#Chapter17

166 3 0
                                    

#Chapter17

Zyren's POV

Lumabas naman kami sa kotse ko ng maipark na ni James ng maayos yung kotse ko.

Kinuha ko naman sa likod yung mga dala naming mga pagkain.

"Ako na" Biglang tabi saakin at inayos ito para sabay niyang madala ito sa picnic basket niya.

"Kaya ko naman eh" pangungulit ko sakanya pero nginitian niya lang ako at inakbayan ako sabay kaming nag lakad.

"Ayan na ang dalawang magkasintahan!" Naagaw naman ang atensyon namin sa sumisigaw na si leyanih, nilingon naman namin ito, nasa function hall pala sila sa itaas, kumaway kaway pa ito saamin.

Kumunot naman ang noo ko nang makita ko si Van, na sumilip na din saamin.

"Paki remind nga saakin kung ilang ulit na natin sila sinabihan na hindi tayo mag kasintahan?" tumingin naman ako kay James na naka busangot.

Sa tuwing nag kikita kasi kami, yan ang lagi nilang binubungad saamin, kasi daw para kaming mag kasintahan kung alagaan ang isa't isa, at ilang ulit na din naming sinabi na hindi nga kami mag kasintahan.

"Dunno? nawalan na ako ng bilang eh, hayaan mo nalang sila"

Nilagpasan lang namin yung function hall kung nasaan sila, at hinanap na yung pansamantalang tutuloyan.

Alam na namin ang drill pag andito kami, dahil sinabi saamin ni Lucas na sa tuwing pupunta kami dito may nakalaan talagang vacation house para saaming magkakaibigan.

Nang makita namin ito, agad din naman kaming pumasok, nilagay sa mesa yung dala dala namin, ako dumiretso agad sa kwarto ko, nilagay ko yung mga gamit ko at lumabas din nang marinig ko ang boses ng mga kaibigan ko.

"Reeen! Jamesss!" Niyakap naman kaming dalawa ni Leyanih at Andrei.

"Hey! kamusta?" Lucas, ngumiti naman ako sakanya.

"Okay lang ako"

"Bakit ba magkasabay kayo? akala ko mauuna si James sainyo eh dahil tinawagan namin siya kanina sabi niya bumabyahe na siya papunta dito tapos ikaw naman Ren sabi mo kalalabas mo lang ng bahay mo" Franzy

"Sabay lang kami, para hindi din mapagod itong si Renny kakadrive"

"Sus! mga galaw mo James! kaya napagkakamalan kayong mag kasintahan eh!" Andrei

May umubo naman kaya natigilan kami sa pag uusap at napatingin sa umubo.

"Andito pala si Van" bulong ni Audrey, umalis naman ito sa harap namin at umupo sa dinning chair, sumunod naman yung iba sakanya.

Lumingon naman ako sa gawi ni James, pero hindi ito nakatingin saakin kundi na kay Van, tinapik ko naman siya ng mahina para maagaw ang atensyon niya.

"Uhm?" sabay lingon saakin pero hindi ako nag salita, bumuntong hininga naman ito at hinalikan ako sa noo bago niya ako hinala para umupo nadin.

"Para talaga kayong mag kasintahan, nakita mo ba reaction ni Van nung hinalikan ka ni James sa noo?" agad na bulong ni Leyanih saakin nang makaupo ako sa tabi niya.

Umiling lang ako bilang sagot at napatingin kay Van, biglang bumilis yung tibok ng puso ko ng makita kong nakatingin pala ito saakin na parang nasasaktan sa nakita.

"Siguro nag dadrama lang yan ginagamit ang acting skills niya." bulong ko pabalik kay Leyanih.

Nag kibit balikat naman itong si Leyanih.

"Maupo ka, ayokong tinitingalaan ka habang nag uusap tayo, masyado ka ng tinitingalaan ng mga taga suporta mo kaya wag mo kaming idagdag pa don" Andrei, siniko naman ito ni Frazy, na nakikita namin ngayon.

"What? tama na siguro yung mga fans niya ang tumingala sakanya, wag na niya tayong mga kaibigan.. no scratch that I mean wag na niya tayong isali sa mga taong tumitingala sakanya"

"Andrei" tawag ko na mahina sakanya.

"Bakit? Ren? may problema ba sa sinabi ko? nakuha na niya ba ang loob mo? ang hina mo naman kung ganon"

"Alam ko at alam nating lahat na may sala si Van saatin pero that's too harsh Andrei, let's calm down, pigilan niyo ang mga galit niyo sakanya, after he explain everything to us then don na kayo magalit" Audrey

"Umupo ka na Van" Franzy

Sumunod naman itong si Van, yumuko naman ito at pinaglalaruan ang kamay niya.

"Uhmm Sorry, sorry kung may nasaktan man ako sainyo, sorry kung iniwan ko man kayo, sorry kung may kagagohan akong ginawa"

Tahimik lang kaming nakikinig sakanya para itong katabi kong si James, ngumuwi naman sa narinig niya kay Van, umiling iling pa ito.

"I know na mas pinili ko yung career ko kaysa sa mga kaibigan ko at sa girlfriend ko"

"back then" pahabol ni Andrei sa sinabi ni Van.

"I signed the contract whole heartedly, hindi ko na inisip ang magiging reaksyon ninyo, na may masasaktan pala ako. Nakalaan sa kontrata ang pag babawal namin makipag relasyon ko makipag date man lang, yes I broke up with Zyren without thinking her feelings, yung araw na yun career ko lang ang iniisip ko."

"Hindi lang si Zyren ang iniwan ko, pati kayo iniiwasan ko na dahil sa takot na sumbatan niyo ako sa ginawa ko kay Zyren, na realize ko naman ang ginawa ko, mahirap man paniwalaan sainyo pero nasasaktan din ako sa ginawa ko that's why I ignored you all back then, takot akong sumbatan mo, takot din akong malaman mismo galing sa inyo na naka move on na si Zyren na may bago na siyang mahal at baka pag nag kita tayo maalala ko si Zyren"

"Gago ka ba?! Di mo alam pinagdaanan ni Renny! Van! kung alam mo lang pano mo siya nasaktan, muntikan na siyang ma drop out sa lahat ng subjects niya noon dahil lang hindi siya pumapasok, kung papasok man wala sa sarili, ako pa mismo nag alaga kay Renny para lang maka bangon siya ulit! ako pa mismo ang naging panyo niya sa tuwing umiiyak siya dahil sayo."

"Humihingi na nga ako ng tawad sainyo, hinanap ko kayo noon our wala akong mahagilap na mga balita tungkol sainyong lahat"

"Yeah? talaga? bakit? bakit hindi mo kami mahagilap eh andito lang naman kami sa Pilipinas ah? walang umalis saamin, ikaw lang" Lucas

"Alam kong may mali ako noon guys, bata pa ako, kahit naman kasi kayo eh mas pipiliin alam kong pag kayo ang nasa kinatatayuan alam kong pipiliin niyo ang matagal niyo ng pangarap kaysa sa ibang bagay"

Tumahimik naman kaming lahat sa sinabi niya, napaisip naman ako kung ako ang nasa sitwasyon ni Van, siguro nga tama siya, mas pipiliin ko ang pangarap ko kaysa sa ibang bagay pero hindi sa pamamaraang makakasakit ka na ng damdamin ng ibang tao.

Tumayo naman itong si Van, nakatingin lang kaming pito sakanya pero siya nakayuko lang padin, huminga naman ito ng malalim.

Napasinghap naman ako sa sunod niyang ginawa.

"Tumayo ka diyan Van" Franzy, pero umiling lamang ito.

Nakaluhod ito habang nakatingin sa sahig.

"I'm sorry and seeing you right now I miss you all"

Obsessive Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon