Kabanata 11

776 18 1
                                    

Kabanata 11

From the Top

Masaya ako... pero slight lang. Well, okay na kasi kami ni Ivan. Hindi ko lang alam kung babalik pa kami sa dati, o mag-iiba ang lahat sa amin. Hindi ko din alam kung magiging ganun pa din siya sa'kin... kung babalik pa ba yung sweet, caring, mabait, gentleman, at mapag-mahal na Ivan na nakilala ko. Pero... ewan ko ba. Parang wala na din akong pakielam sa kung ano man ang mangyayari. Basta nandyan siya, okay na lahat. Okay na ako.

"Ivan." Tawag ko sa'kanya kaya nilingon agad ako nito.

Nandito kasi kami sa restaurant ng beach resort. Hinihintay namin sila Mommy para makapag-umagahan na. Well, I assume na hinihintay nga talaga namin sila. Eh kasi naman, kanina pa walang nag-sasalita sa'min. Nauna akong pumunta dito kanina, tapos nagulat na lang ako nang bigla siyang umupo sa tabi ko. Halos mag-iilang minuto na din kaming hindi nag-iimikan. Naiintindihan ko naman kung bakit.

Ang awkward kaya. Pagkatapos ba naman ng nangyari kagabi, hindi ko na aasahan pa na biglang maging okay agad kami. Pagkatapos kasing mag-sorry ni Ivan kagabi, natulala na lang ako. Ang huling natatandaan ko na lang, sinabihan niya ako na matulog na ako bago siya umalis.

"Uhm..." huminga ako ng malalim. "Okay naman na tayo di ba?" Tanong ko.

Oo alam kong parang tanga yung tanong ko. Pero naninigurado lang ako. Baka kasi mamaya, naga-assume lang pala ako na okay kami tapos hindi pa pala. Eh di ako lang yung lalabas na timang at mag-mumukhang shunga.

Gumaan naman agad ang loob ko nang bigyan ako nito ng simple at makahulugang ngiti.

"But we still have to talk, though." Nang-aasar na sabi niya.

Marahan na lang akong tumango. Alam kong nag-bibiro lang siya, pero ika nga nila, 'Jokes are half meant'. Walang kaso sakin kung kausapin niya ulit ako ng masinsinan at gumawa na naman ako ng panibagong batch ng kasinungalingan. Kailangan ko nang masanay, ulit.

Balik na ako sa dating gawi. Mag-papanggap akong Irene sa harap nila habang nag-hahanap ng paraan para makabalik sa katawan ko. Siguro, pag-balik namin sa Maynila, pupuntahan ko muna yung matandang nakatira malapit sa simbahan na pinuntahan ko noon. Kailangan ko siyang kausapin dahil marami akong gustong itanong. Kahit mahirap kausapin yung matandang yun, may mahihita naman siguro ako sa'kanya kahit paano.

"Uh... Ivan?" Tawag ko pa uli sa'kanya. Pinang-laruan ko ang mga daliri ko dahil hindi ako makatingin ng diretso sa'kanya. "Tungkol doon sa amnesia ko..."

As if it was a cue, biglang napatingin sa'kin si Ivan. Seryosong-seryoso.

"Pwede bang..." Bakit ba ako kinakabahan? Dapat masanay na ako.

Alam mali na pati si ivan ay idamay ko pa. Pero kailangan eh. "Pwede bang, wag mo munang sabihin sa'kanila yung tungkol dun?.... Ayoko kasing biglain sila. Lalong-lalo na si Mommy."

Nilipat ko ang tingin ko sa kamay ni Ivan na naka-patong sa lamesa at hinawakan ko yun. "I promise, kapag tingin kong okay na, sasabihin ko din sa'kanila." Pangako ko na siguradong mapapako din balang araw. "Ayoko lang kasing mag-alala sila sa'kin. Lalo na si Mommy, baka ma-paranoid na naman yun."

Tiningnan ko siya at tila nag-isip ito. Nakikita ko pa yung 'doubt' niya para sa'kin. But I'm still relieved that we're now okay.

Huminga siya ng malalim at marahang tumango.

"Thank you." Tuwang-tuwang sabi ko at bigla na lang akong napayakap sa'kanya.

"I swear, I'll tell all these to them in time." Mahinang sabi ko. And I'll tell you in time...

Entangled (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon