Chapter 18 - Broken Facade

448 12 7
                                    

Chapter 18 - Broken Facade

"I'm asking you, Samantha," tanong sa akin ni Math. Mahigpit ang hawak niya sa akin. "What would you tell my mom?"

"Let go of me, Mathew," mahinahong sabi ko. Nang hindi niya pa rin ako binibitawan, hinila ko na ang braso ko mula sa kaniya. "Calm down. Para mo naman akong inaakusahan."

"Just answer my question!"

Sasagot na sana ako nang biglang sumabat si Stephanie. She handed the picture. "Naiwan ni tita kay Sam. Isasauli niya sana."

Kumunot naman ang noo ni Math at kinuha ang litrato. Ilang segundo niyang tinignan iyon. "This is my mom's sister."

Nagkatinginan kami ni Stephanie at agad namang nag-iwas ng tingin. Inayos ko na lang ang buhok ko at sumagot, "Just give it back to your mom. Ipinahiram niya 'yan kay Noah."

Hindi naman kumibo si Mathew at ibinulsa na lang ang larawan. Naramdaman kong nakatingin sa akin si Stephanie ngunit di ko na siya nilingon.

"I have to go," sabi ko at tatalikod na sana nang hawakan ni Math ang braso ko. I glared at him. "Ano na naman?!"

"We'll proceed with the lab works later," sabi niya. Napataas naman ang kilay ko.

"And?"

"Wala ka bang sasabihin sa akin?" tanong niya. Naguluhan naman ako sa kaniya.

"Ano naman sasabihin ko?" nagtatakang tanong ko.

"Never mind," sagot niya at binitawan ako. Tumalikod na siya sa amin at hindi na nagpaalam. Ano na naman ba ang problema ng isang 'yon?

"He wants you to cheer him up," sabi ni Stephanie na para bang nababasa niya ang misteryosong si Math. Napalingon naman ako sa kaniya. Oh, she's still there.

"I'm no good at that," sagot ko sa kaniya. Why are we talking like I forgave her already?

"You are," wika ni Stephanie na nagpataas ng kilay ko. Seriously? Am I a clown?

"You cheered me up by giving my painting to mom and dad. I may not have appreciated it before, but thank you for the effort," dugtong niya. I rolled my eyes.

"All of it doesn't matter now," sagot ko. Tinignan ko siya sa mata. "I don't trust you. Naniwala ako noon na maaari ka pang magbago so I exerted a huge amount of effort. Now I don't believe you anymore, kaya kahit ipakita mo pa sa akin na iba ka na, mananatili pa rin ang Stephanie na nakilala ko noon."

Tinalikuran ko na siya pagkatapos noon. Hindi ko na siya naramdamang sumunod pa sa akin kaya binagalan ko na ang aking paglalakad.

Nakakuyom ang aking mga kamao na para bang wala na akong ibang makakapitan kundi ang hangin. How dare she remind me of the stupidity I did before? All of her changes might be the change that the old Samantha would like to see, but I am that girl no more.

Habang naglalakad ako ay natigilan ako nang makarinig ng isang kalabog. It was so loud that I thought I was hearing a gunshot. Nang sundan ko kung saan nanggaling ang tunog na iyon, nagulat ako nang makita ang dugong umaagos mula sa kamao ng isang lalaking kilalang-kilala ko.

"Draico!" I exclaimed and ran towards him. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinahid sa dugong nasa kamay niya dulot ng pagsuntok niya sa dingding. "Are you losing your mind?!"

"I wish," sagot niya. Sadness is resting on his pair of orbs. Naninibago ako sa kaharap kong Draico. "I wanna erase all my memories. Anong feeling ng amnesia?"

"You wouldn't like it," I answered, making emphasis of the pain in my voice. "What's wrong, Draico? Do you wanna talk about it?"

Napalingon siya sa akin kaya nagtitigan kami. Ilang segundo ang lumipas nang makita ko ang luha mula sa kaniyang mga mata. Ibang klaseng kirot ang naramdaman ko dahil doon. I rarely see him cry, mukha ngang first time ko siya makitang umiyak.

Verson University: School of DoctorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon