Kabanata 1
Confused
"Halos tatlong linggo siyang comatose. Mostly, hindi agad-agad bumubuti ang lagay ng mga pasyente pag-gising nila. Marami ang hindi nakaka-pagsalita kaagad, hindi nakakalakad at nakaka-kilos ng maayos. Pati ang pag-kain, nahihirapan silang gawin. Pero itong kay Irene..."
Hindi ko alam kung ididilat ko ba ang mga mata ko o mag-papatuloy na lang sa pag-papanggap na tulog, at pakikinig sa dalawang nag-uusap. Kahit alin naman sa dalawa ang piliin ko ay alam kong wala akong mahi-hita. Wala akong alam sa pinag-uusapan nila at wala din akong alam sa nang-yayari sa paligid ko.
"...Milagro kung maituturing ang nangyari sa'kanya. Para sa isang taong kagagaling sa comatose, napaka-lakas ni Irene."
Tuluyan kong idinilat ang mga mata ko nang hindi ko na mapigilan. Agad din naman silang napatingin sa'kin at nakasalubong ko na naman ang nag-aalalang tingin niya.
"Mag-uundergo kami mamaya ng ilang tests para malaman namin kung kakailanganin pa ba niya ng physical therapist." mungkahi ng lalaking naka-puti na sa tingin ko ay doktor sa lalaking naabutan ko kaninang pagka-gising ko. "Oh siya... Mauuna na ako. Ipatawag mo na lang ako kung may kailangan ka pa." Sabi ng doktor at lumabas na din ito agad.
Napadako ang tingin ko sa'kanya. Nginitian niya ako at agad na dinaluhan.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong niya ngunit mas pinili kong hindi siya sagutin.
"You fainted when you saw your reflection." mungkahi pa niya at narinig ko na lamang siyang bumuntong hininga nang siguro ay maramdaman niyang wala akong balak na mag-salita.
"Si Tito Max at Tita Vee, papunta na sila dito. Tinawagan ko na sila kanina."
Tumango na lang ako kahit wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya. Naguguluhan na ako ngayon, at ayokong mas maguluhan pa. Ang kailangan ko munang malaman ay kung sino si Irene at kung bakit ako nasa katawan niya.
"A-Anong... Anong nang-yari sa'kin?" nahihirapang tanong ko sa'kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi mo matandaan?" kunot-noong tanong niya.
Umiling ako kahit na hindi naman dapat. "Uh... Hindi. Hindi ko lang alam kung bakit, at paano ako napunta dito." sabi ko.
Tumango siya at bumuntong hininga muna bago ako sagutin. "Nabangga yung kotse mo. Nang itakbo ka naman sa ospital, hindi ka na gumising pa." umpisa niya. "The doctor just told us that you were in comatose state. You were unconscious for three weeks."
Aksidente.
Ako, bilang Olivia. Ang huling natatandaan ko... nag-away kami ng kasintahan kong si Ynigo. At pagkatapos nun, umiiyak akong umuwi sa bahay. Nakatulog na lamang ako na mugto ang mga mata. Pag-gising ko, nasa katawan na ako ni Irene.
Hindi ko alam kung paano at bakit nangyari ito. Ano ang dahilan? At paano ako napunta sa katawan ng ibang tao? Bakit biglaan?
Hindi ako nasisiraan ng ulo. Siguradong-sigurado akong Olivia Crisostomo ang pangalan ko. Buong-buo ang mga alaala ko. Dalampu't tatlong gulang ako, at nag-iisang anak ako ng isang Gobernador at isang simpleng babae.
"Nagugutom ka ba?" napalingon ako sa'kanya nang bigla siyang mag-tanong.
Umiling lang ako bilang sagot pero parang wala lang sa'kanya ang naging sagot ko. Kumuha siya ng mansanas sa maliit na lamesa sa tabi at agad na hiniwa iyon. "You need to eat. May mga test na gagawin sa'yo mamaya para malaman kung ano pa ang mga kakailanganin mo." sabi niya.
BINABASA MO ANG
Entangled (On-going)
Random"Nagising na lamang si Olivia sa katauhan ng ibang tao--Sa katawan ni Irene na kagagaling lamang sa comatose. Sa takot na isipin ng iba na nasisiraan siya ng bait, inilihim niya na lamang ang totoo. Ang malala pa ay napilitan siyang mag-panggap na I...