#Chapter14

156 4 0
                                    

#Chapter14

-PAST-

Van's POV

Ilang araw na ang nakalipas simula nung huli naming pagkita ni Zyren at hanggang ngayon hindi pa kami nag uusap.

Kung noon sa tuwing gigising ako sa umaga may mga mensahe pa akong natatanggap sakanya ngayon wala na.

Wala akong ganang bumangon, weekend ngayon kaya wala akong klase pero may training ako.

Bumuntong hininga nalang ako at hinanda ang sarili.

Lumabas naman ako ng kwarto ko matapos akong mag handa.

"Van"

"Kuya Christian" bati ko sa kapatid ko

"Halika dito kumain ka muna, namayat ka na eh" lumapit naman ako, umupo na sa upuan ko at kinain ang mga hinanda niya.

"Kamusta training mo?"

"Ganon pa din, nakakapagod"

"Eh yung girlfriend mo na palagi mong kinukwento pero ayaw mong ipakilala saakin kasi ayaw mo" bumuntong hininga naman ako at tumingin sakanya pero yung mukha niya biglang napalitan ng pagtatanong yung tingin niya saakin.

"Ayun hindi ako kinakausap"

"Bakit?"

"Ewan ko, huli naming pagkikita nakita ko kayakap niya yung kaibigan namin tapos masaya pa sila masyado tapos may ngiti pa siya sa labi niya habang tinatanggap yung stufftoy"

"Seloso ka din eh! kaya ayaw na ayaw mong ipakita saakin yang girlfriend mo no? natatakot kang mapalapit saakin? kasi pati sa kaibigan niyo nag seselos ka pano pa kaya saakin"

"Tsk! kuya mag audition ka nalang! sayang yang talent na pinakaloob saatin eh!"

"Wag mong iniiba ang usapan Van Jack ah, pagkatapos non? nag away kayo?"

"hindi kami nag usap, hindi niya ako tinangkang kausapin" biglang may pumasok sa isip ko.

"Tinawag niya ako pero nag walk out ako, pero sumunod naman sila eh, akala ko susuyuin na niya ako pero hindi eh! umalis pa siya kasama si James"

"Baka may pagkakamali ka din, suyuin mo nalang siya Van Jack"

"Ewan ko" pinag patuloy ko nalang ang pagkain ko hanggang sa matapos kaming kumain.

"Mauna na ako kuya may training pa ako ngayon at profile pictorial"

Umalis naman ako at dumiretso sa saturn entertainment.

Nang makarating ako sa dance studio namin, andon na ang mga kasamahan ko.

"Hey!" bati ni Francisco saakin tumango lamang ako.

"You're late!" sigaw ni Aedyx saakin at nakahawak pa ito sa bewang niya, tinaas ko naman ang dalawa kong kamay na parang nag surrender sa pulis.

"Pinapakain ako ni kuya eh" bulong ko sakanya

"Dapat nag dala ka" Bulong niya pabalik.

"alam mo namang bawal diba?"

Pinagbawal saamin ang kumain ng marami. Kaya minsan patago kaming kumakain ng marami, marami din ang pinagbabawal saamin lalo na sa mga malalamig na pagkain pero nag tatago din kaming kumakain ng ice cream pati na din sa mga chocolate.

"May shoot tayo kaya mag handa ka na" Carson

Everyweek may shooting na nagaganap saamin, hindi naman siya nakakastress dahil ang ginagawa lang naman namin buong shooting nag lalaro at nag eenjoy sa mga pinapagawa ng mga producer.

Obsessive Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon