Kabanata 6Lost in the Past
"P-Para po!"
Inihinto ng driver ang jeep at bumaba na agad ako. Pinanood ko na lamang na umalis ang sasakyan at huminga ng malalim. Hanggang ngayon hindi pa din nawawala ang kaba sa dibdib ko.
Napadako naman ang tingin ko sa malaking gate sa harap ko. Ang bahay ko. Ang mansyon ng mga Crisostomo. Ibang iba na ito. May kalumaan na ang dating bago at malinis na mansyon.
Humakbang ako palapit at pinatunog ang maliit na kampana na nagsisilbing doorbell. Inayos ko ang uniporme ko at ang salamin sa mata ko. Matapos ang isang minuto ay agad din naman itong binuksan ng isang matandang babae. Sa tantya ko, nasa late 70's hanggang early 80's na ang edad nito.
"Sino 'ho sila?"
"G-Goodmorning po. Uhm, may thesis po kasi akong ginagawa tungkol sa mga ancestral house dito Laguna. Pwede ko po ba kayong ma-interview tungkol sa bahay?" Tanong ko.
Tiningnan ako ng matanda mula ulo hanggang paa; siguro ay para malaman kung mapagkakatiwalaan ba ako. Kampante naman akong hindi ako mahahalata dahil batang-bata ang itsura ni Irene, tipong papasa pa itong high-school kung dadamitan at aaayusan nang tama.
"Nako, hija... Caretaker lang ang dito eh. Wala dito ang may-ari ng bahay, nasa Amerika kasi nakatira." maliit ang boses na sabi niya.
Pero siguro naman ay may alam siya tungkol sa mga naging may-ari ng bahay, di ba?
Tumango na lang ako. "Okay lang po. Kahit kayo na lang po ang interviewhin ko. Kaunti lang naman po yung mga itatanong ko." Sabi ko sakanya at nakita ko na lang siyang tumango. "At saka po pala, pwede ko bang makuhanan ng picture yung bahay?"
"Sige, teka. Walang problema." Niluwagan naman niya ang gate para makapasok ako.
"Salamat po, Aling--?"
"Pasing. Aling Pasing na lang ang itawag mo sa'kin." Tumango ako at ngumiti sa'kanya. Tuluyan na din akong pumasok at kumuha ng litrato. Hangga't maaari, gusto kong ipakitang interesado talaga ako.
"G-gaano na po katagal itong bahay, tsaka sino po yung nag-pagawa nito?" Tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.
Kinuha ko ang notebook mula sa bag na dala ako at nag-umpisang mag-sulat.
"Halos 97 years na din. Pinagawa 'tong bahay ni Don Manuel Crisostomo, tapos nung mag-asawa yung anak niyang lalaki, iniregalo 'tong bahay sa'kanila ng asawa niya."
Si Papá.
"Sino po si Don Manuel, at yung anak niya?... I mean, kung tatanungin ang mga tao noon, paano po kaya nila idedescribe yung pamilya nila?"
Tila nag-isip naman siya sa itinanong ko. Alam kong wala ring kwenta ang mga sagot na malalaman ko dahil mas kilala ko ang lolo at papá ko.
"Alam mo hija, Si Don Manuel ang isa sa pinaka-mayaman dito noon, maliban sa pag-mamayari niyang Rancho at mga sakahan, madami pa siyang ginawa para makapag-bigay trabaho sa mga tao dito noon. At yung anak naman niyang lalaki--si Antonio. Nako, napaka-bait na tao nun. Naging gobernador din yun dito sa Laguna. Mahal na mahal nga sila ng mga tao eh."
I nodded and smiled as I remembered how much the people loved my father and my family.
"Halika sa loob. Kunan mo ng litrato yung mga paintings sa taas." Sabi niya sa akin at iginiya ako papasok sa loob.
Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang pumasok ako sa loob ng bahay. Ang laki na talaga ng pinag-bago nito. Parang kahapon lang ay bago pa ang mga kagamitan namin dito, pero ngayon, halata-halata nang napag-lipasan na ito ng panahon.
BINABASA MO ANG
Entangled (On-going)
Random"Nagising na lamang si Olivia sa katauhan ng ibang tao--Sa katawan ni Irene na kagagaling lamang sa comatose. Sa takot na isipin ng iba na nasisiraan siya ng bait, inilihim niya na lamang ang totoo. Ang malala pa ay napilitan siyang mag-panggap na I...