Solace's POV,
Gulat at takot ang unang gumuhit sa mukha ko nang makita ko si Keila pagkalabas ko ng cubicle. Nakatitig siya sa'kin at ang unang napansin ko sa kanya ay ang pamumula ng mga mata niya. She looks like she's gonna cry anytime which made worry.
What's wrong?
Doon ay may narealize ako.
"You.. heard us?" Halos pabulong kong tanong sa kanya at dahan-dahan siyang tumango.
Para namang nanuyo ang lalamunan ko at nanlamig ang magkabilang palad ko. So she heard us, huh? Kaya ba siya mukhang iiyak anytime dahil alam niya na ang nararamdaman ko para sa kanya?
Umiiyak ba siya kasi hindi kami mutual ng feelings? Or maybe nandidiri siya sa'kin kasi nagkagusto ako sa kapwa ko babae at ngayon hindi niya matanggap na nakipagkaibigan siya sa isang tulad ko?
Dahil doon ay hindi ko maiwasang matawa ng pagak sa aking isipan. Right, she's straight as ruler.
Tuluyang bumagsak ang balikat ko nang dali-daling naglakad palabas ng restroom si Keila without saying anything to me kaya pakiramdam ko dito na rin natatapos ang friendship namin ng tuluyan.
I ruined our friendship.
Bakit ba kasi ako nahulog? Keila is just being nice and friendly to me. Sinusuportahan niya 'ko at palaging sinisiguradong nandyan siya sa tabi ko kahit anong mangyari. Ginagawa niya lang ang ginagawa ng isang mabuting kaibigan but I'm a dumb, nahulog ako sa kanya.
"Solace? Hey? Hey, Solace bakit ka umiiyak??"
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin kay Michelle na kakalabas lang ng cubicle. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinayaan ang sarili na umiyak ng umiyak.
"K-Keila already knows.. she heard us."
-
"Solace?"
"Bukas po 'yan."
Dahan-dahan bumukas ng pinto ng kwarto ko at iniluwa nito si dad na may dalang tray ng pagkain. Pinilit kong ngumiti upang ipakitang okay lang ako dahil nakikita ko sa mukha niya ang pag-aalala sa kalagayan ko.
Inilagay ni dad ang tray sa tabi ng lamp table ko saka umupo sa gilid ng kama ko. He gently strokes my hair, looking at me with concern on his eyes. I just looked away, ayokong makita ni dad sa mga mata ko ang totoo kong nararamdaman.
"Sure ka bang okay ka lang?" Tumango lang ako sa tanong niya. "Then bakit hindi ka pumasok kahapon at ngayon? Hindi ka aabsent kung okay ka lang Solace."
"I-I'm okay dad.."
"You're not, dahil ba 'to kay Keila?"
Gulat akong napatingin sa kanya nang sabihin niya 'yon. No way, imposibleng malaman ni dad ang about don. No. Hindi pa 'ko handang umamin sa totoong ako at natatakot din ako.. natatakot na hindi tanggapin.
"You looked scared but please don't be honey dahil tanggap kita kahit ano ka pa."
"D-Dad.." My voice cracked after hearing that from my father.
He smiled at me softly. "Mahal kita anak kaya sino ako para tumutol sa makakapagpasaya sa'yo? Pangarap namin ng mommy mo ang maging masaya ka sa buhay mo pero alam kong nahihirapan kang hanapin ang bagay na 'yon dahil sa nangyari sa mom mo. Naririnig ko ang mga pag-iyak mo sa gabi, paulit-ulit na sinisisi ang sarili mo sa pagkawala ng mommy mo kaya hangga't maaari gusto kong iparamdam sa'yo na hindi mo kasalanan dahil kahit nawala ang mom mo, iniwan ka naman niya sa'kin upang magbigay liwanag at magsilbing lakas para ipagpatuloy ko ang buhay ko na nawasak mula nang mawala ang mom mo."
"You're a solace and miracle of my life anak."
Hindi ko na napigilan pa at agad sinugod si dad ng mahigpit na yakap. Umiyak ako ng umiyak sa kanyang bisig, iyak na may halong lungkot at saya. Pero hindi ko din maiwasang mainis sa sarili ko dahil hindi ko agad nakita ang mga efforts niya para sa'kin dahil masyado akong nabulag sa mga nangyari.
"I'm sorry.." Bulong ko at niyakap lang ako ni dad ng mahigpit.
"No, ako dapat ang magsosorry anak. Hindi ako naging sapat."
"No! Please don't say that dad. I was being blind. Hindi ko po nakita agad ang mga efforts niyo, I'm really sorry..!"
"Shush now honey, ang mahalaga alam mo nang nandito lang si daddy for you okay? Susuportahan kita kahit anong mangyari." Mas lalo lang akong napaiyak sa mga sinabi ni dad.
"T-Thank you po dad.."
Humiwalay ako mula sa kanyang bisig at pinunasan ang mukha kong basang-basa ng luha ko. Natawa ng mahina si daddy nang makita ang itsura ko saka inayos ang ilang hibla ng aking buhok.
"Now tell me, anong ginamit ni Keila na magic para mapasaya agad ang anak ko?"
Hindi ko inaasahan na itatanong ni dad 'yon dahilan para manlaki ang mga mata ko at uminit ang pisngi ko. Pero dahan-dahan din akong napayuko, unti-unting nilamon ng lungkot at sakit nang dahil sa nangyari sa amin.
But if dad really wants to know kung anong meron si Keila, handa akong sabihin sa kanya ang lahat ng reason kahit ang totoo nan kaya ko naman i-explain sa isang sentence ang lahat ng rason ko kung bakit ako nahulog sa kanya.
And that's..
"Because she's Keila." Sagot ko.
"You're in love."
"Yes I am." Pag-amin ko at nakita ko siyang ngumiti.
"Parehas tayo ng explanation nung tinanong ako ng lolo't lola mo kung bakit ang mom mo ang pinili ko." Pagkwekwento ni dad at hindi ko maiwasang ngumiti.
"Really?"
"Yep. We're both whipped for them." Natatawa niyang sagot at umiwas lang ako ng tingin.
Because it's true.
"Pero halata namang hindi kami mutual ng feelings." Usal ko at napabuntong hininga.
"Paano ka naman nakakasiguro? Nakausap mo na ba siya? Umamin ka na ba sa kanya ng harapan? Anak, hangga't hindi nagmumula sa kanya ang salita may chance pa. 'Wag mong hayaan na lamunin ka ng mga what ifs mo."
"Pero hindi ba mas masakit kung maririnig ko sa kanya ng diretso ang salita?" Malungkot kong tugon.
He just frowned. "Ganun naman talaga, di'ba? Sa buhay hindi palaging winner ka. Parang laro lang 'yan na either you will lose or you will win. Nevertheless, mas maganda pa rin ang sure kasi mahirap magkaroon ng regrets."
"I don't understand." Pagsasabi ko ng totoo.
"You just need to choose Solace and it's either confess your feelings or live with regrets."
BINABASA MO ANG
Loving Solace Unexpectedly (COMPLETED)
Teen Fiction[GXG] Sa tuwing may bagong nadidiscover si Keila Gillian Avellino sa bawat taong nakapaligid sa kanya, she always keeps her mind open. Always open to new experiences but knows exactly what she wants for her future at susundin niya kung ano ang naipl...