Keila's POV,
I was scared.
Akala ko masasaktan na naman ako at mawawala na naman si Solace sa'kin. Akala ko nang dahil sa mga inasta niya noong nakaraan ay muli na naman kami babalik sa pagtrato niya sa'kin na parang hindi kami close.
Pero hindi 'yon nangyari dahil akala ko lang pala ang lahat. Nandito siya. Nandito si Solace sa tabi ko and as usual she's clinging onto my arm just like a koala, smiling while talking to Kio and Michelle.
Kio gave me a smile and I just smiled back. Nang makita agad kami ni Kio na magkasama ni Solace, alam kong alam niya na agad na nagkaayos na kaming dalawa dahil malapad na ngiti agad ang iginawad niya sa amin.
And Michelle, pansin ko lang na madalas siyang sumulyap kay Solace at lihim na magbubuntong hininga. Pero maliban don wala namang nagbago, mas lalo lang kaming naging close na apat.
"Ang bilis ng araw, malapit na ang BER months!" Komento ni Kio.
"True. Magpapasko na naman tapos bakasyon ulit. Gosh, muntik ko na makalimutan na magsesenior high na pala tayo next school year and I'm not excited." Natawa kami sa sinabi ni Michelle.
Halata naman kasi sa itsura niya na hindi pa siya ready na mag-senior high. Pero ako na naka-plano na ang mga gusto kong mangyari sa hinaharap, ang pagiging senior high ko ay napagplanuhan ko na rin at ready na 'ko sumabak sa new journey ng pag-aaral.
"Speaking of senior high, ano pa lang strand ang kukunin niyo?" Tanong ni Solace dahilan para mapatingin kami sa kanya.
Napanguso si Michelle. "I'm not sure and I'm still not sure sa gusto ko sa buhay. In short, hindi pa 'ko nakapag-plan for that thing at hindi ko din alam ang gusto ko in the future."
"Same kami ng situation ni Michelle." Sagot naman ni Kio. "Pero may strand na 'kong kukunin and STEM 'yon since my mom wants me to become a doctor."
"Paano tayo naging same ng situation kung alam mo na ang strand na kukunin mo?" Tanong ni Michelle kay Kio na ikinasang-ayon namin.
Kio just smiled faintly. "Kasi hindi ko din alam ang gusto ko sa buhay at sinusunod ko lang naman ang gusto nila mom for me. Sa kakasunod ko sa mga gusto nila, hindi na 'ko nagkaroon ng chance na isipin kung anong gusto ko para sa sarili ko."
Matapos niya sabihin 'yon ay nabalot kami ng katahimikan. Nagkatinginan kami nila Solace at Michelle, bakas sa aming mga mata ang iisang emosyong nangibabaw matapos marinig ang sinabi ni Kio.
Lungkot.
Hindi ko din ineexpect na may ganitong side si Kio. Sa sobrang hambog kasi ng tipaklong na 'to inakala ko na nung una pa lang na isa siya sa mga rich kid na masyadong mataas ang tingin sa sarili.
But I was wrong.
"How about you Solace?"
Nabasag ang katahimikang namamalagi sa aming apat nang tanungin ni Kio si Solace. Napatingin si Solace sa'kin at ganun din ako sa kanya saka siya binigyan ng malapad na ngiti na ikinabuntong hininga niya.
"My dad wants me to become a lawyer.. pero hindi 'yon ang gusto ko kaya hindi pa 'ko sure sa kukunin ko. Hindi ko pa din nasasabi kay dad ang about dito." Bahagyang yumuko si Solace matapos sabihin 'yon.
BINABASA MO ANG
Loving Solace Unexpectedly (COMPLETED)
Teen Fiction[GXG] Sa tuwing may bagong nadidiscover si Keila Gillian Avellino sa bawat taong nakapaligid sa kanya, she always keeps her mind open. Always open to new experiences but knows exactly what she wants for her future at susundin niya kung ano ang naipl...