#Chapter30

149 4 0
                                    

#Chapter30

Zyren's POV

"Dre"

"Uhm?"

"Isang taon na tayo" lumingon naman ako sakanya, nakikita ko ang ngiti niya dahil sa mga mata niya.

"Isang taon mo na din yang suot habang kasama ako" tumawa naman ako ng mahina habang tinuturo ang mask at sumbrerong suot niya.

"It's okay para sayo naman ahaha"

Humarap nalang ulit ako sa karagatan.

Andito kasi kami sa park, yung park na isa din sa pinuntahan namin ni Van noon.

"this is sweet"

"Huh?"

"Yung manuod ng sunset, sweet" sabi niya, napangiti nalang ako at pinanuod ang araw na unti unti ng natutulog sa karagatan.

Sa loob ng isang taon ang daming nangyari, away bati ang hindi mawawala saamin, pero hindi kami tulad ng ibang mag kasintahan diyan, dahil sa tuwing nag aaway kami hindi na yun mauumagahan, at wala ding hiwalay din na nangyayari dahil lang sa pag aaway namin.

"Please Van, wag mo na ulit gawin yun"

"Uhm? ang alin?"

"Hindi mo alam kung gaano ako nag alala sayo nung tinawagan ako nila Michael na nasa hospital ka"

"I'm sorry, nadulas lang talaga ako non at isa pa magaling na ako"

"Talaga? nadulas?"

"Yes Dre, Sorry" niyakap niya naman ako ng napakahigpit.

Tulog na ang araw at unti unti na ding gumigising ang buwan.

Nag hiwalay naman kami ng yakap at nag titigan, tinanggal niya naman ang mask niya at hinalikan ako.

Hinalikan ko na siya pabalik, madilim naman sa pwesto namin eh.

Pero natigilan nalang si Van ng may nag flash at sa amin yun nakaharap, agad niya naman sinuot saakin yung sumbrero niya at ang mask niya.

Dahil nagugulohan ako hindi ko alam anong gagawin ko, tinitigan ko lang si Van na may hinahanap.

"Van?" tumingin naman ako sa tinitigan niya pero wala akong nakikita dahil madilim din doon.

Nasilawan naman ako ng mag flash ulit.

"Fvck let's go Dre" hinila niya naman ako patakbo, napilitan na din akong tumakbo.

Dahil sa expose na yung mukha ni Van, pinag titinginan kami ng mga taong nadadaanan namin.

'Si Van ba yan? sino kasama niya?'

'OMG si Van'

'Si Van nga'

'Teka anong meron? bakit sila tumatakbo?'

Yun din sana ang gusto kong itanong kay Van pero sobrang seryoso siya, agad niya naman akong pinasakay sa kotse niya at umalis na kami.

"Ano bang nangyayari Van?" tanggal ko sa mask at sumbrero.

"fvck I'm sorry Dre"

-

"Renny!" Binuksan ko naman ng pinto si James.

"James? Audrey? Lucas? teka bakit kayo andito?"

"Andito ba si Van?"

"Wala, kahapon pa siya hindi nag papakita saakin sabi niya may aasikasohin daw siya"

Isang araw na ang nakalipas simula nung nangyayari sa park na hanggang ngayon di ko alam anong nangyari, ang huling sinabi saakin ni Van bago niya ako hinatid dito sa bahay, may aasikasohin daw muna siya.

Obsessive Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon