Keila's POV,
"Keila Gillian Avellino, ang ganda ng name mo!"
Iniwas ko lang ang tingin ko habang lihim na napangiti. "Mas maganda 'yung sa'yo."
"Anong maganda don? Wala namang kagandahan sa pangalan ko." Sagot niya kaya napanguso ako.
"Really Solace Miracle Umber? Napaka ganda kaya!" Sagot ko pero hindi siya sumang-ayon at napabuntong hininga na lang.
Kasalukuyan kaming nasa labas ng convenience store, tapos na din kami kumain at kanina pa kami nandito dahil katulad kaninang lunch, hindi na namin napansin ang oras sa kakadaldal namin. Siguro sa sobrang sarap ng pag-uusap namin, nakakalimutan na namin ang oras.
I sighed, staring sadly at her.
She slowly lowered her head, looking down. "Kahit kailan hindi ko naramdaman na isa akong miracle at mas lalong hindi ako nakakapagbigay ng comfort. Isinilang pa lang ako, namatay na ang mom ko. I never became a miracle in our family, I more feel like a curse instead a solace.."
Matapos ko marinig ang mga 'yon, naramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko. Pakiramdam ko apektado din ako sa sinabi niya o talagang naapektuhan ako dahil malungkot siya? Ano pa man 'yon, I don't like seeing her sad and I don't want her to think of herself that way.
"Hey.."
Kinuha ko ang kamay niyang nakapatong sa binti niya at pinisil iyon. She was taken aback by what I did and looked at me in surprise but I just gave her a soft smile. Nakatitig lang siya sa'kin at ganun din ako sa kanya, nakatitig lang kami sa isa't-isa.
Walang nagsasalita, walang kumikibo. Tanging ang katahimikan lang ang nasa pagitan naming dalawa habang kami ay tila nalulunod na sa titig ng mga mata ng bawat isa. Pero sana sa pamamagitan nito, maramdam ni Solace ang gusto kong iparamdam sa kanya.
I want her to feel how comfortable I am with her right now. At nang sa ganun ay kahit papano malaman niyang nakakabigay siya ng comfort, lalo na sa'kin. And for me, she's already a miracle. Siya lang ang nakakapagparamdam sa'kin ng ganito.
She's making me love the silence and comfort..
.. with her.
-
Kakatapos ko lang maglinis ng katawan saka pumunta sa higaan para ayusin ito at matulog na dahil jusko, maaga ang pasok namin kaya hindi ako pwedeng magpuyat. Well, hindi naman sobrang aga pero para sa taong tulad ko ay maaga na ang 9 am.
Matapos ayusin ang higaan, umupo ako dito at kinuha ang phone ko na biglang nag-ring.
Nakita ko sa screen ang pangalan ni Solace kaya agad kong sinagot ang tawag niya. "Hello?"
"K-Keila..!"
Natawa ako sa tono ng boses niya. Para kasing hindi niya inaasahan na sasagutin ko ang tawag niya. "Good evening, bakit ka napatawag?"
"H-Ha!? Oh.. ano.. uhm.."
"Hm?" Hinihintay ko lang siya magsalita at ilang segundo na ang nakakalipas pero wala pa ding nagsasalita sa kabilang linya. "Solace? Hey, nandiyan ka pa ba?"
"A-Ah, yes..! Ano lang.. uhm.."
"Solace."
"Y-Yes?"
"What's wrong? Bakit ka nauutal?" Nagsisimula na 'ko mag-alala.
"Oh.. Nothing. I.. I just want to say thank you earlier like for.. for doing that. Honestly, when you hold my hand.. I suddenly feel like I'm special haha. And.. that's weird.." Napangiti ako sa sinabi niya.
"I'm glad naramdaman mo 'yon."
"Huh? What do you mean?"
Humiga ako saka ipinikit ang mga mata ko habang nasa tainga ko pa rin ang phone ko. "Gusto ko talaga maramdaman mo na hindi ka talaga tulad ng iniisip mo. You're not a curse Solace, stop thinking like that kasi kung totoo ang naiisip mo tungkol sa sarili mo then bakit.. bakit nararamdaman ko sa'yo ang bagay na 'to?"
"L-Like what?"
"You gives me comfort, Solace. I'm glad you became my friend, I'm so lucky.." Pagsasabi ko ng totoo at saglit natahimik ang linya niya.
I just chuckles softly habang hinihintay si Solace na magsalita ulit pero gaya kanina, hindi pa rin siya nagsasalita kaya iniba ko na lang ang topic kasi feeling ko masyadong heavy ang topic na 'yon para sa kanya at hindi ko naman siya masisisi.
Masaya na 'ko na naparamdam ko ang gusto ko iparamdam sa kanya.
Humugot ako ng malalim na hininga, nakapikit pa rin ang mga mata at ang phone ay nasa tainga. "Solace.. please do me a favor.."
"A-Ano 'yon?"
"Can you sing? Gusto ko makarinig ng lullaby." Natatawa kong sagot.
"E-Eh? But I'm not good at singing. Well yes, I can sing but my voice.."
I chuckles, "You know what Solace? As your friend who's only concern about you, I think you really need more confidence. I'm sure may talent ka, you're just too shy to show it."
Narinig ko siyang nag-hmp sa kabilang linya kaya lihim akong natawa. She's so cute.
"Why are you acting like we're friends for 10 years? Parang kilalang-kilala mo na 'ko.. paano mo nagagawa 'yon?" Mahinang tanong niya. And her voice is too soft kaya hindi nakaka-offend 'yung tanong niyang 'yon.
"Let's just say that.. I really like to focus on something that I'm.."
"Ha?"
"Hmm.."
"Keila, hey?"
Hindi ko na 'ko nakasagot pa hanggang sa naramdaman ko ang unti-unting pagbagsak ng aking mga mata hanggang sa unti-unti na 'kong makatulog. Pero bago 'yon, sinubukan ko pa ring ituloy ang gusto kong sabihin kanina.
Pero tuluyan na 'kong bumagsak dahil sa antok.
.. I'm interested in.
"Keila?"
"Keila?"
"Eh?"
"Tulog ka na ba?"
"Luh, tulog na nga."
"Pftt, alright. Good night and sweet dreams!"
"And thank you so much.."
-
052922
Notes: This book is full of fluff at pinapatunayan ko lang sa sarili kong single ako na walang ka-night talk, ediwow kayo na Solace at Keila HSHAHSHAHAHAHHA chos. Anyways, I hope you like it and enjoy it!Thank youuuuu~ <3
BINABASA MO ANG
Loving Solace Unexpectedly (COMPLETED)
Teen Fiction[GXG] Sa tuwing may bagong nadidiscover si Keila Gillian Avellino sa bawat taong nakapaligid sa kanya, she always keeps her mind open. Always open to new experiences but knows exactly what she wants for her future at susundin niya kung ano ang naipl...