CHAPTER 7: EVERYTHING WILL BE FINE

834 97 2
                                    

Keila's POV,

Busy doing my homeworks, I stopped when I heard my phone rang.

Kinuha ko 'yon agad para tingnan kung sino ang tumatawag at napangiti nang makita ang pangalan ni mami sa screen ng phone ko. Oh ghad, I missed her!

I quickly tapped the answer button and screams. "MI, I MISSED YOU!!"

Narinig ko ang malakas na tawa ni mami matapos ko 'yon sabihin. "I missed you too, babi. And good news kasi pupunta ako diyan next month! Gusto ko na ulit makita ang babi ko~"

"Bakit 'di pa po bukas?" Natatawang tanong ko na ikinatawa niya din.

"I can't, madami din akong ginagawa dito." Sagot niya at dahil sa sinabi ni mami ay doon ko lang din naalala ang sinabi ni papsi sa'kin kahapon.

"Oo nga po pala, congrats po sa bakery niyo!"

She chuckles softly. "This is our bakery, babi. And thank you."

Nasabi kasi sa'kin ni papsi na matagal na nagbabalak si mami na magbukas ng sariling bakery. Mami loves baking and making sweets kaya hindi nakakapagtaka kung one day maisipan niyang matayo ng bakery at heto na nga, kahapon lang nagbukas ang bakery ni mami.

Medyo nakaka-sad lang kasi wala ako doon para samahan si mami sa pagbubukas at wala din ako doon para tulungan siya sa mga gawain. Sa tuwing nagbe-bake kasi si mami for snacks, ako lagi ang nagdedesign kaya gusto ko din sana gawin ulit 'yon.

Pero siguro hindi muna ngayon.

"So babi, how's your school? Maayos ka naman ba diyan? Hindi ka ba nahirapan mag-adjust? Hindi ka naman siguro inaaway diyan o binubully gaya sa mga pelikula 'no?"

"Mi, hindi naman po ako binubully." Natatawang sagot ko. "At hindi din naman po ako nahirapan mag-adjust so maayos lang naman po ako sa school." Pagsasabi ko ng totoo.

I heard her hummed in the other line. "Looking at your Instagram posts, mukhang maayos ka naman sa school."

"Eh? Inistalk niyo po ako sa Instagram?" Hindi ko makapaniwalang tanong at hindi din maiwasang matawa.

"Just checking on you, babi. Pero tingin ko mga kaibigan mo 'tong dalawang lagi mong kasama sa pictures 'no? 'Yung lalaki at babae?" Tanong ni mami at nag-hum lang ako as an answer. "Wala ka namang crush sa isa sa kanila?"

Umiinom ako ng gatas ko na kanina ko pa tinimpla bago gumawa ng homework nang bigla akong masamid sa tanong na 'yon ni mami. Agad kong pinunasan ang bibig ko habang nakakunot ang noo.

"M-Mi naman..! Of course wala po." Sagot ko at narinig ko lang natawa si mami.

"Gwapo 'yung guy, 'di ba tumalab charms niya sa'yo?" Muli pang tanong ni mami.

"Si Kio po?" Hindi ko maiwasang tumawa. "Jusko, personality niya pa lang hindi na pasok sa'kin. Hindi naman po siya masama, talagang hambog lang at maloko ang tipaklong."

"Pfft- I see." Hindi din maiwasang matawa ni mami. "How about this girl? Maganda siya, hindi din ba tumalab ang charms niya sa'yo?"

Natahimik ako saglit bago dahan-dahang nagsalita. "Well.. she's really pretty, panlabas o panloob man. And I really like her.. as my friend."

"Sure kang as a friend lang? Baka naman crush mo na siya, babi—"

"M-Mi!" React ko agad. "Sinabi ko na po sa inyo, wala po akong crush ni-isa sa kanila at kahit sa kanino pa. Wala pa po 'yan sa isip ko ngayon."

"I know pero normal lang naman ang humanga, babi. Strict kami ng papsi mo, alam mo 'yan. Against kami kapag nakipag-relasyon ka na sa edad mong 'yan kasi masyado pang maaga but having a crush on someone is just normal for a teenager like you."

Loving Solace Unexpectedly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon