#Chapter26

158 2 0
                                    

#Chapter26

Zyren's POV

"Goodbye Ma'am Zyren" ngumiti naman ako at kumaway sa estudyante ko habang kahawak kamay yung tatay niya.

Ngumiti nalang ako habang tinitignan sila palayo.

"Maybe you teach our children then ako mag hahatid sundo sainyo, what you think?" napalingon naman ako sa katabi ko.

"Bakit ba inaraw araw mo ang pag punta dito?"

"Binabantayan ko yung akin" inirapan ko naman ito at pumasok ulit sa classroom.

Nag simula naman akong mag linis at tinulangan niya na din ako, not bad may katulong na ako dito sa paglilinis ng classroom.

Pagkatapos non inayos ko na yung gamit ko at dumiretso sa main building, nakasunod padin ito saakin.

"Hi Ma'am Zy" ngumiti naman ako kay Sir Ino, siya nalang palagi kong nakakasalamuha dito sa main building sa tuwing uwian.

"Hatid kita? hindi ko nakita kotse mo sa parking lot kaya for sure wala kang dalang kotse"

"Ako nag hahatid sundo sakanya" singit naman nitong si Van, hindi ko nalang sila pinansin at nag log out na.

Nilagpasan ko naman sila pero itong si Van nakasabay saakin at inakbayan pa ako.

"Van kailan ka ba titigil?"

"Hanggang sa mamatay ako nga pala, may binigay naman ito saaking isang envelop, tinanggap ko naman ito at binuksan.

"Ano to?"

"Ticket! may fan meeting kami sa susunod na araw sunday, pinadala ko na din sa mga kaibigan ko yung ticket nila, weekend naman yan kaya alam kong hindi kayo makakahindi, magiging busy na din ako, pasensya ka na pero ito na muna yung huling sundo ko sayo Dre ah? kasi may practice ako"

"Hindi naman kita sinabihan na ihatid sundo mo ko" Pinagbuksan niya naman ako ng pinto at sumakay na ako.

"Basta dapat nakita kita sunday alam ko anong seat number mo Dre,VIP yan kaya nasa harap ka lang ng stage hahanapin talaga kita Dre"

"Tsk Oo na"

"Hindi ako sasayaw Dre"

"Oh tapos?"

"Kakanta lang ako" Ngumiti naman ito saakin bago humarap sa kalsada.

Isang linggo na ang nakalipas nung huli naming outing magkakaibigan, at isang linggo na din akong hinatid sundo ni Van, walang palya, may dala pa itong bulaklak o kaya chocolate, ewan ko ba anong trip niya bakit may tsokolate pang nangyayari.

Alam ko din sa sarili ko na simula nung makita ko si Van ulit may lumalabas na dapat ng nakabaon na feelings pero binaliwala ko lang ito dahil mas nangingibabaw saakin ang huling pagkita namin, yung pag iwan niya saakin.

Pero nung may nangyari saamin, parang mas lumakas ang loob ni Van na lapitan ako, at bumalik yung pakikipagtungo niya saakin nung high school pa kami.

Alam ko namang napapansin yun ng mga kaibigan namin pero mas pinili nilang manahimik nalang, ako iwas naman ako ng iwas sakanya pero siya itong dikit ng dikit saakin na kahit si James hindi na makalapit saakin.

-

"Asan ka na?" tanong ni James saakin.

"Ito na nag hahanap na ako ng pwesto para sa kotse ko" luminga linga naman ako at nag hahanap ng bakante, pero dahil madaming taga suporta itong grupo ni Van na de kotse kaya ito nahihirapan akong mag hanap ng parking lot.

Napangiti naman ako ng makakita ako ng pwesto.

Agad din naman akong bumaba dala ang cellphone at wallet ko.

Obsessive Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon