Keila's POV,
"Kio."
Napatingin sa'kin ang tipaklong na hambog saka ngumiti ng malapad bago umupo sa tabi ko. Kakarating niya lang at himala dahil hindi siya late o kasabay pumasok si Ms. Diane. Usually kasi lagi siyang ganung oras pumasok.
It's been a week since magsimula ang klase at wala pa rin akong nagiging kaibigan o squad sa classroom maliban kay Kio Vince Hillsrough slash the tipaklong na hambog. Yes, we became friends at nagiging maayos na din siya kausap kaysa nung una.
However, he still like teasing me at nakakainis lang.
"Bakit?" Tanong niya at inilabas ko ang notebook ko para ipakita sa kanya.
Nakuha niya naman ang ibig kong sabihin at natawa ng mahina. I'm not good at math, to be honest pero itong lalaking 'to ay magaling sa subject na 'yan kaya madalas ay sa kanya ako nagpapaturo kapag may hindi ako naiintindihan.
Gaya ngayon, hindi ko nasagutan ang assignment namin dahil hindi ko ma-gets 'yung lesson kahapon pero buti na lang may kabaitang taglay ang tipaklong na 'to at tinutulungan ako sa tuwing nahihirapan ako sa math.
"Ano gets mo na?" Tanong niya sa'kin matapos niya i-explain ang lesson kahapon.
Tumango ako at bahagyang ngumiti. "Hm, thank you."
"No problem, basta isasabay mo lang ako tuwing lunch." Sagot niya na ikinatawa ko.
"Lagi ka naman naming kasabay ni Solace mag-lunch ah?"
"Oo nga pero pinapaalala ko lang kasi baka iwanan mo na naman ako sa classroom at tumakas kasama si Solace para lang masolo mo siya- aray!" Napainda siya nang hampasin ko siya sa balikat dahil sa mga pinagsasabi niya.
"Pinagsasabi mo??" Angil ko at ngumisi lang ang loko.
"You like her-"
"I'm fvcking straight Kio." Putol ko agad sa kanya na ikinatawa niya lang ng malakas dahilan para mapatingin sa'min ang mga classmates namin.
"Sheeesh, straight daw." Matapos niya 'yon sabihin ay mas lalo siyang tumawa ng malakas at nakakahiya lang kasi nakukuha niya ang atensyon ng iba naming kaklase.
"Kio 'yung bunganga mo ha, kapag 'di ka tumigil susungalngalin ko 'yan." Naiirita kong usal.
"Why? Sinasabi ko lang naman kung ano ang nakikita ko." Sagot niya saka tumigil sa pagtawa. "Pero seryoso, I think bagay naman kayo."
Gulat akong napatingin sa kanya. "S-Seryoso ka ba?"
Tumango siya at umiwas lang ako ng tingin. "Oh bakit? Kinikilig ka 'no? Nako Keila, you're gay-"
"I'm not!" Depensa ko and he just shrugged his shoulder.
"Pero kung straight ka nga at hindi mo gusto si Solace edi.. may pag-asa pa 'ko sa'yo?" Tanong niya dahilan para kunot noo akong mapatingin sa kanya.
"Ano bang nakain mo at ang pangit ng lumalabas sa bibig mo ngayon?" Tanong ko saka napabuntong hininga. "And no. Kung seryoso ka man sa'kin o ano, sorry pero wala kang pag-asa sa'kin. I already planned my future at magboboyfriend ako sa edad na 22 and I'm just a 17 years old, jusko."
"Okay. Good to know that kasi sa totoo lang crush na kita pero buti na lang sinabi mo na agad, mapipigilan ko pa ang pag-grow ng admiration ko para sa'yo." Sagot niya na ikinanganga ko.
BINABASA MO ANG
Loving Solace Unexpectedly (COMPLETED)
Teen Fiction[GXG] Sa tuwing may bagong nadidiscover si Keila Gillian Avellino sa bawat taong nakapaligid sa kanya, she always keeps her mind open. Always open to new experiences but knows exactly what she wants for her future at susundin niya kung ano ang naipl...