Kabanata 3

974 25 2
                                    

Kabanata 3

Unknown Feelings

Nag-paalam na din agad ang mga kaibigan ni Irene na aalis na sila. Nag-pahabol pa ang mga ito na wag daw akong mag-alala dahil babalik din sila kapag nagka-oras. Tulad ni Irene, subsob din pala ang mga ito sa trabaho.

Pero ang talagang nag-bigay sa'kin ng malalaking mga tanong ay ang sinabi nilang baby.

May anak si Ivan? Pero kanino? At... bakit? Sa nakikita ko naman, mahal na mahal ni Ivan si Irene, at alam kong ganon din naman si Irene kay Ivan. Kaya paanong nag-kaanak si Ivan sa ibang babae?

"U-uhm... Ate Yna?" tawag ko sa maid na naabutan ko din noon sa ospital pagka-gising ko. Ate Yna ang tawag sa'kanya ni Ivan.

Malapit sila ni Irene sa isa't-isa kaya natatakot ako minsang lapitan siya dahil baka may masabi akong hindi tama. Kilalang-kilala niya si Irene dahil matagal na siyang nagta-trabaho sa pamilya ng mga Valencia, kaya minsan ay nababahala din akong may mapansin siyang hindi dapat.

"Oh? Irene, may problema ba?" Nakangiti niyang tanong sa'kin.

Umiling ako. Wala. Wala namang... problema. Pero wala nga ba? Talaga?

"Tagal ko na ding hindi nakita yang mga kaibigan mo na bumisita. Palagi kasing si Ivan ang kasama mo simula nang lumabas ka sa ospital." sambit niya.

Nag-huhugas kasi siya ng mga pinag-kainan kanina ng mga kaibigan ni Irene kaya hindi niya ako maharap. Humila ako ng isang upuan at nangalumbaba sa lamesa. "May ita-tanong lang sana ako..."

Napatigil naman siya mula sa pag-huhugas at saglit na pinatay ang gripo para tingnan ako.

"M-may..." napakagat ako sa aking labi. "May nasabi po ba ako sa'yo tungkol kay Ivan?"

Tumigil na siya nang tuluyan sa pag-huhugas at agad na kumuha ng tuwalya para punasan ang basang mga kamay. Tumayo siya malapit sa'akin. Kitang-kita ko ang pag-tataka sa mukha niya.

"M-may naalala kasi ako Ate Yna. Hindi ko sigurado kung... kung totoo ba yon o panaginip lang." sagot ko. "Kasi di ba nga?... na-comatose ako, kaya naisip ko na baka kung ano-ano na lang yung mga alaalang tumatakbo sa utak ko."

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga pagsisinungaling kong ito. Sana lang ay malusutan ko kung ano man ang mga kasablayan na magawa ko.

Tiningnan ko si Ate Yna na huminga ng malalim at umupo din sa upuan sa harap ko.

"Alam mo Irene, hindi ko dapat sabihin sa'yo 'to pero..." napakamot siya sa kanyang batok. "Ang huling sinabi mo sa'kin, ilang araw bago yung aksidente, naka-buntis si Ivan."

Napatungo ako. Ibig sabihin, totoo nga yung sinabi nila Kim. Iyon lang naman ang kailangan ko 'eh. Kompirmasyon. Pero kanino ba dapat manggaling ang kompirmasyong iyon? Hindi ba dapat kay Ivan?

Pero bakit ganun? Bakit... bakit parang may bumigat sa dibdib ko dahil sa sinabi ni Ate Yna?

Ngumiti na lamang ako ng pilit. "Paano nagawa ni Ivan yun sa'kin?" mapait kong tanong.

Nagulat ako sa lumabas sa bibig ko. Sa tono ng boses ko, bakit parang apektado ako? Hindi ko naman mahal si Ivan kaya bakit ganito?

"Irene..." hinawakan ni Ate Yna ang kamay ko. "Nung sinabi mo sa'kin yun, hindi na kayo nag-usap ng Boyfriend mo." Nginitian niya ako na parang sinasabi niyang hindi ako nag-iisa at may karamay ako.

"Wag ka munang masyadong mag-isip. Kausapin mo muna si Ivan, linawin niyo ang lahat ng issue niyo. Baka hindi lang kayo nag-kaintindihan nung nag-away kayo."

Entangled (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon