Keila's POV,
Kanina ko pa gusto umalis sa kinaroroonan ko ngayon. Hindi ako mapakali simula nang iwan kami ni Papsi. Oo kami. Meaning ako at si Solace. At kanina pa rin ako naiinis sa sarili ko dahil sa inaakto ko ngayon.
Paano kasi, todong kaba ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to and I don't know why but I always felt this feeling everytime she's around. Feeling ko nga ang abnormal ko na e. Para akong tuod nang dahil sa kanya.
Nakanguso akong pasimpleng sumulyap kay Solace na busy pa rin sa paghahanap ng libro habang ako ay tapos na mamili. Sabi kasi ni Papsi samahan ko raw si Solace dito dahil may titingnan lang siya sa isang store kaya no choice ako na samahan siya.
Pansin ko din kay Solace na napakatahimik niya. Siguro habang nasa byahe kami hanggang ngayon ay bilang lang sa darili ang pagsasalita niya. Kapag tinatanong kasi siya ni Papsi about stuffs, tatango lang siya o iiling with smile.
And I'm not gonna lie, she has the prettiest smile.
Pero minsan feeling ko cold siyang tao kasi kagaya nga ng sinabi ko, sobrang tahimik niya at bihira lang magsalita. Para tuloy siyang hangin pero ganun pa man, sobrang apektado ako sa presensya niya kahit kung tutuusin ay hindi naman dapat.
First of all, hindi kami close at kapag hindi ko close at hindi naman importante ang isang tao sa'kin ay madalas hindi ko sila pinapansin o hindi man lang tinatapunan ng tingin. Pero tingnan niyo 'ko ngayon, hindi ko na mabilang kung ilang beses na 'kong sumulyap sa kanya.
Weird mo self today, jusko.
"Why?"
Ramdam ko ang biglang pagkabog ng dibdib ko nang marinig ko si Solace na magsalita. Nakatingin siya sa'kin habang hawak ang libro na siguro ay kanina niya pa hinahanap. Pero wait- ako ba ang tinatanong nito?
"H-Ha?" Napakurap ako, hindi alam kung paano magsasalita.
"You. Kanina ka pa nakatingin sa'kin, may problema ba sa mukha ko?" Diretsong tanong niya na agad ko namang ikinailing, nagpapanik na baka isipan niya ng masama ang pagtitig ko sa kanya.
Wait- nakatitig ako sa kanya!?
Ngayon ay halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko. Nagpapanik. Balisa. Kinakabahan. Naiinis sa sarili ko. Hindi ko din alam kung anong isasagot ko sa kanya kasi kahit ako ay hindi din alam na nakatitig na pala ako sa kanya.
At mas lalong hindi ko alam kung bakit ko 'yon nagawa!
"Keila, right?" Ang kaninang nagpapanik na ako ay natigilan bigla nang banggitin niya ang pangalan ko. Napatingin ako sa kanya kahit nahihiya at nakita siyang ngumiti sa'kin. "Sorry kasi kailangan mo pa 'kong samahan dito."
"E-Eh?" Napakurap ako.
Ibinaling niya ang tingin sa ibang libro na nakalagay sa shelves. "Feeling ko kanina mo pa gusto umuwi pero napilitan lang na mag-stay kasama ko dahil sa sinabi ni Tito Karter kaya sorry talaga.."
Nanlaki ang mga mata ko matapos mag-sink in sa utak ko ang mga sinabi niya at mabilis na umiling-iling. "Hala, ayos lang. Hindi naman sa napilitan ako. Honestly, I don't mind na samahan ka dito."
Matapos ko 'yon sabihin ay hindi siya agad sumagot hanggang sa marealize ko kung ano ang sinabi ko dahilan para mas lalong manlaki ang mga mata ko dahil feeling ko mali yata 'yung way ng pagkakasabi ko.
"U-Uh.. I mean-"
"Thank you.."
"Ha?" Napatanga ako nang muli niya 'kong harapin. Nandoon pa din ang ngiti sa labi niya pero this time ay mas malapad na kaysa kanina.
"I thought you don't like me at first.. so I'm really sorry. Yung una mo kasing kita sa'kin para kang hindi komportable kaya lumabas na lang muna ako. Hanggang sa makarating tayo sa mall at mapansin kong kanina mo pa 'ko sinusulyapan, feeling ko jinajudge mo ang buong pagkatao ko-"
"HA!? HINDI SA GANUN!" React ko agad dahilan para matawa siya.
"I know. I know. I was wrong kasi ngayon, habang kausap kita mukha ka namang mabait. Sorry ulit kung inisipan kita ng hindi maganda." Dagdag niya kaya napakunot naman ng noo ko at slight na napanguso.
"Bakit ka ba panay sorry?"
Mukhang nagulat yata siya sa sinabi ko kaya umiwas siya ng tingin. "Sorry.."
"Ayan, nagsosorry ka na naman. Kapag wala kang kasalanan, stop saying sorry. Ang paghingi ng tawad ay kapag may nagawa kang mali and for me, wala ka namang nagawang mali sa'kin kaya wala ka dapat i-sorry." Paliwanag ko at unti-unti naman siyang napaangat ng tingin sa'kin.
"Thank you." Usal niya kaya napangiti lang ako.
"No problem. Anyways, tapos ka na ba? Inabutan na tayo ng hapon dito." Tanong ko sa kanya at tumango naman siya.
"Yeah. Umabot tayo ng hapon dahil sa'kin, sorr-"
"What did I say? If you didn't do something wrong, don't be sorry." Putol ko sa huling sasabihin niya.
Nakangiti siyang tumango. "Thank you ulit."
Napailing-iling na lang ako at sinenyasan siya na pumunta na kami sa counter. Wala pa din si Papsi pero okay lang kasi may mga hawak naman kaming pera kaya pwede na namin bayaran ang mga pinamili namin at lumabas ng bookstore.
Habang pinapanood na isa-isahin ayusin ang mga pinamili namin ng cashier, narealize ko na kahit ako ay may wrong impression kay Solace. Akala ko kasi cold siya pero sobrang mali pala ako kasi tingnan mo, ang hilig niya mag-sorry at mag-thank you sa bawat maliit na bagay at hindi naman ganun ka-importante.
She's too kind at wala namang masama doon. Sana lang bawasan niya mag-sorry sa mga bagay na akala niya mali kahit wala namang mali at wala dapat ipag-sorry. Dahil doon ay posibleng abusuhin ng iba ang kabaitan niya. But still, it's not my business after all.
We're not friends though.
"Keila."
Napatingin ako kay Solace na bitbit ang dalawang paper bags. Kakalabas lang namin ng bookstore at ngayon hindi namin alam kung saan kami pupunta. Hindi naman kami pwedeng lumabas ng mall without Papsi kaya siguro maghihintay na lang kami dito.
"Bakit?"
"Uh.."
"Hm?" Pansin kong may gustong sabihin si Solace pero hindi niya lang masabi o baka nahihiya siya? Pfft- ang cute niya. "Sabihin mo na lang sa'kin kapag komportable ka na-"
"P-Pwede ka bang maging friend?" Natigilan ako nang bigla niya 'kong putulin pero mas natigilan ako sa sinabi niya.
I noticed the slight pout on her face nang hindi ako sumagot agad. Iniwas niya lang ang tingin niya sa'kin dahilan para matawa ako ng mahina. Itong tanong na 'to ay hindi na dapat pang pag-isipan. Everyone deserves a friend.
"Sure, friends na tayo."
Agad siyang nag-angat ng tingin sa'kin, looking at me in disbelief. "Sure ka ba?"
Nakangiti akong tumango. "Yup, sure na sure."
She smiled softly, "Thank you.."
Tumango lang ako at ibinaling ang tingin sa unahan. Nakakatawa lang din kasi kanina sa bahay feeling ko natatakot akong lapitan siya pero ngayon bigla na lang ako naging komportable kausap siya.
I guess, I was wrong.
Mukhang magiging best friends pa kami nito.
Hopefully.
BINABASA MO ANG
Loving Solace Unexpectedly (COMPLETED)
Novela Juvenil[GXG] Sa tuwing may bagong nadidiscover si Keila Gillian Avellino sa bawat taong nakapaligid sa kanya, she always keeps her mind open. Always open to new experiences but knows exactly what she wants for her future at susundin niya kung ano ang naipl...