Love at first sight?
Nakakatawa lang dahil hindi talaga ako naniniwala sa kasabihan na 'yan.
Pero sino bang mag-aakalang magiging isa ako sa biktima ng sinasabi nilang 'nahulog sa unang tingin'?
No one.
Everything is unexpected.
But Loving Solace Unexpectedly, is one of the best thing I've made in my 17 years of existing.
"Babi, future mo nandito na!"
Feeling embarrassed, dahan-dahan akong sumilip sa may pintuan at doon nakita si Solace. Napansin niya din ako kaagad at kumaway, I just shyly waved back.
Nakita ko siyang natawa kaya pasimple akong sumimangot saka lumabas para harapin siya. Habang naglalakad palapit kay Solace ay kitang-kita ko sa peripheral vision ko ang malapad na ngiti ni mami, katabi niya si papsi na nakangisi naman.
Mas lalo tuloy akong nahiya. Pakiramdam ko muli kaming bumalik sa una kung saan una kong nakita si Solace sa loob ng bahay namin. Hindi ko pa maipaliwanag ang nararamdaman ko that time pero ngayon malinaw na sa'kin.
Tinamaan ako sa babaeng 'to at napabaliko ng 90 degree angle.
"Ingat kayo ha! Pakibalitaan kami kung nakarating na kayo sa simbahan—"
"Mi!" Agad kong pinutol si mami sa pang-aasar niya, she just laughed.
Kahit si Solace ay natawa lang din. "Sige po tita, tito, alis na po kami."
Nakangiti lang tumango sila mami at papsi sa amin saka kami nagsimulang maglakad palabas ni Solace ng bahay. She's clinging onto my arm, humming softly which made me smiled widely.
So saan nga ba kami pupunta?
Well.. hindi din namin alam. Kagabi pa kami nag-uusap about sa plano namin for todays video pero wala kaming maisip. Basta ang sure lang namin ay sa convenience store kami kakain and we're hanging out together.
Hindi naman sa date 'to since we're not dating. Yet. Wala pa kaming label dahil hindi pa 'ko ready pumasok sa isang relasyon at commitment, plus masyado pang maaga for that thing. Gusto ko i-enjoy muna namin ang bawat araw ng magkasama.
Basta ang malinaw, we're in love with each other.
Siguro mas maganda na din 'to para maging matibay pa ang bond namin together at mas makilala ang isa't-isa. Hindi naman kasi importante kung gaano kayo katagal naging magkarelasyon. Mas mahalaga 'yung tagal ng pinagsamahan niyo bago kayo mag-commit.
Doon niyo kasi mas makilala ng husto ang isa't-isa at doon pa lang masusubok na agad kayo.
So in short, para lang kaming best friends na may feelings sa isa't-isa. Pareho naman kaming okay sa ganito. Okay din para sa parents namin knowing na strict sila pagdating sa ganitong bagay, especially sa'kin.
But what made me happy is how supporting they are. Lalo na sila Kio at Michelle na todo ang asar sa aming dalawa. Oo, jusko lang. Nakahanap si Kio ng ka-tandem niya sa pang-aasar sa'kin pero dinamay na pati si Solace.
"Parang gusto ko ng ice cream." Rinig kong salita ni Solace dahilan para mas mapangiti ako ng malapad.
"Ako kisses. I want kisses." Sagot ko.
And as expected, napatingin siya sa'kin with gulat on her face. Namumula din ang magkabilang pisngi niya dahilan para pisilin ko 'yon. Kagigil e. Napanguso naman siya dahil sa ginawa ko. Hehehehehehehe.
Cutie.
"Stop giggling, hindi kaya nakakatuwa."
"What? Kisses na chocolates lang naman ang tinutukoy ko." Mas lalo siyang sumimangot na ikinatawa ko ng bahagya.
Hinila ko siya palapit sa akin saka pinagsaklob ang palad naming dalawa. Naramdaman ko siyang nanigas saglit dahil sa ginawa ko pero hinila ko lang siya papunta sa may ice cream vendor.
Ah yes, ice cream.
Hindi na yata 'to nawala sa amin mula una pa lang.
"Dalawa pong cookies—"
"— and cream."
Nagkatinginan kaming dalawa at napangiti sa isa't-isa. Nang maibigay ang ice cream naming binili ay namalagi muna kami sa isang park bench at doon ay umupo. Walang nagsasalita sa amin pero ang comfort palaging nandoon.
Napangiti ako nang may nahagip ang mga mata ko sa may dulo ng park. Lumingon ako kay Solace na nakatingin din pala sa akin. At sa pamamagitan ng ngiti niya, alam ko na agad na nakita niya rin ang nakita ko.
"Let's go to the photo booth?" Anyaya ko sa kanya.
She just chuckles and nodded her head. "Lezzgoooooo!"
Natawa lang din ako saka siya pinanood na tumakbo papunta doon. Mukhang masyado siyang na-excite sa photo booth and she's so freaking adorable. Para siyang batang excited sa bagong laruan.
Well, we're still young though.
Young and free to love.
END
BINABASA MO ANG
Loving Solace Unexpectedly (COMPLETED)
Teen Fiction[GXG] Sa tuwing may bagong nadidiscover si Keila Gillian Avellino sa bawat taong nakapaligid sa kanya, she always keeps her mind open. Always open to new experiences but knows exactly what she wants for her future at susundin niya kung ano ang naipl...