PROLOGUE

2.3K 122 8
                                    

"Babi, 'wag kang magkukulit don ha? Kukurutin talaga kita sa singit kapag nalaman kong may inaway ka."

I looked at Mami in disbelief, shaking my head. "Mi, ano pong tingin niyo sa'kin? Isang kinder na bigla na lang mananaksak ng lapis o puputulin ang crayons ng kaklase niya? I'm a grown woman na po, paalala ko lang." Natatawa kong sagot.

Sumimangot lang si Mami at maya-maya ay nagsimula na namang magtubig ang mga mata niya, natawa lang ako ng mahina at niyakap siya ng mahigpit. "Babi.."

"Mi, sigurado na po ako." Alam ko na kung ano ang kasunod ng sasabihin niya kaya sumagot na ako agad. "Hindi na po magbabago ang isip ko."

"Bakit kasi doon pa? Pwede namang dito ka na lang sa'tin mag-aral ng grade 10." Nakangusong dahilan ni mami.

I smiled softly. Naiintindihan ko kung bakit ganito ang mga lumalabas sa bibig niya. Sigurado naman kasing mamimiss niya talaga ako kasi ako pa ba? Ang ganda ko kaya plus mabait pang anak, oha!

"Mi naman.. next school year senior high na po ako at gusto ni Papsi na doon po ako mag-aral since mas madaming magagandang school doon." Totoo 'yon, saka gusto ko din maranasan mamalagi sa ibang lugar maliban sa amin.

Nakanguso pa din si Mami pero maya-maya ay ngumiti rin siya at inayos ang ilang hibla ng buhok ko na nagulo dala ng malakas na ihip ng hangin. Well, nasa labas kasi kami ng bahay dahil mamaya lang ay babyahe na kami. Actually, kahit ngayon pwede na kami umalis kaso si Mami kasi ih.

"Fine, basta 'wag kang makakalimot na tawagan ako ha? Sabihin mo agad kung nahihirapan ka mag-adjust doon para ako na mismo ang pupunta sa'yo at ibabalik ka dito. Sa tatay mo din, makikinig ka lagi sa kanya. Nagkakaliwanagan ba tayo, Keila?" Natawa ako kaya agad niya 'kong hinampas sa balikat na ikinasimangot ko.

"Noted po lahat 'yan, Mi."

"Good." Biglang nagseryoso ang mukha niya kaya napakunot ang noo ko. "And no boyfriend, okay?"

My eyes widens after hearing that from her. "M-Mi naman..!"

I saw her smirks at me. "Pero pwede naman kung girlfriend-"

"Mi, I'm straight po!" I immediately cut her off, feeling embarrassed. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang 'yon lumabas sa bibig ni Mami, jusko.

At ano daw? Girlfriend? Mami talagaaaaa!

Nakakainis lang rin kasi after niya 'ko ngisihan ay nakangiti siya ngayon na tila inosente. "Bakit? Girlfriend na as in girl na friend kasi. Anong sinasabi mong straight ka? Ruler lang straight ngayon, 'Bi."

Napailing-iling na lang ako kasi feeling ko double yung meaning ng sinabi ni Mami pero iniba ko na lang ang topic kasi baka kung saan pa 'to mapunta. "Pero Mi, hindi pa po ba tayo aalis? Gagabihin po tayo sa byahe."

Napatingin si Mami sa relo niya at napatango. "Alright, ayokong gabihin tayo sa daan kaya tara na."

Tumango lang ako at saka sumunod kay Mami na sumakay na sa van. Yung mga gamit ko naman ay nasa compartment na, kami na lang talaga ang hinihintay pero gaya ni Mi, ayoko rin na gabihin kami kaya kailangan na naming umalis.

-

"Keila, anak, gising ka na ba?"

"Mhm.."

Loving Solace Unexpectedly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon