CHAPTER 2: LOVE AT FIRST SIGHT?

1.3K 104 4
                                    

Keila's POV,

"Keila!"

Otomatikong gumuhit ang ngiti sa labi ko nang salubungin ako ni Solace sa labas ng bahay.

Right, today is our first day as grade 10 students and after this, senior high na kami then next is college. Ang bilis lang talaga ng panahon.

"Oh, Solace kanina ka pa nandito?"

Napatingin kami kay papsi na kakalabas lang ng bahay. Naka-uniporme siya dahil papasok din siya sa trabaho habang ako ay papasok sa school kasama si Solace. Yup, napagkasunduan namin na magsabay na lagi sa pagpasok at pag-uwi- just like what papsi told me yesterday.

"Kakarating ko lang din po tito, medyo na-late ako ng gising." Sagot ni Solace at natawa ng mahina.

"Late ng gising? Parang hindi naman, mukha ka ngang excited pumasok." Biro ko na ikinatawa naming dalawa.

"Well, you're right. Excited na talaga ako."

"Halata nga." Sagot ko at napahagikgik.

"Alright girls, sure na ba kayong hindi ko na kayo ihahatid? I mean, madadaanan ko lang din naman ang school niyo." Nagkatinginan kami ni Solace nang sabihin 'yon ni papsi, nakita ko siyang tumango sa'kin habang nakangiti kaya lumingon ako kay papsi.

"Sige po, mukhang mas magandang sumakay sa first day para sure na hindi kami male-late." Pagsang-ayon ko kay papsi at tumango naman siya saka kami iginaya para sumakay sa sasakyan.

Malapit lang naman ang school sa village namin kaya kayang-kaya lang talaga maglakad pero syempre gusto na lang din namin pagbigyan ang gusto ni papsi. Plus, ito kasi ang first time na ihahatid ako ni papsi sa araw ng first day of school.

"Take care, okay? 'Wag din kayo mahihiyang magsabi sa teachers kapag may nangyaring masama." Sabay kaming tumango ni Solace sa sinabi ni papsi.

At bago tuluyang umalis si papsi para dumiretso na sa trabaho niya ay binigyan ko muna siya ng mabilis na halik sa pisngi saka kami nagpaalam at hinintay na makalayo ang sasakyan niya. Nang hindi na namin nakita ang sasakyan ni papsi ay tuluyan na kami pumasok sa gate ng school.

"Hindi ka ba kinakabahan?"

Natigilan ako, hindi dahil sa sinabi ni Solace kundi sa kung paano siya kumapit sa braso ko. Hindi na bago sa'kin 'to dahil sanay na 'ko na laging kumakapit ang mga kaibigan ko sa braso ko na animoy mga koala at isa akong puno.

Pero nung ginawa 'yon ni Solace, I felt something. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang magdikit ang mga balat naming dalawa. Tuloy ay hindi ko na naman maiwasang mag-overthink ng kung ano-ano.

Bakit ba lagi na lang kakaiba ang mga nararamdaman ko kay Solace?

Weird.

"Keila?"

"H-Ha?" Napakurap ako at napatingin kay Solace na nakatingin din pala sa'kin.

"Are you okay? Bigla kang natulala, saan ka ba nakatingin- oh. OOOooOOOooh!" Napakunot ang noo ko sa reaction niya habang nakatingin sa kung saan.

Sinundan ko 'yon ng tingin at nakita ang isang lalaki na hindi kalayuan sa amin. Muli akong napatingin kay Solace nang pabiro niya 'kong sikuhin. "First day of school mukhang na-love at first ka na, huh? Yie."

"Eh?" Pinagsasabi nito?

Umayos siya ng tayo at binigyan ako ng malapad na ngiti na animoy kinikilig siya na ewan. "Natulala ka kasi bigla kaya sinundan ko kung saan ka nakatingin at nandoon sa lalaking 'yon ang mga mata mo. Yie, natulala ka ba kasi na-love at first sight ka sa kanya? Omg!"

Loving Solace Unexpectedly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon