa sasakyan. Sumunod din si vince.
Biglang tumunog ang cellphone ni vince. Nabasag kasi ang cellphone niya kaya ang cellphone ni vince ang gamit nila ngayon. Inhack kasi ni dale ang cellphone niya para macontact parin sila ng ama niya..
Sinagot niya agad.
"Nandito na kayo. Ang bilis niyo ahhh"nakangising sabi nito.
"Nasaan ka??."seryosong sabi ko.
"Relax henry. Makikita mo rin naman siya.."sabi ulit nito.
"Wag mo na kaming paghintayin dad."seryosong sabi niya dito..
"Fine.. Naiinip kana kong paano ko patayin ang dalawang ito. Ohh siya pumasok na kayo.."sabi nito bago nito binaba.
Tinignan niya si vince na nakatingin din sa akin. Tumango siya. Maglalakad sana sila ng biglang may dalawang lalaking nakatutok sa amin ng baril.
"Taas ang kamay. Huwag kang magkakamaling kumilos kung ayaw niyong mapadali ang buhay ng dalawang babae."sabi ng isang lalaki.
Tinaas naman nila ni vince ang dalawang kamay. Kahit kating kati na siyang patayin ang mga ito.
Inutusan naman ng lalaki ang kasama nito na kapkapan sila.
Nakuha nito ang baril nila ni vince.
"Ayos tong bakal niyo ahh. Malakas ba to..Saka lisensiyado ba to?"sabi ng lalaki..
Golden ang baril nila ni vince na may tatak na FW at may initials sila.. May sarili silang mga baril pang proteksyon lang. Saka kong ayaw mo rin gamitin ang baril mo yung mga ginawa ni rex na nagmamay ari ni thorn. Pwede mo rin gamitin iyun..
Hindi siya sumagot. Pero sumagot si vince.
"Bakit hindi mo itry sa iyo.."seryosong sabi ni vince.
"Tarantado ka ah.."sabi ng lalaki at sinikmuraan si vince.
"Aaackk.."kitang kita niyang pinipigilan lang nito ang sarili na lumaban. Ganun rin siya.
"Tama na yan. Ipasok na natin sila sa loob siguradong naghihintay na si boss."sabi ni ng lalaking nakatutok ng baril sa kanila.
Lumapit ito sa akin at tinulak siya papasok. Ganun din ang ginawa ng isang lalaki kay vince.
"Pasok na.."sabi nito.
Puno ng agam agam ang dibdib niya ng pumasok sila sa loob.
Pagpasok nila madaming mga tauhan na nakatutuk ang baril sa kanila.. May nakita din silang lalaking nakatalikod at isang babaeng nakatali sa upuan na nakabusal ang bibig at nakatali ang mga kamay sa likod. May bomba rin ang katawan nito.. Si gladys ang babae....Kitang kita niya ang takot sa mata nito.
Pero nasaan si weat..
Hinanap niya ang mata si weat. Tila biglang nanlaki ang kanyang ulo nang makita ang ayos nito. Nakatuntong si weat sa silya habang may nakabiting tali sa leeg! Nakatali ang mga kamay nito sa likuran habang may busal ang bibig. Isang kilos lang nito siguradong mabibigti ito.
Juses..
Parang nabibiyak ang puso niya sa nakita..
"Weat,gladz.."narinig niyang sabi ni vince.
BINABASA MO ANG
FUCKING WOMEN 02: Henry Adam Cuarez✔️✔️✔️✔️ (Complete)
Ficção GeralWarning... This story is un-edited, so expect typo,wrong grammar,wrong spelling...etc. Asahan ninyong may spg ito.. Salamat. -----)))) "W-who the hell are you?" Nagtapang-tapangan na tanong ni cathlyn kahit nanginginig ang kanyang boses."Sino ka sab...