Kabanata 9.2

502 22 2
                                    


Kabanata 9 (Part Two)

Almost Back

"Olivia."

"Olivia, Hija!"

Nakapikit pa ang mata ko pero naririnig ko na ang pag-tawag ng mga pamilyar na boses sa pangalan ko.

Pinipilit kong dumilat pero kahit anong gawin ko, hindi pa din bumubukas ang mga mata ko. Pati ang katawan ko hindi ko rin maigalaw.

Ilang beses akong huminga ng malalim at nag-concentrate. Pinilit kong buksan ang mata ko ng buong lakas hanggang sa magawa ko na. Nasilaw pa ako sa biglaang liwanag, pero naaninag ko naman agad ang mukha ni Ynigo. Nakahiga ako sa braso niya. Kitang-kita ko ang magkahalong tuwa at pag-aalala sa mga tingin niya.

Malabo ang nakikita ko sa ngayon, pero alam kong nakabalik na ako. Nakabalik ako.

Naramdaman ko namang umangat ako at ilang sandali pa ay isang malambot na bagay na ang hinihigaan ko. Gusto kong mag-pasalamat kay Ynigo sa pag-buhat niya sa'kin mula sa sahig pero hindi ko man lang maibuka ang bibig ko.

Halos maluha naman ako nang makita ko si Mamá at Papá sa likod ni Ynigo. Gustong-gusto ko na silang yakapin. Gustong-gusto ko nang tumayo at lapitan sila, sabihin kung gaano ko sila ka-mahal.

Ilang buwan ko silang hindi nakita't nakasama. Akala ko imposible nang makita ko pa sila ulit kaya ngayon, nag-uumapaw ang sayang nararamdaman ko.

Hindi ko naman alam kung anong mali ang nagawa ko at kung bakit ako pinaparusahan ng ganito. Inilayo ako sa mga magulang ko. Inilayo ako sa totoong buhay ko. At ngayon, gusto ko nang bumalik ang lahat sa dati.

Hinawakan ni Ynigo ang kamay ko at kung ano-ano pa ang tinanong niya tungkol sa kung anong nararamdaman ko pero wala akong maisagot. Hindi ako makasagot.

Unti-unti na namang nagdidilim ang paningin ko. Wala akong magawa. Lumakas na lang ng lumakas ang hikbi ko. Nilapitan ako nila Mamá pero bago pa nila ako mahawakan, nawala na sila sa paningin ko.

"Irene!"

Napaupo ako mula sa pagkakahiga at napayakap na lang ako ng mahigpit sa taong nasa tabi ko nang magising ako.

Hindi ko mapigilang hindi mapahagulgol. Pinapatahan na ako ng mga tao sa paligid ko pero wala ding kwenta ang lahat ng gawin nila. Wala silang magagawa para mapadali at mapagaan ang pakiramdam ko dahil hindi nila ako naiintindihan, at hindi nila ako maiintindihan.

Naramdaman kong totoo yung kanina. Alam kong totoo yun. Totoong nakabalik ako sa pamilya ko. Malapit na sana. Hindi ko lang alam kung anong mali. Kung bakit hindi pa ako tuluyang nakabalik sa katawan ko.

"Shh... It's okay. It's okay." Paulit-ulit na bulong niya sa'kin.

Ilang minuto pa nang pag-iyak ang lumipas bago ako kumalma. Tsaka ko na lang napagtantong si Ivan pala ang nasa tabi at kayakap ko. Kahit paano ay gumaan ang loob ko dahil doon. Pero nagsimula na namang tumulo ang luha ko ng makitang parehong-pareho ang pwesto ng mga magulang ni Irene sa pwesto ng mga magulang ko kanina.

Niyakap ako ng mahigpit ni Ivan. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Basta ang alam ko lang, gusto kong bumalik.

Gagawin ko ang lahat, makabalik lang ako sa dating buhay ko.

Entangled (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon