Keila's POV,
"Sola-"
"Solace!"
Hindi ko na natapos pa ang gusto kong sabihin nang marinig ko si Michelle na tinawag si Solace. Agad namang napatingin sa kanya si Solace at nang magkalapit sila ay niyakap siya ni Solace with a sweet smile on her lips, I just secretly frowned.
Solace is indeed a clingy person. Akala ko noong una sa'kin lang siya ganun pero kahit kay Michelle pansin ko ring mahilig talaga siya mangyakap at kumapit sa braso. Minsan ginagawa niya din 'yon kay Kio, siguro ganun na talaga siya kapag komportable sa isang tao.
And these days, pansin ko lang na nagiging close na sila Michelle at Solace- which is good dahil kahit papano may kaibigan na si Solace sa loob ng classroom niya at hindi niya na mararamdaman na lonely siya and I'm thankful for Michelle for befriending Solace.
Naglakad ako palapit sa kanila at mukhang napansin naman nila ang presensya ko dahil agad silang napatingin sa'kin at ngumiti. I just smiled back and glued my gaze on Solace who's wearing her sweetest smile, hindi ko tuloy maiwasang mas lalong mapangiti.
There's really something about Solace's smile.
"Keila!" Natawa na lang ako nang pabiro siyang tumalon palapit sa'kin saka ako niyakap na para bang ilang taon kaming hindi nagkita kahit ang totoo ay araw-araw naman namin nakikita ang isa't-isa.
Well, typical Solace.
"Hindi ko alam na interesado ka din pala sa arts, Solace." Napatingin kami kay Michelle na nakatingin sa canvas ni Solace.
Bumaba ang tingin ko doon at nakita ang isang makulay na larawan. And when I say makulay, literal na maraming kulay ang inilagay ni Solace pero hindi ito nagmukhang makalat. She blended each colors perfectly that made it looks like work of a professional artist.
At tulad ni Michelle, hindi ko din inaasahan na may talent si Solace sa art. Alam kong may hidden talent siya and she's just too shy to show it pero hindi ko inaasahang isa sa mga talent niya ay arts.
Bilang isang nilalang na hindi mahilig sa drawing at mas lalo na sa pagkukulay, I really find art hard. Lumaki ako na sapat na ang simpleng drawing at hindi maayos na kulay kaya itong ginawa ni Solace? Dapat lang mai-display 'to sa isang art gallery!
"What do you mean 'din'? Mahilig ka din ba sa arts Michelle?" Napatingin ako kay Solace na nakatingin kay Michelle ngayon.
Michelle nodded her head. "Yep. Actually, plano kong sumali sa art club kaso parang ayoko din."
"Eh? Why naman?" Hindi ko na naiwasang sumali sa usapan nila. Napatingin naman sila sa'kin. "Well.. kung okay lang naman na sagutin mo kung bakit pero kung hindi.. okay lang din-"
"No, it's fine. Hindi naman siya ganun ka-sensitive topic for me. Talagang.. parang hindi ko pa ulit mahanap 'yung nawala kong passion sa art. Like.. I feel so lost." Sagot ni Michelle at mahinang tumawa.
"Oh.." Napatingin ako kay Solace, nakasimangot siya ngayon. I can clearly see on her eyes that she feels bad for what she heard from Michelle at kahit naman ako.
I remember what mami told me about this before and she told me that losing interest in your passion is like losing your soul and ultimately losing real purpose of your birth in this lifetime so I know it was really hard for Michelle.
"I.. I wanna help you. Gusto ko din sumali sa art club pero wala akong enough confidence para gawin 'yon at hindi ko din alam kung paano kita tutulungan pero kung sasali tayo pareho.. baka.. baka.. matulungan kita.."
BINABASA MO ANG
Loving Solace Unexpectedly (COMPLETED)
أدب المراهقين[GXG] Sa tuwing may bagong nadidiscover si Keila Gillian Avellino sa bawat taong nakapaligid sa kanya, she always keeps her mind open. Always open to new experiences but knows exactly what she wants for her future at susundin niya kung ano ang naipl...