Keila's POV,
"Keila, I think I'm gay.."
Nabilaukan ako bigla nang marinig ko ang mahinang usal ni Kio na nasa tabi ko at kanina pa nakatulala sa labas ng bintana. Pinunasan ko ang bibig ko saka gulat na napatingin sa kanya na nakatingin lang sa kung saan.
"Paano mo nasabi?" Tanong ko.
I mean, this is so unexpected. Kahit kailan hindi pumasok sa isipan ko na aamin si Kio na ganito siya. Ganun pa man, wala akong problema kung maging sino man siya, talagang hindi lang ako makapaniwala at ngayon curious ako kung bakit niya nasabi 'yon.
"I don't know.. Simula bata pa lang ako sa babae lang ako nakakaramdam ng attraction but this guy.. he's different." Nakikinig lang ako sa kanya habang nagkwekwento.
"Naglalakad lang ako pauwi nang mapadaan ako sa kabilang school, 'yung public school diyan sa unahan? Then bigla na lang may kumulbit sa'kin at inabot ang panyo ko na nahulog ko daw then.. then.. nung nagtama ang mga mata namin biglang nagwala 'yung mga bulate sa tiyan ko!" Natawa ako sa pamamaraan ng pagkwekwento niya, mukha siyang kinikilig na ewan.
"Baka naman gutom ka lang?" Pagbibiro ko at sinimangutan niya lang ako.
"Wala ka bang alam sa romance? Sinabi ko lang na ganun pero ang totoo butterflies in stomach 'yon!" Dahilan niya at tumango-tango lang ako.
"Geez, I know." Natatawang sagot ko. "Pero anong nangyari sa hambog mong side Kio? Para kang girl teenager na kinikilig sa crush niya ngayon."
"Well.. I think may crush na 'ko sa kanya." Hindi ko inaasahan na aamin agad si Kio kaya bahagya akong nagulat.
"Wow.. you're really honest with your feelings." Wala sa sarili kong usal at napatingin naman siya sa'kin.
I saw him smirked at me. "Hindi naman kasi ako gaya mong in denial pa kahit halata namang gusto mo na siya."
"P-Pinagsasabi mo? Ikaw ang topic dito kaya 'wag mong ilipat sa'kin." Sagot ko at saka sumulyap sa may bintana.
I heard him clear his throat and sighed. "Aaminin kong lutang ako nitong mga araw pero akala mo ba hindi ko napapansin?"
Napalingon ako sa kanya. "Ang alin?"
"You and Solace, I can feel the distance between you two."
I sighed. "Ewan ko ba, she's starting to act distant all of a sudden."
"Have you tried talking to her?" Tanong niya at malungkot lang akong ngumiti.
"Sinubukan ko pero sabi niya busy lang daw talaga siya at nago-overthink lang ako kaya pinipilit ko, pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na ganun nga but I know there's a reason why she's acting like this at sa totoo lang para akong bulag na nangangapa ng kasagutan. Gusto ko lang naman sabihin niya sa'kin kung anong mali para maayos na 'to at bumalik na kami sa dati." Lintanya ko, hindi ko na maitago ang inis at sakit sa boses ko.
Nakakainis na kasi e. Bakit ba bigla na lang nangyayari 'to? Kung may problema kami, bakit ayaw niya na lang sabihin sa'kin? Ang hirap ng ganito, 'yung pinagkakaitan ka ng kasagutan sa mga katanungnan mo. Para na 'kong tanga kaka-overthink dito.
"Oh.." 'Yon lang ang nasabi ni Kio saka ako tinapik sa balikat. "I hope maging okay na kayo at saka subukan mo pa rin siyang kausapin kahit ayaw niya. Conversation is the key, walang mangyayari kung palagi lang kayong ganito."
Bumuntong hininga ako saka tumango. "Thank you, Kio."
"No problem."
-
"Mami.."
"Babi ko!" Agad akong binigyan ni mami ng mainit na yakap pagkapasok ko pa lang sa loob ng bahay.
At aaminin ko, nawala sa isipan ko na ngayon pala ang dating ni mami dito. Sobrang dami kasing tumatakbo sa isipan ko pero I'm glad na nandito si mami sa tabi ko ngayon kasi I really need her warm hug, I really need her right now.
"Babi..? Why.. Why are you crying?" Bakas ang pag-aalala sa mukha ni mami nang magtama ang mga mata naming dalawa.
Nagulat din ako sa sinabi niya dahil hindi ko na namalayang tumulo na pala ang luha ko sa mata kaya dali-dali kong kinuha ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang luha sa pisngi saka pilit na ngumiti. Ayokong isipin ni mami na may problema ako ngayon.
Ayokong mag-alala siya sa'kin.
"P-Po? Haha, siguro tears of joy? Nandito kasi kayoooo!" Pinilit kong pasiglahin ang boses ko.
Pero tinitigan lang ako ng seryoso ni mami saka napabuntong hininga. Marahan niya 'kong hinila para umupo sa sofa saka inayos ang buhok ko at sa ginagawa ni mami ngayon, parang gusto ko na lang siyang yakapin at hayaan ang sarili kong umiyak.
Mami's presence is so comforting, it makes me wanna cry.
"Keila, I'm your mother and I know you better. Alam ko kapag may problema ka so tell me, what's the matter? Mami's willing to listen, babi." At dahil sa sinabi niya, tuluyan na 'kong nag-breakdown.
"Mi.. i-it hurts."
"Where?"
"Here.." Pointing at my chest where my heart is. "The tightness in my chest that feels like squeezing.. it hurts a lot."
"Oh God.." Bulaslas ni mami. "Brokenhearted ba ang babi ko? What happened? Who hurts you?" Sunod-sunod niyang tanong.
"This friend of mine.. I feel like she's distancing herself from me and I don't know why kasi hindi naman niya sinasabi sa'kin. Mami.. nahihirapan na po ako, hindi ako sanay na ganito kami, gusto ko na lang bumalik kami sa d-dati.."
Agad akong hinila ni mami palapit sa kanya para yakapin ng mahigpit. Niyakap ko lang siya pabalik at hinayaan ang sarili na umiyak ng umiyak sa balikat ni mami. Sobrang nasasaktan na talaga ako at gusto ko na tumigil 'to, gusto ko na mawala ang sakit na 'to.
I don't want this distance between us.
This is too much.
I just want to be happy again while comfortably talking with her.
I just want her to stay by my side again.
I want her back.
When will I be able to see your smiles again Solace?
BINABASA MO ANG
Loving Solace Unexpectedly (COMPLETED)
Teen Fiction[GXG] Sa tuwing may bagong nadidiscover si Keila Gillian Avellino sa bawat taong nakapaligid sa kanya, she always keeps her mind open. Always open to new experiences but knows exactly what she wants for her future at susundin niya kung ano ang naipl...