#Chapter18

154 3 0
                                    

#Chapter18

Zyren's POV

Lumapit naman sila Franzy, Audrey at Leyanih at pinatayo si Van at niyakap nila ito habang ang mga lalaki at ako nakatingin lang sakanila.

"Nakakainis ka!" umiyak naman itong si Leyanih, kaya nagulat kaming mga nanunuod at si Van.

"Hey I know, please wag ka namang umiyak Ley"

"Eh kasi iniwan mo kami eh! kahit ganon sinusuportahan padin kita, pero hindi mo ako fan ah! I'm so proud of you Van" tumawa naman ito ng mahina pati na din si Van tumawa nlang din at hinalikan ito sa noo.

"Thank you Ley"

"Mapapatawad kita Van pero di mo padin ako maiwasang mag tampo" Franzy.

"babawi naman ako eh, andito nga ako"

"Hindi! nasa iisang awarding tayo nung nakaraang taon pero hindi mo man lang ako nakilala, sabay pa nga tayo non pumasok sa red carpet! buti pa si Francisco inaalalayan ako."

"Ikaw yun!?"

"Oo Van! naiinis talaga ako kung pwede ko lang tadyakan yang pag mumukha mo sa harap ng camera ginawa ko na talaga"

"I'm sorry Franzy, hindi kita nakilala, ang ganda ganda mo non"

"Binobola mo pa talaga ako ngayon hahaha"

Nag tawanan naman sila, nag kwentohan sa harap naming apat at pinanuod lang namin sila.

"Andrei! Lucas! James! Zyren" tawag saamin ni Franzy, bumuntong hininga naman itong sila Lucas at Andrei at lumapit na kila Van at nakipag kamay pa ito.

"Pasalamat ka naging kaibigan kita simula bata palang kaya hinding hindi kita matitiis" Andrei, ngumiti naman itong si Van at niyakap sandali si Andrei. Tumingin naman ito kay Lucas na parang may hinihintay.

"Bakit? kailangan pa ba akong magsalita? napatawad na kita noon pa Van kaya wala akong masumbat sayo"

"Salamat Lucas"

"Hey Renny" napalingon naman ako sa katabi ko.

"Bakit?"

"Hindi ka ba tatayo diyan? lapitan siya? at makipag yakapan sakanila?"

"Ren! Zyren!" naagaw naman atensyon ko sa pag tawag saakin ni Franzy.

Tumayo naman ako at lumapit sakanila pero may ilang metro ang layo ko sa kinatatayuan ko sa kinatatayuan ni Van.

"Sorry, but I'm not ready to forget everything anf forgive you" umiling iling naman ako, nakita ko ang pagkagulat ng lahat sa ginawa ko.

Hindi na ako tumingin pa kay Van at nilagpasan sila dumiretso sa dalampasigan.

Huminga naman ako ng malalim at napapikit nalang habang pinapakinggan ang mga alon at pinakiramdaman ang hangin na sumasampal saakin.

I need more time, sinabi ko naman na naka move on na ako pero hindi ibig sabihin non mapapatawad ko na agad siya.

"No one knows my pain back then" bulong ko habang nakatingin sa karagatan.

"Well except me" napangiti naman ako ng may pumulupot na mga braso sa bewang ko galing sa likod ko at nakapatong yung mukha niya sa balikat ko.

"Tapos ka na bang makipag yakapan doon?"

"Nah! maybe after you forgive him, doon ko nalang siya mapapatawad."

"Bakit?"

"Dahil ako lang nakakaalam kung gaano ka nasaktan at when the time comes na mapatawad mo na siya it means your pain is already heal. Doon lang gagaan ang loob ko."

Van's POV

Bumuntong hininga naman ako habang nakatingin sa dalawang nasa dalampasigan.

Andito lang ako sa veranda, kung sila naka tingin sa karagatan, ako nakatingin sakanilang dalawa.

Mapait naman akong ngumiti ng makita ko ang pag tawa ni Dre at nag habolan silang dalawa.

"Simula nung iniwan mo siya, naging close silang dalawa" Napalingon naman ako.

"Andrei andiyan ka pala"

"Yeah, mahal na mahal ni James si Zyren Van, kaya kanina hindi ka pinatawad ni Zyren at sumunod naman si James na hindi ka din pinatawad just understand them, James is there everytime Zyren is breaking down"

"nag sisisi naman ako sa ginawa ko"

"Then prove it to her at sabi niya nga diba na hindi pa siya ready magpatawad, give her some time"

"Yeah, akala ko noon naka move on na ako sakanya, nawala na yung nararamdaman ko sakanya pero nung makita ko siya ulit, yung tibok ng puso ko pareho sa pag tibok ng puso ko nung una ko siyang nakilala"

"Nahihirapan ka na ngang mapatawad ka niya pano pa kaya ang mahal ka niya ulit? hahaha"

"I'll give her some times and I'll prove to her everything"

"But please unahin mo ang pag suyo kay James, para pa naman yang boyfriend ni Zyren"

"May inamin ba si james sa inyo sa nararamdaman niya kay Zyren"

"Nah, hanggang ngayon tahimik padin siya tungkol diyan, pero ano sa tingin mo habang tinitignan sila?"

"May nararandaman siya kay Zyren, at natatakot ako Andrei"

"Bakit?"

"Akin lang si Zyren eh" mahina kong sabi.

"Hahaha you broke her heart Van, you even let her go tapos ngayon sasabihin mong sayo lang siya?"

"Yes she's mine, kung meron mang ibang mag mamay ari sana wala sa mga kaibigan ko"

"We can't stop that Van, ilang taon kang nawala, si James lang ang naging kasama ni Zyren noon pa lang, we don't know kung ano din ang nararamdaman ni Zyren kay James"

"sana wala" bulong ko.

Zyren's POV

"Ahahaha ayoko na tama na pagod na ako" umahon naman ako sa dagat at tumakbo ako papunta sa seaside.

Umahon naman itong si James at lumapit saakin

"Nag tatakbohan lang naman tayo kanina ah!?, bakit naliligo na tayo?" nag kibit balikat naman itong si James.

"babalik lang ako Renny" tumango nalang ako, umalis naman ito.

Niyakap ko naman ang sarili ko dahil sa pagsampal sa katawan ko ang hangin.

Maya maya naramdaman ko naman ang pag patong saakin ng towel.

"Salamat Jam-- Van" umiwas naman ako ng tingin, tumabi naman ito saakin.

"Di mo naman sinabi saakin na masyado ka ng close kay James"

"for what?"

"Gusto ko lang ipaghanda yung puso ko sana" tumawa naman ako ng mahina sa sinabi niya.

"Van and your flowering words, sorry pero pinipigilan ko na ang sarili kong madala sa mga sinasabi mo Van"

"I'm telling the truth Dre" biglang bumilis naman ang tibok ng puso ko ng marinig ko na naman ang tawag niya saakin.

"Yeah? whatever" narinig ko naman ang pag buntong hininga niya.

"You know Dre? I'm willing to wait until the day comes na mapapatawad mo na ako, and I'll continue to court you"

Obsessive Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon