#Chapter3

298 2 0
                                    

#Chapter3

-PAST-

Zyren's POV

Bumuntong hininga nalang ako bago pumasok. Malakas na tugtogin naman yung bumungad saakin.

Inikot ko naman ang paningin ko, may mga kanya kanyang mga mundo ang mga estudyanteng andito ngayong gabi.

"Drei!"

Agad naman akong napangiti nang tawagin ako sa pangalawa kong pangalan.

"Franzy" nag yakapan naman kami dalawa at humalik pa ito sa pisnge ko.

Ngumiti naman ako sakanya.

"Buti naman at pumunta ka, akala ko talaga hindi ka pupunta eh"

"Ikaw yung una kong kaibigan pwede ko bang ipagliban itong birthday mo"

Bagohan palang ako sa eskwelahan nila, kaya wala pa akong kakilala na mga tao, kaya kahit kung ano gagawin siguro hindi padin ako mapapansin dahil sa walang nakakakilala saakin.

Pero hindi ko naman ilalagay sa kahihiyan ang sarili ko, sino ba naman baliw gawin yun?

"Halika ipakilala kita sa mga kaibigan ko"

"Ang dami mo namang kaibigan" nilibot ko ulit ang paningin ko sa mga taong andito ngayon.

"Hindi ko mga kaibigan yan, kabatchmate lang natin ang mga yan"

Tinitigan ko naman siya pero tumawa lang siya ng mahina at hinila na ako papunta sa isang table.

"Guys! si Zyren Drei! yung sinasabi ko sainyong kaibigan ko? diba maganda siya?"

Dahan dahan naman akong nag tago sa likod ni Franzy.

"Ano ka ba" bulong ko sakanya, pero umalis lang siya sa harapan ko kaya nahihiyang tumingin ako sa mga kaibigan niya.

"Hi I'm Van Jack" tayo naman nitong isang lalaki na nagpapakilala at nilahad ang kanyang kamay.

Nakipag kamayan naman ako at narinig ko ang mga hiyaw ng mga kaibigan niya kaya agad kong binawi ang kamay ko, narinig ko naman ang pagtawa niya ng mahina.

"I'm James" sabay taas sa kamay niya at ngumiti saakin.

"Andrei here" kumaway naman ito.

"Hi Audrey" ngumiti naman ito saakin.

"Leyanih" Tinaas niya pa ang wine glass niya at ngumiti saakin.

"Lucas at your service"

"Gago" sabay sabay na react nilang lahat sa huling nag pakilala, napangiti naman ako sakanilang lahat.

"Zyren Drei" pakilala ko naman sakanila.

"Nice choice Franzy" sabi naman nung Audrey.

"Hindi ko din kayo magiging kaibigan kung hindi ako magaling pumili no" Umirap naman itong sa Franzy sabay hila sakin at pinaupo sa tabi niya na katabi ko lang din si Van.

"She's beautiful" napalingon naman ako sa katabi ko, pero ito naka focus lang sa paglalaro sa wine glass niya na may ngiti.

"Naku Van, wag mong paglaruan kaibigan ko" Franzy

"I'm telling the truth here Franz, she's indeed beautiful"

"Don't mind him Zy, by the way new student ka right?" Andrei

Obsessive Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon