Simula

3.1K 59 4
                                    

Simula

2006

Masakit. Sobrang sakit ng ulo ko.

Hinawakan ko ang ulo ko habang unti-unti ko idinidilat ang mga mata ko. Pero hindi ako nag-tagumpay sa pagdilat dahil nasilaw lang agad ako. Hilong-hilo na ako at nanghihina pa.

"Irene? Irene!" isang boses ng di-pamilyar na lalaki ang narinig ko mula sa gilid ko. "Ate Yna tumawag ka ng nurse... No! no! Call a doctor!"

Hindi pa ako tuluyang dumidilat ngunit parang mabibingi na ako dahil sa pag-sigaw ng lalaki.

Nang sa wakas ay makadilat ako ay tumambad agad sa akin ang mukha ng isang lalaking nakatingin sa akin ng buong pag-aalala. "Thank God, Irene. You're awake." mahinang bulong niya ngunit sapat iyon para marinig ko.

Kitang-kita ko ang galak sa kanyang mga mata. Pero sino ba siya? Sino si Irene?

Sinubukan kong mag-salita ngunit nabigo lamang ako. Gusto ko siyang tanungin. Gusto kong itanong kung nasaan ang pamilya ko. Anong nang-yari sa akin, kung bakit nandito ako sa lugar na ito.

Inalis ko ang tingin ko sa'kanya at inilibot ko ang aking mata sa buong silid. Nasaan ako? Ospital ba ito? Pero bakit ganito? May iba. Hindi ko maipaliwanag.

Kahit hirap ako, itinuro ko sa kanya ang isang baso ng tubig na nasa ibabaw lamang ng isang maliit na mesa. Tuyong-tuyo na ang lalamunan ko. Pakiramdam ko ilang taon akong hindi nakainom ng tubig.

Agad namang ibinigay sa akin ng lalaki ang baso. Tinulungan niya din akong maka-inom kahit na naka-higa pa ako.

"Kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba?" tanong niya pagkatapos niyang ilapag sa mesa ang basong hawak niya.

Umiling ako ng bahagya at nagulat na lamang ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Akala ko mawawala ka na sa'kin... Irene," naramdaman ko ang patak ng kanyang luha sa aking kamay. "Don't be so hard headed again, please? I can't afford to lose you." mahinang sambit niya at halos magising ang katawang lupa ko nang bigla niya akong halikan sa aking noo.

Nanlaki ang mata ko dahil sa kanyang ginawa.

Anong karapatan niya para halikan ako ng walang permiso!? Gustong-gusto ko siyang sampalin ngunit hinang-hina pa din ang katawan ko. Wala akong ibang magawa kung hindi ang titigan siya. Malalakas na mga hininga ang aking pinakawalan. Kahit kailan ay wala pang lalaki na hindi ko kaano-ano ang nakahalik sa kahit na anong parte ng katawan ko. Isa siyang lapastangan!

Isang ngiti ang ibinigay niya sa akin. "I love you, Irene. God knows how much I prayed just for this day to come, for you to wake up."

Bakit ba Irene ang patuloy niyang tinatawag sa'kin? Olivia! Olivia Crisostomo ang pangalan ko at hindi Irene. Nasaan na ba kasi ang pamilya ko? Bakit itong lalaking ito ang nasa tabi ko? Bakit ba ako nandito?

Kahit hinang-hina, pinilit ko ang sarili kong tumayo. Nagulat siya ngunit pinigilan din agad ako ng lalaki.

"Irene, wag ka munang tumayo. Mahina ka pa!"

Imbis na makinig ay mas lalo akong nag-pumiglas hanggang sa tuluyan na akong makatayo. Nawalan ako ng balanse pero nakakapit agad ako sa aking hinigaan. Tinanggal ko lahat ng naka-kabit sa aking kamay kahit masakit ito. Ano ba itong mga 'to!?

"Irene! Teka, Irene!" sigaw niya at lumapit siya sa'akin.

Pilit akong pinipigilan ng lalaki pero wala ding nangyari. Galit ko siyang hinarap.

"Hindi Irene ang pangalan ko!" sigaw ko sa'kanya.

Gulat siyang napatingin sa'kin at maging ako ay nagulat din.

Bakit... bakit? Bakit iba ang boses ko?

Inilibot ko ang tingin ko, hinanap ko ang isang bagay na agad ko din namang nakita sa isang maliit na palikuran sa loob din ng silid na iyon.

Halos manghina ang aking mga tuhod nang makita ko ang sarili kong repleksyon sa salamin.

Hindi. Hindi pwede ito. Hindi ako ito. Bakit... Bakit iba ang itsura ko?

Entangled (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon