#Chapter11

163 3 0
                                    

#Chapter11

-PAST-

Zyren's POV

"Dre ano ba! mas marami pa death mo kaysa kill"

"Reklamo ka diyan! ikaw lang nag pilit saaking isali ako eh!" sigaw ko pabalik sakanya.

"Wag nga kayong mag sigawan" Andrei

"Itong kaibigan niyo eh!"

"Dre! mag laro ka nalang hirap mong kasama eh"

"Edi hindi na ako maglalaro oh, James ikaw na ang maglaro"

"Tangina! sige subukan mong tanggapin James" sinamaan ko naman siya ng tingin pero hindi ito na tinag dahil naka tingin lang ito sa cellphone niya.

"You have been slain" rinig kong sabi ng phone ko kaya nag kibit balikat nalang ako at binalik ang atensyon sa nilalaro namin ngayon ni Van.

Magkasama kaming walo ngayon sa bahay ni Franzy, nanunuod lang kami kanina ng palabas pero pagkatapos non nag kanya kanya na kami, at itong mahal kong boyfriend sinabihan akong mag laro daw kami ng mobile legends kaya ito ako ngayon.

"Defeat!" sabay na anunsyo ng mga cellphone namin.

"Dre naman eh"

"Sinabi ko bang magaling ako ah?"

"Andito na ako!" kaya nabitawan ko naman yung phone ko at hinayaan si Van na mag reklamo.

"Audreeey akin na" masaya kong sabi habang kinukuha sakanya yung supot na naglalaman ng fries, coke float at burger.

Nilapag ko naman ito sa coffee table at kinuha yung parte ko, masaya naman akong kumakain at hindi ko na pinag bigyan ng pansin ang paligid ko.

Kanina napagdesisyonan naming kumain ng pagkaing dala ngayon ni Audrey at pizza din at dahil tamad ang lahat kaya napag desisyonan namin na ang matalo sa laro siya yung bibili kaya si Audrey yung bumili.

"Dre"

"Ahahaha kawawang Van pinagpalit sa bubuyog na pula"

"Tangina, Dre my baby luv hello from here to your heart?"

Napabalik naman ako sa sarili ko nang may sumundot sa pisnge ko.

"Problema mo?" kunot noo kong tanong kay Van.

"Okay ka na? ka move on ka na sa defeat?"

"Dre naman eh, subo nalang" ngumanga pa ito.

"Ngayon ko lang nakitang ganito si Van" Lucas

"Nagiging bata ka pala Van pag si Ren ang kasama mo? hahaha" Andrei

"Para kang tanga, iba talaga nagagawa ng pag ibig no?" James

"Ngayon lang nag bibinata yung Van natin wag niyo naman ganyanin" Audrey

"Buti natitiis mo yan Ren ahahahah, hindi yan ganyan saamin" Leyanih

"Umayos ka nga Van, para kang gago diyan" Franzy

Inirapan ko naman si Van at hinayaan siyang nakanganga na mas lalong nag palakas ng kanchawan ng mga kaibigan namin.

"Hahahah nganga" Andrei

"Ako nalang mag subo sayo papa Van?" James

"Mga gago!" lumapit naman ito saakin at niyakap ako sa bewang at siniksik na naman ang mukha sa leeg ko na yun naman lage niyang ginagawa basta nanglalambing.

Obsessive Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon