Kabanata 8

681 22 1
                                    

Kabanata 8

Advices and Signs

Alas-tres pa lang ng madaling araw, umalis na kami agad sa bahay para daw hindi kami ma-late sa flight. Halos hindi na din ako nakatulog buong gabi. Pag-katapos kasing mag-walk out ni Ivan, hindi na din ako pinatahimik ng konsensya ko. Parang gusto ko na lang siyang katukin kagabi at sabihin sa'kanya ang lahat-lahat. Naaawa na kasi ako. Ewan ko ba.

Napatingin ako kay Ivan na nakaupo sa tapat ko ngayon at nag-lalaro ng PSP. Halos 20 minutes na din kaming nag-hihintay na mag-bukas yung boarding gate. At sa dalampung-minuto na yun, kahit isang segundo lang, hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng lalaking 'to.

"Irene, gusto mo bumili muna tayo ng pagkain?" Tanong ni Kuya.

Umiling ako. "Ayoko. Tinatamad ako." Sabi ko.

Hindi ko siya sinulyapan man lang dahil na kay Ivan lang ang tingin ko. Bwisit! Bakit ba ako naiinis!?

"Tara na."

Nagulat na lang ako nang bigla akong hilahin ng kumag na 'to.

"Ano ba!? Sabing tinatamad ako." Naiinis na sabi ko sa'kanya pero hindi niya ako pinansin.

Nilapitan niya si Mommy na nakikipag-usap sa tatay ni Ivan."Ma, bili lang kami ng pagkain. Gutom na daw si Irene."

"Alright. Bilisan niyo lang, 4:30 na."

Hindi na ako nakapag-reklamo pa dahil sa ikalawang-pagkakataon ay hinila na naman niya ako.

"Teka nga, ba't ba kasi ang hilig-hilig mong mang-hila?" Mahina pero galit na sabi ko sa'kanya habang lumalayo kami sa mga upuan sa gitna.

"I saved you. Stop whining." Sagot naman niya.

Binitawan niya na lang ako nang makarating kami sa isang maliit na café. Padabog akong umupo sa isang silya roon habang bumibili siya ng pagkain.

Mainit ang ulo ko ngayon at hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako ganito noong Olivia pa ako. Sobrang haba ng pasensya ko noon, pero ngayon, ewan ko ba. Dahil na din siguro sa mga tao sa paligid ko at sa patong-patong na problemang kinakaharap ko ngayon. Idagdag mo pa ang pagiging bulag, pipi, at bingi ni Ivan kapag kaharap ko.

"Mag-kape ka muna." Sabi ni Kuya Pau nang ilapag nito ang kape sa harap ko.

Sinunod ko na lang ang sinabi niya at ininom ang binigay niya. Kailangan ko din kasi ng pangpagising. Mahaba-haba pa ang biyahe namin mamaya.

"You know what, Irene."

Napataas ang kilay ko sa biglang sinabi nito.

"Kung hindi pa kayo ayos ni Ivan pagkatapos mo siyang kausapin kagabi... Awat na."

"Anong sinasabi mo?" Tanong ko pero hindi niya pinansin ang sinabi ko.

"Kanina. Kung makatitig ka pa, akala mo naman mawawala yung tao pag nalingat ka saglit."

Mas lalo pa atang tumataas ang altapresyon ko dahil sa lalaking 'to.

"You did your part; now it's time for him to do his'."

Napakunot ang noo ko. Don't tell me, nakinig siya kagabi habang nag-uusap kami ni Ivan?

"Eavesdropper." Naiinis na sabi ko. "Kaya mo siguro ako sinabihang kausapin siya kagabi para marinig mo yung usapan namin, ano?" Nang-gagalaiti kong tanong.

"Oh, Ano na naman?" Natatawang tanong niya. "Ikaw na nga ang tinutulungan dyan."

Nilagok ko yung kape. Bottom's up. "Pwes, Hindi ka nakakatulong." Sabi ko bago tumayo.

Entangled (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon