CHAPTER 17: YOU ARE MY SOLACE

722 78 0
                                    

Solace's POV,

Totoo nga ang sabi nila na kapag may nararamdaman ka para sa isang tao ang laki ng epekto nito sa'yo at kahit presensya niya lang sapat na para magwala ang buong bulate sa katawan mo.

Gaya ngayon.

Hindi ko nga alam kung bakit ako bumaba ng kwarto at lumabas ng bahay namin matapos ko siyang makita. Basta ang malinaw sa'kin, kusa akong dinala ng mga paa ko palapit sa kanya.

Pero bakit nga ba siya nandito?

"Hey.."

"H-Hey.." Nauutal kong usal.

Nakatayo lang ako sa harapan niya, may halos isang metro ang pagitan namin sa isa't-isa at ang mga mata ko ay hindi makatingin ng diretso sa kanya. You can't blame me, after ng pag-amin ko hindi ko na alam kung paano ko siya titingnan ng diretso.

"Congratulations."

Dahan-dahan akong napaangat ng tingin sa kanya, iniiwasan pa rin na magtama ang mga mata naming dalawa. And I swear, it did my heart flip when I saw her smiled at me na para bang walang nangyari.

Pero bahagya lang akong yumuko, ayokong ipahalata sa kanya na kinikilig ako na ewan nang sabihin niya 'yon. "T-Thank you.."

Halos pabulong ko 'yon sinabi at pagkatapos non ay wala na ni-isa sa amin ang nagsalita. Tuluyan na kaming binalot ng katahimikan at tanging simoy ng malakas na hangin lang ang maririnig.

And to be honest, this silence is making me feel anxious. Kung pwede lang gusto kong pigilan ang paghinga ko dahil literal na nagwawala na 'ko sa isipan ko kasi hindi ko alam kung paano ako aakto sa harapan niya ngayon.

Akala ko magdamag na kaming magtatagal sa katahimikang ito ngunit nabasag din 'yon nang marinig ko si Keila na bumuntong hininga. Napasulyap ako sa kanya at nakita ko ang malungkot na ngiti sa kanyang labi.

"3 words, 8 letters means I love you, right?"

Natigilan ako at halos hindi na makagalaw mula sa kinatatayuan ko nang marinig ko 'yon mula sa kanya. I can't think straight. Biglang nagkagulo ang utak ko, nagpapanik.

Gusto ko na lang maglaho.

"Oh, wait. Baka 'I like you' ang ibig nong sabihin? You like me as your friend, right? Kasi sa totoo lang—"

"Stop." I immediately cut her off.

Hindi ko pa rin siya nililingon pero may gusto akong patunayan. Keila is a smart girl, imposibleng hindi niya alam ang ibig kong ipabatid sa mga sinabi ko kaya bakit ganito siya? Saglit akong natigilan at natawa ng pagak.

She's pretending.

And it broke my heart.

Masakit ang katotohanang wala akong chance sa kanya knowing that she's a freaking straight and I'm just her best best friend. Pero mas masakit pa pala na makita ko siyang nagpapanggap na walang alam sa nararamdaman ko.

Kahit obvious naman.

"Sola—"

"I like you. No scratch that- I love you. I'm in love with you. Hindi na kita nakikita bilang isang kaibigan lang. Keila, higit pa sa pagkakaibigan ang nararamdaman ko sa'yo." I confessed once again, feeling frustrated and hurt

Nakatingin ako sa kanya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat. Muling kumirot ang puso ko nang makita ko siyang umiwas ng tingin at dahan-dahang umiling-iling.

"I-Imposible.."

Napasinghap ako sa sinabi niya, napakagat sa ibaba kong labi upang pigilan ang pagbagsak ng aking mga luha. Alam ko kasing anytime ay tutulo na 'to dahil sa mga pinaghalo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.

"Solace.. bakit hindi mo pinigilan?"

Napapikit ako. Bakit? Kasalanan bang magustuhan ka?

Mapait akong natawa saka lumapit sa kanya. Nakatingin na siya sa'kin ngayon at nakikita ko ang pagkabigo sa mga mata niya. Humugot ako ng malalim na hininga bago siya sinagot.

"I tried, Keila. 'Yung time na iniwasan kita 'yon 'yung time na kailangan ko muna lumayo sa'yo para pigilan ang paglalim ng nararamdaman ko. But I failed. Hindi ko nagawa at mas lalo lang lumalim."

Siya naman ang humakbang para lumapit sa'kin saka ako hinawakan sa magkabilang balikat. "A-Are you sure? Baka puppy love lang 'yan. Solace we're still young—"

"Are you doubting my feelings for you?"

Hindi ko na maitago ang hinanakit sa boses ko dahil sa mga lumalabas sa bibig niya. Hindi ko maintindihan. Bakit ba siya ganito? Bakit hindi niya matanggap na ganito na ang nararamdaman ko para sa kanya? Naiisip niya bang nagpapadala lang ako masyado sa emosyon ko?

"N-No. Pero hindi ba masyado pang maaga?"

"Well sorry to disappoint you, maaga akong nahulog sa'yo Keila Gillian Avellino." Seryoso kong sagot at bahagya naman siyang natigilan.

Dahan-dahan siyang napayuko. "You're important to me Solace.." My eyes softens after hearing that, ang puso ko din ay nagsisimula na namang magwala.

"Importante ka rin naman sa'kin Keila." Usal ko.

Tumingala siya sa'kin dahilan para magtama ang paningin naming dalawa. She let out a faint smile, "You're too important to me that I wonder if I could live without you kasi sa totoo lang? Gusto ko nandito ka lang sa tabi ko. Ayokong mawala ka sa'kin. Hindi ko kaya. You're already part of my life.."

"Yeah, of course, I'm your best best friend after all." Mapait kong tugon pero sumimangot lang siya.

"Ano bang gusto mo?" Tanong niya dahilan para kumunot ang noo ko.

"What do you mean?"

Nandoon pa rin ang matamlay na ngiti sa kanyang labi saka siya nagpakawala ng buntong hininga. "I'm not ready for relationship, yet. But if you'll wait for me then maybe.."

Realizing every words she says, my eyes widens. "Keila!"

Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

"W-What do you mean by that? Sinasabi mo ba 'yan kasi naaawa ka sa'kin? Please stop, hindi ko kailangan ng awa mula sa'yo—"

"Wait. Let me talk first, please?" Putol niya sa'kin kaya tumango lang ako. "I also have a confession."

Nakikinig lang ako sa kanya habang pinapakiramdaman ang tibok ng puso ko na parang nakikipagkarera sa sobrang bilis nito. At kung ano man ang sunod na sasabihin ni Keila pakiramdam ko 'yon ang magiging dahilan para mahimatay ako.

I hope hindi niya 'ko biglain—

"Maybe Kio was right, I was being in denial with my feelings at first. But you made me realize everything. Mula nang una tayong magkita. Kung gaano ko kagusto ang lahat ng tungkol sa'yo, especially your smiles. Kung gaano ako nawasak nang muntikan ka na mawala sa'kin. Kung gaano ako natakot na baka isang araw iwan mo 'ko. I realized na.. mas maaga akong nahulog sa'yo Solace."

H-Ha???

"And I also realized that you, Solace Miracle Umber, you're my solace.."

That's it. Hindi ko na nakaya pa at napahawak na lang ako sa aking dibdib. This is too much to handle, especially after hearing that from her?!! Ghad. Gusto ko muna mamamatay mga 10 seconds lang.

"Solace????"

At 'yon ang huli kong narinig bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Loving Solace Unexpectedly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon