Kabanata 5

696 24 1
                                    

Kabanata 5

Abstruse Explanations

"Pakiramdam ko ibang tao ka."

Ako, ang pakiramdam ko naman ay umurong ang dila ko dahil sa narinig ko. Ni wala akong maisip na sabihin.

Hindi pwede. Hindi ako pwedeng umamin kahit huling-huli na ako sa akto. Kahit naman napansin niyang nag-iba ako, hindi niya naman siguro iisiping hindi na ako si Irene di ba? Hindi niya iisiping ibang tao ang nagpapatakbo sa katawan ng totoong mahal niya. Kasi imposible, kahit pa talagang nangyayari.

But he just did. Sinabi niyang ibang tao ako. Iyon nga di ba ang ibig niyang sabihin?

Kahit na kinakabahan ay pinilit ko na lang na ngumiti sa'kanya. Mahina na ako sa loob, hindi ako pwedeng maging mahina pati sa harap niya.

"I-I'm glad you noticed."

Pakiramdam ko pinag-papawisan na ako ng malamig. Napakunot naman ang noo ni Ivan dahil sa sinabi ko kaya bago pa siya makapag-tanong ay nag-salita na ulit ako. "I've been trying to change, Ivan."

"Na...Na-realize ko kasi nung magising ako galing sa pagkaka-comatose na baka... na baka binigyan ako ng pangalawang pagkakataon na mabuhay, para ayusin tayo."

Nakatingin lang siya sa'kin nang diretso. Nawala na ang kunot sa noo niya. Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko ngayon dahil hindi ko mabasa kung ano man ang iniisip niya.

"Bago yung aksidente, ang dami na nating issues. Ivan, sinusubukan kong baguhin ang sarili ko para sa susunod na mag-away tayo, mag-duda o mag-selos man ako, hindi na ako tatakbo sa mga kaibigan ko o sa pamilya ko. Kakausapin na agad kita. Ayoko kasing dumating yung araw na magkalabuan na tayo dahil sa pagiging makitid ng utak ko."

Hindi ko alam kung saan nanggaling lahat ng mga sinabi ko. Siguro ay masyado na akong desididong gumawa ng rason at kasinungalingan. Kung ano man ang maging reaksyon ni Ivan, paninindigan ko lang 'to.

"Nakikita ko kasi kung paano ka nahihirapan ng dahil sa'kin. Napaka-komplikado kong tao, Ivan. Puro sakit ng ulo na nga lang ata ang binibigay ko sa'yo. Kaya... ito, gan'to."

Napatungo na lamang ako.

Tapos ano? Malalaman kong halos perpekto naman palang tao, at girlfriend si Irene? Na saka lang naman siya naging komplikado, ay noong magising siya sa ospital mula sa pagkaka-comatose? Ang hirap kasing mag-panggap lalo na't hindi mo kilala kung sino, at anong klaseng tao ba yung dapat mong gayahin.

"Irene."

Napaangat ang tingin ko nang marinig ko siya. Hindi niya ako tinawag. Base sa tono ng boses niya, para niya akong binabantaang wag ng tumuloy sa pag-sasalita. Para bang may mali akong nasabi.

Makaraan ang ilang segundo ay narinig ko siyang bumuntong hininga. Tiningnan niya pa ako ng diretso sa mata kaya agad akong napaiwas ng tingin dahil sa pagkaka-ilang.

"Hindi ka naman komplikado, Irene. Sadyang matigas lang talaga yang ulo mo... hindi ka pa marunong makinig. Gusto mo kasi, palaging ikaw na lang ng ikaw ang sumasalo ng lahat ng bagay. Irene, nandito naman ako. Boyfriend mo ako. Hindi naman kasi kailangang sa lahat ng oras sinasarili mo lahat,"

Anong sinasabi niya? Kung ano man 'yon, alam kong ang totoong Irene ang tinutukoy niya at hindi ako.

Tumigil siya sa pag-sasalita at sunod sunod na malalalim na hininga na lamang ang narinig ko. Nang tingnan ko si Ivan ay naabutan ko siyang nakatingin lamang ng diretso sa'kin.

Nakakatunaw ng puso yung tingin niya. Parang nakaka-konsensya na sa kabila ng pagiging mabuti niya sa akin, patuloy ko pa din siyang niloloko. Lalo pa't wala man lang akong nakikitang bakas ng pagka-inis o galit sa mukha niya.

Entangled (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon