Chapter 10 - Soon
"Sht!" mura ko nang madapa ako sa kakatakbo. Napasubsob pa ang mukha ko sa sahig. I groaned in annoyance. I knew it was a bad idea to run with these shoes.
"Miss Samantha!" sigaw ng isang pamilyar na babae at inalalayan ako. It was Deina. Masakit ang aking mga tuhod sa pagbagsak but I managed to put on an unbothered face.
"Thank you," sagot ko sa kaniya.
"Bakit ka kasi tumatakbo?" tanong niya sa akin. Hindi na sana ako sasagot at magpapatuloy sa pagtakbo nang hawakan niya ang kamay ko.
"Hinahanap mo ba sina Maam Alberts? Nasa cafeteria sila, kumakain ng dinner," sabi niya. Napahinto naman ako at napatingin sa labas ng isang bintana. Seriously? Gabi na pala?
"Nasaan ba ang cafeteria?"
"It's this way," sabi niya saka tinuro ang daang kasalungat ng daan kung saan ako nanggagaling. I was about to run again nang bigla na naman akong pigilan ni Deina. "Sabay na tayo, Miss Samantha. What's with the rush?"
Napahinto naman ako sa sinabi niya at sisinghalan na sana dahil kanina pa niya ako hinahawakan but I calmed myself. Napagtanto kong kanina pa lang ako takbo ng takbo na para bang hindi ko na hawak ang buhay ko.
"Okay," sagot ko na lang at tumabi sa kaniya. She smiled widely at me na parang nawawala na ang kaniyang mata sa kakangiti.
Tahimik kaming dalawa ni Deina habang naglalakad. I can see her opening her mouth and closing it again na para bang nagdadalawang-isip sa maaaring sabihin but she chose to remain silent. Baka nahalata niyang ayaw kong may kausap dahil marami pa akong bagay na nasa isip ko.
Nang makarating kami sa cafeteria, nagulat ako dahil maraming tao at mas nagulat ako dahil napakalaki nito. May dalawang palapag ang cafeteria at kahit na maraming tao ay hindi ito kasing-ingay ng palengke. Masyadong malawak kaya di ko alam kung saan ko mahahanap ang aking pamilya.
"Due to the lack of resources and food, we can't waste a pound of grain. Kaya dito sa university, all people are scheduled to have their breakfast, lunch, and dinner here; 7 am sa umaga, 11 am sa tanghali, at 8 pm sa gabi. Sabay lahat kung kumain," sabi ni Deina habang naglalakad. Pinagtitinginan kami ng mga tao but Deina seem oblivious to it. "May assigned tables rin para di na mag-agawan kaya alam ko kung saan nakaupo sina Maam Blanche."
"Eh ang mga nagluluto? Anong oras sila kumakain?"
"They eat their meals before serving other people," sagot ni Deina. Tumango naman ako. The level of peace and order in this university is indescribable. But who am I kidding? Sa una pa lang, wala nang katahimikan sa lugar na ito.
Ilang metro mula sa kinatatayuan namin ay nakita na namin ang aking pamilya na maingay na kumakain. Nahihiya akong lumapit dahil sobrang tahimik ng lugar at sila lang ang maingay. Pinagtitinginan pa nga sila ng mga tao.
"Uy Samantha! Here comes our doctor!" sigaw ni Draico at pumalakpak naman silang lahat na nasa mesa, maliban sa mga Alberts of course. Tinago ko naman ang mukha ko dahil sa kahihiyan.
"I gotta go, Miss Samantha," nakangiting sabi ni Deina at iniwan na ako. The only vacant chair was beside Natasha. Unfortunately, katapat ko si Math na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. May pagkain na sa tapat ko. Wow, the food is evenly distributed.
"How's it going?" tanong sa akin ni Natasha at sumubo ng kanin sa bibig. Kumain na rin ako.
"What's going?"
"The research."
"It's back to square one," sagot ko. The facilities of Verzalias Org is way better than here, but if I were to choose from the beginning, I'll work here. The cruelty on the other side is something I can't fathom.
BINABASA MO ANG
Verson University: School of Doctors
Mystery / ThrillerThis is the third & last book of the Wendigo Psychosis Trilogy. Please read the first and second book before proceeding. Humans are ambitious. We aim for progression, but look at us now. We are toxic. Poisonous. We ended up spitting venom on our own...