Keila's POV,
"P-Pero natatakot ako.."
Hindi maalis sa isipan ko ang sinabi ni Solace kagabi at hanggang ngayon ay wala pa din akong ideya sa nangyayari sa kanya, basta ang alam ko lang ay hindi siya okay. Hindi ko na din siya nakita pagkagising ko dahil sabi ni papsi maaga daw umalis si Solace para umuwi sa kanila.
"Hindi daw sasabay si Solace sa'yo."
Napatingala ako kay papsi na busy sa pag-aayos ng lamesa para sa breakfast namin. Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya kaya tinanong ko ulit si papsi. "Po?"
Lumingon siya sa'kin, dala ang isang bowl ng ulam saka inilapag ito sa lamesa.
"Bago nagpaalam si Solace kanina para umuwi sa kanila, sinabi niya din na hindi muna siya sasabay sa'yo sa pagpasok." Lintanya ni papsi na ikinatango ko lang.
Honestly, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko matapos sabihin 'yon ni papsi. Nasanay na din kasi ako na palagi kong kasabay si Solace sa pagpasok kaya maninibago akong hindi siya kasama habang naglalakad papunta sa school.
Pero naiintindihan ko naman. Normal na sa isang taong may pinagdadaanan ang gustong mapag-isa muna kaya tipid na lang akong napangiti sa sarili ko saka nagsimulang kumain nang matapos si papsi at umupo sa harapan ko.
Habang kumakain ay hindi ko pa rin maiwasang mag-overthink ng mga bagay-bagay. Pero alam ko din namang makikita ko pa rin si Solace at makakasama sa lunch at pag-uwi kaya hindi dapat ako maging malungkot nang dahil lang dito.
Pero hindi ganun ang bumungad sa'kin sa school.
Pagkarating ko pa lang sa gate ng school ay nakita ko na agad si Solace na nakakapit sa braso ni Michelle, nagtatawanan sila. At sa tingin ko papasok pa lang sila sa room nila dahil sa mga gamit na dala nila at sa bag na suot nila.
May kung anong pumasok sa isipan ko matapos ko sila makita pero pinili ko na lang na 'wag 'yon pansinin dahil siguro mali lang ako ng naiisip. Panigurado namang hindi 'yon gagawin ni Solace, magkasama lang kami kagabi kaya imposible.
Nagpatuloy ako sa paglalakad, nasa likuran lang nila ako nang makita kong lumingon si Michelle sa likuran dahilan para iiwas ko ang tingin sa kanila. Mag-iiba din sana ako ng daan para hindi na niya 'ko makita pero huli na dahil narinig kong tinawag ni Michelle ang pangalan ko.
Ghad.
Dahan-dahan akong lumingon sa kanila at unang tumapat ang tingin ko kay Solace na nakatingin din sa akin pero agad din siyang umiwas ng tingin. Pansin ko pang maglalakad si Michelle palapit sa'kin kasama si Solace nang agad bumitaw si Solace sa kanya at bumulong.
Hindi ko maintindihan at marinig ang sinasabi niya pero nakita ko lang tumango si Michelle at kasabay non ang paglakad ni Solace palayo sa amin. Napakunot ang noo ko nang dahil doon, naguguluhan pero hinayaan ko na lang.
Siguro may iba pang gagawin si Solace.
"Uh.. may gagawin pa daw si Solace kaya mauuna na siya sa classroom." Rinig kong sambit ni Michelle na ngayon ay nasa harapan ko na.
I just smiled, "I understand."
Nagsimula kaming maglakad sa hallway at hindi ko din alam kung bakit kasabay ko si Michelle sa paglalakad dahil hindi naman kami ganon ka-close at si Solace lang ang palagi niyang kasama. Ganun pa man, hinayaan ko na lang.
"I know we're not close but you're Solace's close friend kaya curious ako sa'yo, okay lang ba kung tanungin kita about stuffs? Okay lang din na 'wag mong sagutin kung hindi ka comfortable." Aniya dahilan para mapasulyap ako sa kanya at ngumiti.
"I don't mind, pwede mo 'kong interview-hin anytime." Sagot ko na ikinatawa naming dalawa.
"Alright. Pero curious lang talaga ako at hindi na din 'to bago so.. may boyfriend ka na ba?" Paninimula niya na bahagya kong ikinatawa.
"Boyfriend? Nah."
"How about girlfriend?"
Gulat akong napatingin sa kanya. "W-Wala."
I saw her smiled. "So what's your sexuality?"
"I'm straight." Agad kong sagot at pansin kong natigilan siya.
"I see."
Hindi na 'ko nagsalita after non at hindi na din nagsalita si Michelle hanggang sa makarating kami sa tapat ng classroom namin. Nakangiti akong humarap sa kanya saka nagpaalam at ganun din ang ginawa niya bago tuluyang umakyat dahil nasa taas pa ang classroom nila.
I just sighed nang mawala siya sa paningin ko saka pumasok sa classroom. Pansin ko ding wala pa si Kio kaya siguro late na naman 'yon, as usual. Wala pa din ang adviser namin kaya tumulala na lang ako, ang mga mata ay nasa labas ng bintana.
At ewan ko ba, pero parang naubusan ako ng enerhiya kahit wala naman akong ginawang nakakapagod.
-
Uwian.
Walang gana akong lumabas ng classroom namin saka naglakad papunta sa gate, doon ko kasi hihintayin si Solace para sabay kaming umuwi. Pwede ko din naman siyang puntahan sa room nila pero wala talaga ako sa mood ngayon kaya sa may gate na lang ako maghihintay.
Wala din si Kio. Akala ko na-late lang siya pero absent pala ang tipaklong kaya walang nang-aasar sa akin at nanggugulo— na dapat kong ipagpasalamat pero hindi e, sana nga pumasok na lang si Kio para kahit papano nawala sa isipan ko ang bagay na 'yon.
Sighs.
I feel so exhausted, hindi ko alam kung bakit pero siguro dahil mag-isa lang ako ngayon? Walang Kio na nang-aasar sa'kin at walang Solace..
Solace.
Kanina pa siya laman ng isipan ko. Sinusubukan kong hayaan na lang ang bawat kilos niya pero hindi na siya nawala sa isipan ko mula nang tanggihan niya 'kong kasabay kaninang lunch.
Hindi naman sa tinanggihan niya 'ko na ayaw niya 'kong kasabay mag-lunch, talagang busy lang siya at naniniwala naman ako doon lalo pa't nang marinig ko siyang kausap si Michelle sa phone that time.
"Mich!.. Yeah, papunta na 'ko diyan sa art club.. Diyan na lang din tayo mag-lunch para matapos na 'yang unang activities na binigay sa'tin.. Haha, oo nga.. Yeah.. Of course, we're arts buddies!.. Haha, sige. Bye!"
At gaya nga ng sinabi ni Solace, they're arts buddies kaya naiintindihan ko kung madalas silang magkasama ngayon. Pero ganun pa man, hindi ko pa ring maiwasang makaramdam ng ganito. I.. I feel so lonely and empty without her.
And I'm hoping na this time, sa'kin siya sasabay umuwi.
Pero mukhang naka-tadhana na maging lonely girl ako ngayong araw dahil kakareceive ko lang ng text galing kay Solace na 'wag ko na daw siya hintayin kasi kay Michelle daw muna siya sasabay pag-uwi. Sinabi niya ring may kailangan pa silang tapusin kaya doon na din siya makiki-sleepover.
Bagsak ang balikat, walang gana kong ibinalik ang phone ko sa bulsa ng palda saka nakangusong tumingin sa hallway ng classroom nila Solace. Mas lalo lang akong nalungkot nang makita ko silang lumabas ng classroom nila ng magkasama.
Pansin ko pang bahagyang napatingin si Solace sa direksyon ko pero umiwas lang ako ng tingin saka nagsimulang maglakad palabas ng gate ng school.
Ang pangit ng araw ko.
BINABASA MO ANG
Loving Solace Unexpectedly (COMPLETED)
Teen Fiction[GXG] Sa tuwing may bagong nadidiscover si Keila Gillian Avellino sa bawat taong nakapaligid sa kanya, she always keeps her mind open. Always open to new experiences but knows exactly what she wants for her future at susundin niya kung ano ang naipl...