Chapter 15 - Taming the Beast
"Gago!"
Napamura na lang si Draico nang makita ang kaibigang si Math na tumakas na naman nang hindi ito sinasama. Palagi kasi niya itong pinagtatakpan at ngayon ay hindi siya sinasama sa pagtakas nito.
Napalingon siya sa mga kasamahang nakahiga sa damuhan. Kakatapos lang nilang mag-ensayo at nalibot na nila ang field ng limampung beses kaya bagsak sa lupa ang mga lalaki.
Nilingon niya rin ang mga commander. Kaya pala malakas ang loob ni Math na tumakas ay dahil abala rin ang mga namumuno sa paglinis ng mga rifle. Mukhang may aktibidad na naman silang gagawin.
"Saglit lang naman eh," sabi ni Draico sa sarili at sinundan si Math. Tinahak nito ang daan papunta sa likod ng building. Nang makarating sa likuran ay mabilis na inakyat ni Draico ang bakod.
Mabilis niyang tinahak ang daan papunta sa Main Building. Hinala ni Draico ay pinuntahan na naman ni Math si Samantha.
Habang naglalakad papunta doon ay kumunot ang noo niya nang makita ang ina nitong si Detective Joanna kasama ang ama nitong si Arthur Anderson. Mukhang nagtatalo ang dalawa dahil parehong nakakunot ang mga noo nila.
"I don't care kung anak mo siya o hindi! I understand now, and I'm sorry for not understanding you before," sabi ng ama nito. Napatago si Draico at patuloy na nakinig sa usapan. "Just please, come back to me."
"Pwede ba, Arthur? Matagal na tayong tapos! Maayos naman tayo na ganito ang set-up ah?" sagot ng ina.
"Hindi maayos para sa akin, Joanna! Sa tingin mo ba, hindi nasasakal si Draico? He needs a family too!"
"I can support him this way," sagot ng ginang. Humakbang siya paabante. "Tanggapin mo na, Arthur. Hindi na tayo kailanman mabubuo. At kung mabubuo man tayo, hindi natin magugupit sa larawan ang nakaraan."
"You can also support him! Kung siya ang humahadlang sayo upang lumapit sa amin, I will never hinder you from being a mother to him," sagot ni Arthur. Naguguluhan si Draico sa kanilang usapan.
"I can be a mother to both without you, Arthur," sagot ng ina na nagpagulat sa nagtatagong binata. "Kung ano man ang nalaman mo ngayon, burahin mo na sa isipan mo. Loathe me like how you hated me before with the reason you once knew. Panatilihin natin ang pagiging sibil."
"But J--"
Hindi na natapos ang sinasabi ng ginoo nang umalis na ng tuluyan si Detective Joanna. Bumuntong-hininga si Arthur saka tinahak na rin ang kasalungat na daan. Nanatiling nakatago si Draico at tila hindi makagalaw sa pwesto.
"Ba't ka andiyan? You should be at the camp."
Napalingon si Draico nang makita ang binatang si Noah. Bumalik ang bawat salita ng kaniyang ina sa kaniyang isip habang nakatingin sa binata. Bumalik rin sa kaniyang alaala ang mga binitawang salita ni Stephanie noon.
"Of course, the son of the winter would hate the child of sunshine. His brightness could melt his ice but the winter could not take his light away. I, too, am the daughter of the coldness."
"Tumakas ako eh, pero si Math ang lider sa pagtakas ah," depensa niya agad. Naalala niya ang kasungitan ni Noah sa kaniya at naalala na mabait si Noah sa lahat maliban sa kaniya. Hindi siya pinansin ni Noah at nagpatuloy lang ito sa paglalakad.
"U-Uy teka," tawag ni Draico sa kaniyang pansin. Napahinto si Noah at nilingon ang binata.
"What?"
"Sino ba ang ina mo?" tanong ni Draico. Ayaw niya sanang itanong iyon ngunit dahil sa larawang unti-unting nabubuo sa kaniyang isipan ay hindi na niya pwedeng balewalain iyon.
BINABASA MO ANG
Verson University: School of Doctors
Mystery / ThrillerThis is the third & last book of the Wendigo Psychosis Trilogy. Please read the first and second book before proceeding. Humans are ambitious. We aim for progression, but look at us now. We are toxic. Poisonous. We ended up spitting venom on our own...