CHAPTER 12: KISSES AND ICE CREAM

831 87 14
                                    

Keila's POV,

"Come on, Keila! Ang bagal mooo!"

"Saglit lang, hindi ko masuot ng maayos 'yung sandals ko." Sagot ko habang ika-ikang naglakad palabas ng bahay namin habang inaayos ang lock ng sandals ko.

Narinig ko siyang natawa saka lumapit sa'kin. "Ibaba mo, ako na mag-aayos."

"H-Ha?" Napatanga ako sa sinabi niya pero naramdaman ko na lang ang sarili ko na kusang ibinaba ang isa kong paa.

And the next thing Solace did made my heart beats faster. She crouched in front of me at sinimulang ayusin ang sandals ko na hindi ko maayos-ayos kanina pa. Pinapanood ko lang siya, pinapakiramdam ang tibok ng puso ko.

Ano 'tong.. nararamdaman ko?

"Ayan, okay na!" She exclaimed cheerfully saka tumayo.

Pero sinundan ko lang siya ng tingin at hinayaan ang sarili kong pagmasdan ang kabuuan niya. Solace is a definition of simple yet elegant person. Simple lang ang suot niya but she manages to look elegant.

Ako kasi kapag simple lang ang mga porma parang nasa bahay lang ako. Mukha akong babaeng tamad na tamad maligo sa mga suot ko but Solace.. she looks gorgeous.

Tumaas ang tingin ko sa kanyang mukha at lihim na napangiti. She looks happy right now and oh ghad her smiles.. they are my favorite. At masaya din ako. Sobrang saya. Finally natapos na din ang sakit.

Mas gusto kong nasa harapan ko si Solace. Mas gusto kong lagi ko siyang kasama. Mas gusto kong lagi kaming nakadikit sa isa't-isa, masayang nagkwekwentuhan at nagtatawanan. Mas gusto kong nakatingin siya sa mga mata ko at ngingiti.

"Parang kisses ang cravings ko today."

Agad akong nabalik sa reyalidad nang marinig kong magsalita si Solace. Gulat ko siyang hinarap dahil kahit nakatulala ako sa kanya, narinig ko at malinaw sa'kin ang sinabi niya.

"S-S-Seryoso ka ba?" Halos pabulong ko na lang sabihin 'yon.

Nakangiti siyang tumango, para ko namang nalunok ang sarili kong dila. Seryoso ba talaga si Solace sa sinasabi niya? Hell, did she even know what is she saying? She's craving for a fvcking kisses—

"Sa 7-Eleven na lang tayo, bibili ako ng kisses!"

"H-Ha?" Muli na naman akong napatanga hanggang sa may marealize ako. "Wait, you mean 'yung kisses na chocolates????"

"Yup! Bakit ano bang iniisip mo? Pfft-" Natawa siya kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya.

Bakit hindi ko man lang naisip na chocolate pala ang tinutukoy niya? At bakit ko ba naisip na kiss 'yung tinutukoy niya? Ang weird mo Keila, hakdog ka talaga!

"A-Aight, bibili din ako ng ice cream kaya sa 7-Eleven na lang tayo tumambay." Sagot ko, hindi makatingin ng diretso sa kanya.

Muli siyang natawa saka kumapit sa braso ko. "Okaaaay!"

-

Matapos namin bumili ng kisses at ice cream, pinili naming sa labas na lang tumabay dahil may tambayan naman don. Mas gusto kasi namin makalanghap ng hangin kaysa sa aircon.

"Thank you.."

Nasa kalagitnaan ako ng pagbubukas ng ice cream kong nasa solo pack nang mapatingin ako kay Solace dahil sa sinabi niya. "Thank you for what?"

I saw her let out a faint smile. "After ignoring you and hurting your feelings, nandito ka pa rin sa tabi ko at hindi nagalit sa'kin.."

I chuckles softly as I held her hand na nasa ibabaw ng table. "Thank you din kasi hindi mo piniling iwan ako. I really thought you don't want me to be your friend anymore."

"Y-Ya! Hindi 'no.. I just ignored you for some reason, I'm really sorry." Sagot niya.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya at tinitigan siya ng seryoso sa mga mata. "Ano ba kasing nangyari? Nagsimula ka maging ganun pagkatapos mo matulog sa'min kaya feeling ko about sa'kin kung bakit mo 'ko iniwasan."

"Which is true.." Mahinang sagot niya pero hindi ko 'yon narinig.

"Huh?"

She just shook her head and smiled at me, isang ngiting nagsasabing 'wag na 'ko mangamba pa dahil ayos na kaming dalawa kaya kahit gusto ko malaman ang totoong dahilan ay nanatili na lang akong tahimik.

Pero hindi ko maintindihan, bakit hindi masabi ni Solace ang totoong rason kung bakit niya 'ko iniwasan?

"Keila."

"Hm?"

"Ice cream mo matutunaw na." I heard her chuckles softly.

Agad ko namang binitawan ang kamay niya saka dali-daling binuksan ang ice cream ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang hindi pa naman 'yon tunaw pero malambot na siya ng kaunti.

Sinimulan naman kainin ni Solace ang kisses niya at ganun din ako sa ice cream ko. Inalok ko pa siyang makihati sa ice cream ko which is she gladly accepted. Hinalo namin ang kisses at ice cream saka kinain ng magkasama.

'Yung spoon for ice cream? Don't worry dahil bumili ako ng disposable spoon para kay Solace.

"Para kang bata kumain." Natatawang puna ko nang mapansin ang ice cream sa gilid ng labi ni Solace.

Nanlaki ang mga mata niya at unti-unting kumulay ang pula sa kanyang pisngi, nahihiya. "E-Eh? Hala, wait bibili akong tissue!"

Akmang tatayo sana siya para pumasok sa 7-Eleven nang pigilan ko siya na ikinatigil niya. Nilingon niya 'ko, nagtataka. "Keila bakit—"

Hindi niya na natapos pa ang sasabihin niya nang marahan kong punasan ang kanyang labi gamit ang tissue na kasama sa disposable spoon na binili ko kanina.

Busy ako sa pagpupunas sa kanya habang siya ay nakatitig sa'kin. Nag-angat ako ng tingin nang matapos ako dahilan para magkasalubong ang mga mata naming dalawa. I gave her a soft smile but she just stared at me, I can see the pain on her eyes.

But why?

"Sola—"

Agad siyang umiwas ng tingin saka lumayo sa'kin para bumalik sa pagkakaupo. Nagtataka man ay bumalik na lang din ako sa pwesto ko at nagsimulang kumain. Pansin kong after non ay hindi na gumagalaw si Solace, nakatulala lang siya.

"Ice cream?" Alok ko muli sa kanya pero dahan-dahan lang siyang umiling.

At hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang nagbago ang atmosphere sa paligid naming dalawa matapos non. Kung kanina masaya kaming nagkwekwentuhan, asaran at excited sa isa't-isa, ngayon ay iba na.

Pansin ko ang pasimpleng pagbabalik ni Solace sa laro niya.

Ang pang-iiwas sa'kin.

-

070122
Notes: I'll try to finish this story as soon as possible kasi gusto ko na talaga 'tong tapusin huhu :(( ayon nga lang hindi pa 'ko sure sa gusto kong maging ending nito kaya mahihirapan akong tapusin 'to. Pero susubukan ko, sana makapag-decide na 'ko agad sa ending nila Solace at Keila. That's all, hehi ><

Thank youuuuu~ <3

Loving Solace Unexpectedly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon