#Chapter19

151 2 0
                                    

#Chapter19

Zyren's POV

"Renny?"

Nilingon ko naman si James, tumakbo naman ako palapit sakanya, ngumiti naman ito.

"Okay ka lang?"

"Yeah, saan ka ba nag pupunta?"

"Nag kuha ako ng towel pero may nauna na palang mag lagay sayo ng towel"

"Mag bihis nalang tayo at kumain"

"Yeah, nag luluto na nga sila Audrey at Leyanih."

"Oh? I miss their cook"

Sa pag pasok namin sa vacation house naamoy ko na yung niluluto nila.

Dumiretso naman ako sa kwarto ko para maligo, pagkatapos nung agad din akong dumiretso sa kusina kung saan busy si Audrey at Leyanih sa pag luluto.

Umupo naman ako sa dinning chair.

"Oh Ren" ngumiti naman ako sakanilang dalawa.

"Ano niluluto niyo?"

"Spaghetti"

"I love that!" excited kong sabi sakanila, tumawa naman silang dalawa ng mahina.

May nag lapag naman sa harap ko na plato at may laman na mga prutas.

Nilingon ko naman ito, napangiti naman ako dahil si James lang pala, tumabi naman ito ng upo saakin.

"Dala ko yan Renny"

"Ito pala laman ng picnic basket mo?"

"Yeah, alam kong hindi ka mag eenjoy sa hindi fresh kaya, yan fresh from farm"

Ngumiti lang ako sakanya at kinain ang klase klaseng prutas na nakalagay sa plato ko.

"Kayong dalawa aminin niyo nga mag kasintahan na ba kayo?" Audrey

"Ilang ulit na naming sinasabi sainyo na hindi" James

"Naku alam mo James na may haharang sayo ngayon" biglang sulpot ni Andrei sa kusina at tumabi naman ito saamin at kumain na din.

"Bakit? hahayaan ko ba siya ulit? his face" James

"Sino pinag uusapan niyo?" tanong ko sakanila na may kunot sa noo.

Nagkibit balikat naman itong dalawa at di na nila ako pinansin.

"Nga pala Drei! kamusta pag aaral?" Audrey

"Ganon pa din, medyo nakakapagod, trabaho sabay aral"

"Yun pinili mo eh" James

"Bakit kayo nag aral na ba kayo para sa darating na bar exam?" tanong niya sa dalawa.

"Naman! kaya nga andito ako ngayon dahil gusto ko munang mag relax" James

"I'm still studying hindi ako katulad ng isa diyan sobrang confident" Audrey

Tumawa naman ako ng mahina dahil alam kong si James ang tinutukoy niya, sino ba kasi ang mag aaral sa isang beses lang? edi siya lang.

"Tawa ka diyan Renny kailan mo ba planong kukuha ng master's degree? ilang ulit na kitang tinatanong niyan"

"Saka na yun James"

"Si Lucas ba nasan?" tanong ni Leyanih

"Nasa kwarto niya nag aaral, makikipag laro sana ako ng VRG pero ayun busy" Andrei.

"Ito na hinihintay mo Ren" nilapag naman ni Audrey yung spaghetti kaya napangiti naman ako ng wala sa oras.

Masaya naman kaming kumakain, nag usap usap pa kami sa nangyayari sa buhay namin.

"Van halika kumain ka" Leyanih

Agad din naman siyang umupo sa bakanteng upuan at kumain din.

"Uhm!" nag thumbs up pa ito habang nginunguya yung kinakain niya.

"Okay lang buhay mo Van?" Audrey

"Huh?"

"Ang dami nga naming narinig na balita tungkol sa grupo mo pero okay ka lang ba?"

"Yeah I'm fine, masaya ako sa napili kong buhay, kahit na may possibilities na hindi na magiging pribado buhay ko masaya naman."

"Then tell me, bakit hindi ka na tumatanggap ng scripts?" Leyanih

"talagang sinusuportahan mo ko Ley no?"

"Oo naman kaya sabihin mo saakin ang totoo, magaling ka kayang actor at diba sabi mo, hindi pinapakialaman ng entertainment mo ang pag pili mo sa tatrabohoin mong drama or movie? at madami ngang nag offer sayo pero you declined"

"Oo dahil masyado akong pagod sa schedule namin as a group, this vacation of mine kailangan ko ng major pahinga para sa overseas schedule ko kaya hindi ako nag sasayang ng panahon ko"

"Resting is waste of time, working is not" sabi ko, napatingin naman ito saakin at ngumiti

"Resting is the best thing I ever encounter Dre, kaya mas pipiliin kong mag pahinga, mag relax kaysa tumanggap ng trabaho"

"But still babalik ka naman diba?" Leyanih

"Oo naman, gusto mo ba?"

"Oo pleaseeee!"

"Sige pag may mag offer saakin tatanggapin ko" kumindat naman ito kay Leyanih, patago naman akong umiling at tinuon nalang ang atensyon ko sa pagkain ko.

"How about you all?"

"We're still studying Van" Audrey

"Talaga?"

"Yes, James and I currently studying for our bar exam in civil engineer, Lucas is also studying for his bar exam in law, Andrei? mahaba ang pag aaral niya, gustong maging doctor eh, tiisin niya, si Zyren naman hindi pa nakapag decide kung kailan kukuha ng master's degree niya" mahabang lintaya ni Audrey

"At ako naman ay isang producer na, Franzy? well she's an actress now" Leyanih

"kailan ka ba kukuha ng master's degree mo Dre?"

"Soon" tipid kong sagot sakanya.

"Pinipilit ko nga pero ayaw talaga" singit ni James

"By the way Leyanih producer ka na?"

"Yes! muntik na nga tayong magkatrabaho noon eh kaso nga hindi mo ito tinanggap na trabaho."

"Sabihin mo saakin kung isa ka sa mga team na mag ooffer saakin ah? para magkatrabaho tayo"

Tumayo naman ako at iniwan sila doong nag uusap.

Dumiretso naman ako ng veranda, at tinitignan ang maaliwalas na karagatan.

Dahil hindi na masyadong mainit, umupo naman ako sa sofa at ineenjoy ang nasa harap ko.

Tama nga sabi nila na ocean can give you an at ease feeling. Sa tuwing mabigat yung nararamdaman ko o masyado akong stress nag hahanap talaga ako ng lugar kung saan yung karagatan dahil sila lang yung nag papaalis saakin ng stress sa katawan at nag papagaan sa loob ko.

"You look relax at masaya ako sa nakikita ko ngayon" napatingin naman ako sa pinto.

Agad din naman akong napaayos ng upo, tumabi naman ito saakin.

"I'm sorry Dre"

"I told you I'm still not ready to forgive you Van"

"And I told you too that I'm willing to wait until you forgive me"

"yeah?"

"Oo Dre, pero hindi ako titigil na ligawan ka ulit, suyuin ka ulit, makakapag hintay man akong patawarin mo ko, pero ang ligawan ka ay hinding hindi ako makakapag hintay."

"Siguro dadating yung panahon na mapapatawad kita, hanggang doon nalang siguro Van, kaya kitang patawarin pero hinding hindi ko na kayang tanggapin ka pa ulit sa buhay ko bilang isang kasintahan, maybe friends I can accept that but who knows"

Obsessive Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon