Chapter 8 - A Reason

496 20 1
                                    

Chapter 8 - A Reason

Hindi ako makapaniwala. Tinangka kong habulin ang tumutulak ng stretcher so I could get a better look on his face ngunit hinarangan ako ng mga sundalo. Nagpumilit ako ngunit alam kong pinapahirapan ko lang ang sarili ko. Inis na lang akong tumigil at tumalikod.

Agad akong tumakbo papunta sa building na kinaroroonan ng pamilya ko. I am scared of the possibility that I might be right with what I witnessed. Hinihiling ko na sana nagkamali lang ako.

"Mom!" sigaw ko habang pinipindot ang buttons ng elevator ngunit nasa 12th floor pa ito. Napamura na lang ako at gumamit na lang ng hagdanan upang mapabilis ang aking pagpunta.

Hinihingal ako ngunit patuloy akong tumatakbo. I am having a dreadful feeling about something in the past, as if I see the image of my dad dying before me. Ayokong mawalan ulit ng isang taong importante sa buhay ko.

Nang makarating sa kwarto, kumunot ang noo ko nang makitang walang tao. Nang puntahan ko ang kabilang kwarto, nakita ko si Blaze at si Glaze kasama ang isang nurse na nagbabantay sa kanila.

"Where are they?" tanong ko sa nurse. Blaze ran to hug me and Glaze just glanced and went back to her business. Somehow, Blaze managed to put me in a lighter mood.

"They went layk wooshh! Like thisssh..." sagot ni Blaze at tumakbo papunta sa pintuan. Tinuro niya ang daanan sa kaliwa. "Then they ran there! So fashter!"

"They went to the lab, near conferensh room," sagot ni Glaze habang abala sa pagsusuklay ng manika niya. I mouthed thanks saka tumakbo papunta doon.

Nang makarating ako doon, kumunot ang noo ko nang makita ko silang nakaupo sa harap ng pinto na may nakasulat na Operating Room. Umiiyak sina tita, even my mom, habang hindi naman maipinta ang mga mukha nina tito. Kinutuban ako sa maaaring nangyari.

"A-Anong nangyari?" kinakabahang tanong ko. Sana mali ang hinala ko, ayokong maranasan muli ang pighati ng masaksihan ang paghihirap ng taong importante na rin sa akin. Sana.

"S-Si Tito Ryuteki mo, nakagat raw ng infected..." mom managed to answer with a shaky voice. Muntikan na akong matumba sa aking narinig. Akala ko'y nasugatan lang siya or nabaril, I mean it's still a bad thing, pero at least magagamot pa. But what if he turns out to be one of those infected? Wala pang siguradong gamot hanggang ngayon.

"P-Paano? Saka bakit siya andito? Does he belong in this university?" sunod-sunod na tanong ko. I just don't understand how things turned out like this.

"He became a member of this org after we crawled and hid underground. He wants to find us so he joined," sagot ni Tita Blanche. She's not crying, hindi rin siya malungkot. Iba ang nakikita ko sa mga mata niya, she's furious. Alam ko ang tinging iyan, she wants to beat the hell out of the people who hurt tito.

"He found us and told the chairman about it so he was sent to get us together with the beta team of the army. Unfortunately, di nila tayo naabutan sa bahay natin and instead, ang Verzalias Org ang naabutan nila. The org being sick as it is, used the infected subjects laban sa kanila," she continued. Naiyukom ko ang aking palad. Now I see where Tita's anger came from.

Ilang minuto ang lumipas at lumabas si Sir Blake habang tinatanggal ang surgical mask sa mukha niya. He looked really exhausted. Lumapit siya sa amin.

"Mabilis kumalat ang virus sa utak niya. We could have prevented it from affecting his brain but the virus was three times faster now. Para bang nag-upgrade sila," sabi niya. Magsasalita pa sana siya nang mapansin niya ang presensiya ko. Humakbang siya papalapit sa akin.

"Can I talk to you in private, Miss Samantha?" tanong sa akin ni Sir Blake.

"You don't have to ask that, Sir Blake," sagot ko at naglakad palayo sa pamilya ko. Naramdaman ko namang sumunod siya.

Verson University: School of DoctorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon