Kabanata 2

956 31 1
                                    

Kabanata 2

Trapped

"Irene, before I forgot..."

May dinukot si Ivan sa kanyang bulsa at agad iyong inabot sa'kin.

Isang maliit na puting kahon.

"Naiwan mo yan sa kotse, two days before the accident happened. Nakalimutan ko lang ibalik kahapon."

Tumango ako at ngumiti sa'kanya. "Salamat. H-hinahanap ko 'to, akala ko nawala na." sabi ko na lang at nginitian niya din ako.

"I'll be back tomorrow."

Tumango ako at napapikit na lang nang halikan niya ang aking noo.

"Bye." paalam ko at isang mabilis na halik sa labi na naman ang ibinigay niya sa'kin.

Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa akin. Ilang beses niya na akong nahahalikan pero ni minsan ay hindi ko man lang siya itinulak o iniwasan man lang.

"Call me pag may problema." paalala pa niya at tumango na lamang ako.

Pinanood ko na lang siyang sumakay sa napaka-ganda niyang kotse. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa iba't-ibang bagay na nakikita ko dito. Yung mga kotse, yung palamuti at kagamitan sa bahay, yung telebisyon. Lahat.

Isinara ko na rin ang pinto nang makitang umalis na ang kotse ni Ivan. Napag-desisyonan ko na lang na tumungo na lang sa hardin. Mahilig kasi ako sa mga halaman, lalong lalo na sa mga bulaklak. Gumaganda ang pakiramdam ko tuwing nakakakita ako ng magagandang halaman. Sa hacienda namin, palagi akong gumigising ng maaga para lamang diligan ang mga ito.

Ngunit nangangalahati pa lang ang natatahak kong daan patungo sa hardin ay tumigil na ako sa paglalakad. Humugot ako ng buntong hininga at napa-iling ng bahagya.

Walang mangyayari kung tutunganga lang ako at magmu-mukmok sa isang tabi habang pinoproblema ang mga bagay na dapat ay binibigyan ko na ng solusyon.

Imbis na tumungo sa hardin ay tinahak ko ang daan tungo sa kwarto ni Irene. Isang linggo na rin akong namamalagi sa kanilang bahay... hindi. Napaka-ganda nito at halos puti ang lahat ng gamit. May sinabi sa buhay ang pamilya nila Irene. May ari ng isang kumpanya ang ama niya at ang ina naman niya ay kasosyo ni Irene sa isang maganda at mamahaling botique. Nalaman ko rin na maliban sa pag-papatakbo ng negosyo ng kanyang ina ay isa rin palang event planner si Irene.

Dahil sa mga nalaman kong iyon, tila mas nahihirapan akong panindigan ang pag-papanggap. Ibang-iba siya sa'kin.

"Miss Irene?" napalingon ako sa pinto nang bigla itong bumakas. "Sorry, hindi na ako kumatok. Akala ko kasi natutulog ka." hinging paumanhin pa ni Ate Sandy.

Tumango na lamang ako para sabihing 'naiintindihan ko'.

Si Ate Sandy ang physical therapist ko. Pagkatapos kasi ng halos isang linggo na pamamalagi sa ospital ay pinayagan na rin ako ng doktor na lumabas. Ngunit kasama noon ay ang pagkakaroon ng isang taong tutulong sa'kin para maibalik ang dating sigla ng katawan ni Irene.

"Iche-check ko lang sana kung nainom mo na yung gamot mo." sabi niya at tiningnan ang bedside table ko. "Mukhang nainom mo na nga."

Ngumiti ako. "Pinainom na ako ni Ivan ng gamot bago siya umalis." sabi ko.

Tumango siya at tuluyan na rin siyang pumasok sa silid at lumapit sa'kin. "Alam mo, ang swerte mo dun sa boyfriend mo, ano?" sabi niya.

"Ang gwapo na, ang bait pa. Nako, Miss Irene. Sinasabi ko sa'yo... wag mo nang pakawalan si Sir Ivan. Mahirap makahanap ng gwapo, mabait, mayaman at straight na lalaki ngayon."

Entangled (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon