#Chapter6

184 2 0
                                    

#Chapter6

-PAST-

Zyren's POV

"Lucas" bati ko sakanya nang makita ko siya sa labas.

Di ko naman inaakalang siya yung sinasabi ng mga kaklase kong hinahanap ako.

"Hey, busy ka ba?"

"Nah? why?"

"Asan ba si Franzy?"

"Absent siya eh"

"Recess tayo?"

"Okay?, asan ba sila Andrei at James?"

"nasa canteen na sila"

"Oh? okay"

Sa pagkakaalam ko wala ang mga babaeng barkada ni Franzy ngayon at siya din, kasi isa sila sa twirler ng school band namin, at may competition na nagaganap at sila ang representative ng paaralan namin.

"Si Van?"

"Yun? palagi namin yung hindi mahagilap, minsan nga mahagilap namin kasama mo pa"

Napaiwas naman ako ng tingin sakanya at tumahimik nalang habang nag lalakad nalang papuntang canteen.

Isang linggo na ang nakalipas simula nung sinabi niyang manliligaw daw siya, at seryoso nga kasi tuwing hapon kami talaga yung sabay umuwi at hinahatid niya ako sa bahay.

Minsan bago ako makauwi ng bahay talaga kumakain pa kami dalawa sa kung saan niya trip kumain, at palagi nalang akong hindi makatanggi dahil nakasakay na ako sa kotse niya doon niya pa sasabihin saakin.

"Baka sumali yun sa banda" napalingon naman ako kay Lucas ng sabihin niya ito.

"Huh?"

"Saxophone kasi instrument non, minsan sumasali siya pero madalas hindi, depende sa mood niya."

"Hindi naman siya nag paalam eh" bulong ko sa sarili ko.

Sa tuwing may gagawin siya nag papaalam talaga yun, don't get me wrong hindi ko yun sinabihan na mag paalam saakin palagi.

"Ha? teka nga? ano bang meron sa inyo ni Van?"

"wala"

"Sus!, kung wala siya sa banda ngayon baka nasa dance room yun" nag bikit balikat nalang ako at pumasok na sa canteen.

Hindi naman ako nahirapan hanapin sila Andrei dahil tinaas naman nila yung mga kamay nila, napangiti nalang ako at lumapit sakanila.

Agad akong umupo at ngumiti sakanila.

"kamusta? long time no see ah?"

Ng dahil kay Franzy naging mga kaibigan ko din sila kahit sila Audrey at Leyanih, pero mas close padin ako kay Franzy, syempre siya yung kaklase ko.

Minsan pag nag kikita kaming walo hindi talaga ako naa-outcast, sobrang welcome ako sa barkada nila kaya masaya na din ako.

"Hey we miss you Ren!" James

"I miss you all too"

"Balita ko nga si Van palagi mong kasama, nakakatampo ka" Andrei

"Hahaha, hindi bagay ang mag tampo kayo"

"Lucas bumili ka na don bilis!"

Ang kakaupo lang na Lucas bigla nalang tumayo ng sinabihan ito ni James, at pumunta sa ko counter para bumili ng makakain.

Obsessive Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon