#Chapter1

630 4 0
                                    

#Chapter1

Zyren's POV

"Goodye Ma'am Zyren" kaway kaway naman ni Mae, kaya kumayaw na din ako pabalik pa din na sa daddy niyang kumuha sakanya dito.

May ngiti naman ako sa labing pumasok ulit sa classroom ko, nilibot ko ang paningin ko.

Ang hirap maging teacher ng kindergarten, masyado pang baby yung mga utak nila.

Kaya sa tuwing papasok ako sa classroom nato ang linis linis, pero sa pag uwi naman ng mga bata, at bago ako umuwi nililinisan ko muna ito. Kaya ito ang ginagawa ko ngayon.

Ligpit sa mga storybooks, sa mga papel na naka kalat, sa mga laruan, sa mga pangkulay o kung ano ano pa.

Tinuruan ko na din sila kung pano mag linis ng mga kalat nila sa tuwing matatapos ang paglalaro nila pero sadyang may mga makukulit pading bata na hindi marunong mag ligpit.

Minsan gustong gusto ko ng magalit, yung tipong ang sarap sarap ng manapak ng tao pero hindi ko magawa dahil sa mga bata ito, at hindi lang yun, baka makasohan pa ako ng mga magulang nila at mawalan pa ako ng lesyensya edi double kill ako non.

Kaya tiis tiis nalang muna ako. Total ito naman ang ginusto kong mangyari sa buhay ko. Ang mag turo at mag alaga ng mga bata.

Bumuntong hininga naman akong kinuha yung gamit ko.

Bago ako umalis ay nilibot ko muna ang paningin ko sa buong classroom bago ko sinara yung classroom.

Agad naman akong dumiretso sa main building ng skwelahang tinuturuan ko, kung saan ako mag lolog out na.

"Hi Ma'am Zyren, kamusta pag tuturo ngayong araw?" bungad saakin ni Sir Ino, isa sa mga kasamahan kong teacher pero siya ay isang grade school teacher.

"as usual, nakakapagod pero masaya naman"

"It's good to hear it, log out ka na?"

"Yep"

"Hantid na kita sainyo? pwede ba?"

Ngumiti naman ako sakanya at umiling na bilang sagot, ganito siya tuwing hapon ng uwian, inaalok akong ihatid niya ako pero humihindi ako.

"May dala akong kotse eh"

"Sus palagi mo nalang akong tinatanggihan, busted na nga ako sayo tapos pag aalok ko sayong eh hatid ka tinatanggihan mo din, nakakasakit ka na ng damdamin" humawak naman ito sa dibdib niya na parang nasasaktan siya.

Niligawan niya ako noon, pero agad ko naman sinabi sakanya na, ayoko, as much as possible hindi muna ako magkakarelasyon ngayon, wala pa yung interes ko sa mga bagay na ganyan. Hindi ko din naman siya, kaya diniretso ko na, hindi ko na pinatagal ng ilang araw ko oras pa, sa pag sabi niyang liligawan niya ako tinanggihan ko na agad yun.

Agad naman akong nag log out at humarap kay Sir Ino.

"Mauna na ako sayo Sir Ino" ngumiti naman ako sakanya bago siya nilagpagsan at umalis na sa skwelahan.

Sa pag uwi ko ng bahay ko, kahit pa sofa lang yung nakita ko agad ko din itong hinigaan dahil nararamdaman ko yung pagod ko ng makita ito.

Nakakapagod talagang maging teacher, sabi nila mawawala yung pagod mo pag nakikita mo yung mga batang tinuruan, hindi, mas lalo akong napapagod pag andiyan sila hahaha. Buti nalang talaga at after this month, summer na nila, at summer din namin syempre.

Tumayo naman ako ng makarinig ako ng sunod sunod na katok, bumuntong hininga naman ako dahil alam ko sino itong gagong kumakatok ngayon.

Binuksan ko to at hinayaan siyang pumasok, siya pa ang nag sara ng pinto, bumalik naman ako sa pagkahiga sa kama.

"Ang tagal mong buksan"

"Pasalamat ka binuksan pa kita ng pinto" tinanggal niya naman ang suot niyang sumbrero at mask, ganyan siya sa tuwing binibisita ako, naka mask at sumbrero, binigyan pa ako ng rason, na lahat ng media, maliit man lang na bagay binibigdeal na kaya nag iingat siya, ayaw niyang ma issue saakin.

Napairap naman ako sakanya ng ilang ulit.

"Problema mo? di ka naman inaano diyan, kung maka irap ka"

"Lutoan mo nalang ako, bisita ka eh"

"Wow what a concept Zy"

"Alam kong may rason ang pag punta mo dito Arjay, tumigil ka nga parang first time mong bumisita dito at parang ngayon lang kita pinaluto diyan"

Si Arjay yung kaibigan ko simula college ako, same lang naman kami ng course na kinuha eh pero ewan ko dito bakit nadesisyonan sa buhay, mag artista, kaya ito siya ngayon kung maka tago parang gagong mag nanakaw, minsan na nga itong pumunta dito na naka shades at mask, gabing gabi sinuot niya yun.

Madami na din itong pelikula, may napanuod naman ako dahil nga gusto niyang panuorin ko siya ginawa ko.

Padabog naman nitong nilagay sa sofa yung dala niyang gamit, yung mask at sumbrero niya at tinanggal niya naman ang duot niyang jacket.

Sinamaan ko naman ito ng tingin pero inirapan lang ako na parang bata at dumiretso sa kusina.

Once a week niya akong binibisita dito walang palya, sabi niya tinitignan niya lang kung buhay pa ba ako dito dahil nag iisa lang akong nakatira dito sa maliit na bahay, at babae pa daw ako kaya ayan.

Nag sasawa na din ako sa pagmumukha niya dahil araw araw ko na nga siyang nakikita sa telebisyon. Kaya hindi siya kamiss miss eh.

"Ang galing galing sa mga bata kung mag alaga, pero sa kaibigan, daig niya pang inaalila, di niya ba alam nakakapagod din maging artista? sana naman alagaan niya ako" rinig kong reklamo niya.

"Naririnig kita Jay! reklamo ka ng reklamo, bahala ka wag mong gawin ikaw lang yung mamatay sa gutom"

"Ganito ka talaga mag mahal ng kaibigan no?" nag dadrama niyang sabi.

Umikot naman ang mga mata ko dahil ginagamitan niya na naman ako ng acting skills niyang parang tanga.

"Wag mo kong dramahan Jay"

"Mahal din kita Zy, alam kong wala ka lang talagang lovelife kaya ka ganyan saakin"

Tumayo naman ako at pinuntahan siya, umupo naman ako sa dining chair at hinarap siya.

"Yan ba ang pinunta mo saakin ngayong gabi?"

"Hindi miss kita eh"

"Wag na tayong mag lokohan Jay, ano?"

"Tsk, miss nga kita at mag ipapakilala ako sayo para naman mas lalo kang mag blooming at magiging maganda na ang pakikitungo mo saakin"

"Ewan ko sayo"

"Alam mo Zy hindi pa talaga kita nakikitag mag boyfriend simula nong nagkakila tayo, kaya tayo napapagkamalan dahil tayo pala ang magkasama."

"Bakit sinabi ko ba noon sayo na dumikit dikit ka saakin?"

"Hindi"

"Hindi ko yun kasalanan"

"Ah! kaya ka siguro walang boyfriend dahil ang sungit sungit mo, pati yung mga nangliligaw sayo noon sinasabi din nila yan saakin, bagong bago palang sila nangliligaw binusted mo na agad ng di man lang tumagal ng isang minuto. Gustong gusto mo talaga ako eh no? kaya ka nang bubusted"

"Tumatanda ka Jay mas lalong kumakapal ang mukha mo"

"May ipakilala ako sayo, try mong kilalanin, wag mo naman sungitan, pag ang araw na nag kakakilala kayo ay yun ang araw na liligawan ka, bahala ka na, pero kung hindi ka niligawan, mag pakabait ka ah?"

"Ewan ko diyan sa utak mo Jay."

Obsessive Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon