#Chapter4

240 2 0
                                    

#Chapter4

-PAST-

Zyren's POV

Nag inat naman kaming dalawa ni Franzy nang matapos ang panghuling subject nami ngayon na araw.

Ngumiti naman ako sakanya at niligpit ang mga gamit ko.

Sa pag tunong ng bell na hudyat na tapos na ang oras ng klase agad naman nawala ang mga kaklase namin na parang si Flash sa sobrang bilis, kaya kami nalang dalawa ni Franzy ang naiwan dito.

"Hi"

"Oh Van? bakit ka andito? may gala tayo? di ko alam yan ah?" Franzy

Umiling naman ito na may ngiti sa labi bago niya ako tinitigan.

"Oh? I know na sige na nga" agad naman itong umalis sa silid aralan namin.

Hahabolin ko sana si Franzy pero humarang sa harap ko si Van kaya napakunot nalang ang noo kong tumingin sakanya.

"Problema mo?"

"Hey? hatid na kita sainyo?"

"Hindi kaya ko naman umuwi mag isa eh salamat nalang" sinabit ko naman itong bag ko pero kinuha naman ni Van, at umalis na sa room bago pa ako makapalag.

Bumuntong hininga nalang ako at sinundan siya.

"Makulit ka din eh no?"

"Ofcourse I know that"

"Buti nalang natatagalan mga kaibigan mo sayo" tumawa naman ako ng mahina sa sinabi ko.

Simula nung magkakilala kami ni Van kinukulit na niya ako, minsan nga sulpot ki sulpot lang siya kung nasaan ako.

Tuwing recess imbis na kami ni Franzy ang mag sama, iniiwan na ako Franzy sakanya, kaya kami lagi ang magkasama.

Sa tuwing break time kahit saan ako mag punta, sa library o sa garden o kahit saan pang parte ng skwelahang ito, susulpot padin siya.

Feel ko talaga may GPS na nakadikit saakin dahil alam na alam niya kung nasaan ako.

Pero hindi naman siya boring kasama dahil sobrang kulit niya at maalaga din tulad ngayon kahit kayang kaya ko yung bag ko siya padin ang nagdala, pati mga libro ko siya na din, kaya ito ako ngayon nakasunod lang sakanya.

Tumigil naman ito kaya napatigil na din ako, nag titigan pa kaming dalawa ng ilang segundo bago niya ako nilapitan at inakbayan at nag simula ulit mag lakad.

"Hindi kita buntot ah? at hindi mo din ako crush diba? para sundan mo ko"

"Ang kapal naman ng mukha mo!" sinamaan ko lang siya ng tingin at kinindatan niya lamang ako.

"Kaya dapat sabay tayo mag lakad, hindi yung nakasunod ka lang saakin"

"Mas lalong ayoko ng ganito"

"Alin?"

"Itong nakaakbay ka"

"Okay, ito nalang" tinanggal niya naman ito at hinawakan yung kamay ko kaya medyo nagulat naman ako.

Kukunin ko sana ang kamay ko pero hinigpitan niya lang ito at binilisan ang paglakad niya kaya ngayon parang hila hila na niya ako.

"Gagong to! gusto mo lang pala akong hilain eh" narinig ko naman ang pag tawa niya.

May mga estudyante pa kaming nadadaanan, kasi bago yung parking lot madadaanan muna namin yung garden.

Kaya napayuko nalang ako ng makita kong nag tinginan ang mga estudyante sa gawi namin at nag bulongan pa ang mga ito.

Tumigil naman itong humihila saakin kaya nabangga ako sa likod niya.

"Aray naman!"

"Tsk, don't mind them, selos lang yang mga yan kasi ikaw yung kasama ko hehe" hinila niya naman ako at inakbayan hanggang sa nasa harap na kami ng kotse niya.

Pinagbuksan niya naman ako ng pinto, ngumisi muna ako sakanya bago pumasok sa kotse niya.

Sumakay naman ito at umalis kami sa skwelahan namin.

"Nga pala, samahan mo ko ah"

"This is kidnapping Van!" sinamaan ko naman siya ng tingin pero pinag tawanan niya lamang ako.

Ang gagong to? kaya pala ako hinila hila, may pasabi sabi pang ihahatid niya ako sa bahay, mag papasama lang pala.

"Alam kong tatanggi ka kaya..." nag kibit balikat pa ito.

"Sarap mong sipain diyan! sayang nag mamaneho ka! dala mo din buhay ko!"

"Wag kang mag aalala basta kasama mo ako hinding hindi ka masasaktan"

Kumunot naman ang noo ko ng tinitignan ko ang buong paligid ng makababa ako sa kotse.

"Mag shoshopping ka ba?"

"Maybe?"

"Gago! wala ka bang plano?! bakit tayo andito?"

"Wag ka ngang sumigaw diyan, eh lilibre naman kita eh kaya tumigil ka nalang"

"tsk, kahit na, alam mong pagod na pagod ang utak ko tapos pati psychical ko papagodin mo din?"

"We're going to take my stress-reliver okay?, at isa pa wala ka naman dalang gamit ah? pwera sa cellphone at wallet mo, lahat ng gamit mo nasa kotse na"

"Ewan ko sayo" inirapan ko naman ito at nilagpasan ko ito, nauna akong naglakad sakanya pero hibabol niya ako at inakbayan.

Sabay naman kaming pumasok sa mall, nag libot libot pa kami hanggang sa mapadpad kaming dalawa sa arcade.

"Welcome to my stress reliver"

"Gago ka dito lang pala tayo pupunta, nilibot pa natin ang buong mall"

"Wag ka ng magalit saakin" may pagkalambing naman yung boses niya or saakin lang talaga yun? basta!

Inirapan ko naman siya, nag punta naman siya sa money charger at nagpapalit ng pera, pagkatapos niyang magpalit, pinakita niya pa ito saakin na may ngiti sa labi, pero inirapan ko lamang ito.

Pumasok na kami ng tuloyan sa arcade at lumapit naman kami sa basketball.

"Pustahan tayo Dre!"

"Wala akong pera para makipag pustahan sayo Van at pustahan is illegal"

"as if pera gusto ko"

"Eh ano ba gusto mo?"

"Pag naka 30 tickets ako hayaan mo kong ligawan ka"

Napakurap naman ako ng maraming beses habang nakipag titigan sakanya.

"Gago ka ba!?"

"Hindi, seryoso kasi Dre!"

Di ko alam ilang segundo kami nag titigan, bago siya nakapag desisyon na mag hulog ng token.

Bumaba naman yung mga bola, agad naman siyang kumuha ng isa.

"Alam mo ba may isang bagay akong hindi magaling?" tumingin pa ito saakin at ngumiti bago shinoot yung unang bola niya.

Pero hindi yun na shoot.

"Ang Basketball"

Don ako tumawa ng tumawa habang siya sobrang seryoso na nag shoshoot, may mga times na na shoshoot niya pero madalas nagiging palpak.

Tawa lang ako ng tawa hanggang sa matapos ang segundo niya, may lumabas na sampong ticket na mas lalong nag patawa saakin.

"Oh ghad! I never laugh like this before pft hahaha" Pinunasan ko naman yung mata ko na lumuluha na sa kakatawa.

"Atleast I make you smile Dre"

Obsessive Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon