#Chapter20

154 2 0
                                    

#Chapter20

Zyren's POV

"That's why I'm here right now, courting you, sabi mo nga who knows, malay natin tayo pala sa isa't isa, pinag hiwalay lang talaga tayo to grow separately, susuyuin kita Dre, pero kung hindi na talaga then I'll surrender and let you go" ngumiti naman ako ng mapait sa binitawan niyang salita ngayon.

"you already let me go Van"

"Really? bakit sa tuwing nakikita kita ngayon, bumibilis padin tibok ng puso ko? bakit sa tuwing nakikita ko kayo ni James nasasaktan padin ako? if I already let you go Dre, then this feeling that I felt wala sana to"

Hindi na lang ako umimik.

"Kung hindi man kita pinili noon, ngayon handang handa akong piliin ka kaysa sa ibang bagay Dre, I'll fight for you"

Bigla namang may tumawag sakanya, sinagot niya naman ito ng hindi umaalis sa tabi ko.

"Carson bakit?"

"Nasa bakasyon ako"

"Talaga? I'll decline that paki sabi sa manager natin"

"Yeah yeah, sige bye"

Binaba niya naman yung tawag, tumingin naman ito saakin na agad kong iniwasan.

"Sa tuwing may vacation kami na grupo nasa dorm lang ako sa bahay namin ni kuya, kahit wala akong ginagawa doon ayoko padin tumanggap ng mga trabaho, ngayon andito ako, nag babakasyon kasama kayo, masaya din pala sa pakiramdam."

"Lalo na ikaw yung kasama ko ngayon" tumawa naman ako ng mahina at umiling iling nalang.

"Mauna na ako sayo" paalam ko sakanya at pumasok na sa bahay.

"Ren"

"Franzy san ka galing?"

"Nasa kwarto bakit?"

"Kumakain kami kanina bakit wala ka?"

"Ano? hindi niyo man lang ako tinawagan?" tumakbo naman ito pababa papuntang kusina.

Napangiti nalang ako at sumunod sakanya.

Kahit na may mga trabaho na kami ngayon, kahit na hindi na kami bata pero sa tuwing magkakasama kami, walang nag babago, minsan nagiging isip bata din kami sa tuwing magkakasama.

Pag dating ko sa kusina, nag kukulitan na sila kasama si Franzy at Lucas kaya nakisali naman ako sakanila. Umupo ako sa bakanteng upuan.

"Grabe talaga kayo! mga kaibigan ko ba kayo ha?" Franzy

"kumain ka nalang diyan Franzy" James

"Kung hindi pa ako sinabihan ni Zyren hindi ko malalaman na kumakain pala kayo!"

"Akala ko ba diet ka Franzy?" Audrey

"Diet? ano yun?"

"Lagot ka talaga sa manager mo" Leyanih

"May movie ka diba ngayon Franzy?" tanong ko sakanya, naalala ko kasi yung sinabi ni Arjay.

"Oo pero matagal pa yun, review palang ginagawa namin"

"Nga pala sino mag huhugas?" tanong ni Audrey na siyang nag pa tahimik saaming lahat.

Alam kong walang gustong mag hugas, ganito kami nag tutulakan kung sino ang mag huhugas.

"Si Franzy! siya huling kumain!" Lucas na bago lang inubos ang kinakain, minadali niya eh

"Ayaw ko ng kumain gago papahugasin niyo lang pala ako" Franzy

Obsessive Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon