CHAPTER 11: PLEASE END THIS GAME

773 86 2
                                    

Keila's POV,

"There's an art competition and Solace is our representative."

"That's because you guys chose me, hmp. Dapat kaya ikaw ang representative natin Michelle, mas magaling ka sa'kin."

"Nice! Advance congratulations agad sa'yo Solace!"

"Hindi pa nga 'ko nananalo?"

"For sure we are going to win because of you Solace."

"I hope so.. but one thing I'm sure, I'll give my best para lang manalo sa competition!"

"Ayan ang fighting spirit!"

"We're just here to support you!"

"Thank you guys!"

"Uh.. Keila are you okay? Keila?"

Nabalik ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Michelle sa balikat ko. Napatingin ako sa kanila at pansin kong nasa akin ang tingin nilang tatlo pero nanatili lang na naka-fix ang tingin ko kay Solace.

"Keila?" Rinig kong tawag ni Kio sa tabi ko.

"Baka naman matunaw si Solace nan." Nang dahil sa sinabi ni Michelle ay agad akong umiwas ng tingin at napabuntong hininga.

"I'm sorry.." Mahina kong usal.

"Hey, what's the matter? May sakit ka ba? Ang tamlay mo." I looked at Michelle, she's looking at me with concern on her eyes.

I just shook my head. "Nah, wala lang ako sa mood pero okay lang ako." Pinilit kong ngumiti para ipakitang ayos lang ako.

Ngunit nang magtama ang mga mata namin ni Kio, alam kong alam niyang hindi talaga ako okay kaya malungkot akong ngumiti sa kanya na ikinasimangot niya lang saka bumuntong hininga.

"Excuse us Michelle and Solace, nakalimutan ko may pupuntahan pa pala kami ni Keila." Ani Kio saka tumayo at hinawakan ako sa wrist.

Alam kong nagsisinungaling lang si Kio pero tumayo na din ako para sumama sa kanya. Pero bago 'yon ay tinanguan ko muna si Michelle saka napatingin kay Solace na nakatingin sa kamay ni Kio na nakahawak sa'kin.

Madami akong nakikitang emosyon sa mga mata niya pero ni-isa doon ay hindi ko mabasa.

"Alright, babalik na din naman kami ni Solace sa room." Sagot ni Michelle. "Pero kapag hindi ka okay Kei, pumunta ka agad sa clinic ha?"

I just smiled softly and nodded my head. "I will, Michelle kaya 'wag ka na mag-alala sa'kin. Kayang-kaya ko 'to." No, I really can't do this anymore.

Ngumiti lang siya sa'kin at bago kami umalis ay muli pa 'kong sumulyap ulit kay Solace na ngayon ay nakatungo na. Napabuntong hininga na lang ako saka hinila si Kio palayo doon, dinala ko siya kung saan wala masyadong mga estudyante na nakatambay.

"Hindi mo pa siya kinausap ulit?"

"Lagi siyang may way para iwasan ako Kio, paano ko siya makakausap?" I answered, feeling exhausted.

"Sabagay. Also Michelle, lagi siyang nasa tabi mo kaya mahirap din makakuha ng solo time niyong dalawa." Ani Kio na ikinakunot ng noo ko.

"What do you mean?"

Loving Solace Unexpectedly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon