#Chapter13

157 2 0
                                    

#Chapter13

-PAST-

Zyren's POV

"Buti naman at pumayag kang sumama saamin" Lucas

"Bakit? hindi na ba ako sumasama sainyo?"

"Sumasama pero kung alam mo lang" Andrei

"Bakit hindi niyo kasama si Van? akala ko nga may boys' day kayo"

"Wala, hindi na nga namin yun nahahagilap" James

"Same"

"Huh? talaga? pati ikaw?"

Nag kibit balikat nalang.

"Huli ko siyang kasama nung nag pa enroll tayo"

College na kami ngayon, at dahil kailangan na naming mag seryoso lahat dahil ang college hindi katulad ng high school na pwedeng pwede mo lang libanan

Kaya ngayon nalang ulit kami nag kita pero ang mga babae at si Van ay hindi namin mahagilap.

"Bakit? diba magkasama pa tayo nung enrollment?" Lucas

"Oo kung yun ang huli niyong kasama si Van, ako din, hindi ko nalang siya dinisturbo dahil alam ko may kanya kanya tayong pag aaral na hinaharap ngayon."

Pagkatapos ng audition niya naging trainee na siya sa Saturn entertainment, hindi naman siya hinayaan ng kompanya na hanggang high school lang siya kaya pinaaral siya sa college kasabay ng pagiging trainee niya.

"Lalo na ngayon, kung busy tayo pano pa kaya siya? sa pagkakaalam ko nga pagkatapos ng klase niya didiretso siya ng Saturn Entertainment para mag training" James

"Kaya nga, kaya iniintindi ko nalang siya pero minsan din nakakatampo kahit text man lang kasi wala akong natanggap pero minsan kinokombinsi ko sarili ko na siguro sobrang pagod niya kaya hindi na siya nakakapag text saakin"

"Minsan ko naman siyang nakita sa department nila eh, pero nag mamadali yun umalis kaya hindi ko na natawag" Lucas

"Talaga?"

"Oo"

"Okay lang ba siya? kahit physical?"

"Medyo namayat siya" Lucas

napabuntong hininga naman ako at mas lalo ko lang siyang namimiss.

Tinitext ko naman siya pero yun nga wala akong natatanggap na reply.

"Okay kaya siya?" tanong ko.

"Alam naman nating okay lang yun hahaha yun pa, siya may gusto non eh kaya for sure okay na okay yun cheer up ka nalang, nga pala ikaw kamusta ka na?, namayat ka din eh, di ka ba kumakain?"

"Okay lang ako no? hahaha kayo ba? masaya ba kayo sa mga course na kinuha niyo?"

"Yes! kinakaya ang lahat ganon lang"

"Paki explain nga saakin bakit tayo tayo lang?" busangot ko sakanila, hindi lang kasi si Van yung namimiss ko sila din tapos itong mga lalaki lang ang nag pakita saakin.

Nagulat kasi ako kanina habang nag aayos ng gamit ko dahil tapos na ang huli kong schedule ngayong araw ng may tumawag saakin sa labas ng classroom ko sila lang pala.

"Hindi ko din alam" sumimangot na din itong si Andrei.

"Wag nga kayong sumimangot diyan alam naman nating lahat na miss na natin ang isa't isa please good vibes nalang" James

Obsessive Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon