Special Chapter - Part IIrene - Year 1956
Magkakasunod na katok ang narinig ko na mabilis na nagpagising sa'kin. Kahit nahihilo pa ako, pinilit ko pa din ang sarili kong tumayo. Pero hindi pa ako nakaka-isang hakbang nang bigla na lang may kung anong kumirot sa ulo ko kaya napaupo ulit ako sa kamang hinigaan ko kanina.
"Shit." Inis na bulong ko sa sarili. Ang sakit-sakit ng ulo ko. Pati yung katawan ko parang pagod na pagod.
Napahawak ako sa sintido ko kakaisip sa kung anong nangyari. Ipinikit ko ang mata ko at pilit inalala ang lahat.
Papunta na dapat ako sa trabaho ko para mag-file ng isang linggong leave... On my way home, bigla na lang akong bumangga sa isa pang kotse, tapos... wala na. Blanko na lahat.
May kumatok na naman sa pinto kaya inangat ko na ang tingin ko. Napansin ko agad ang buong kwarto. Hindi ko kwarto 'to, at mas lalong hindi ko alam kung nasaan ako.
Napahinga na lang ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. I don't want to panic in this kind of situation. Some people probably saved me from the accident, and voluntarily took care of me. Yes, that's it. That's just it. There's nothing that I should be worried about.
Hindi naman siguro ako na-kidnap dahil hindi naman ako naka-gapos at mas lalong hindi naman siguro pera ang habol ng mga tumulong sa'kin. Base sa itsura nitong kwarto, may kaya ang may-ari nito kahit medyo old-model house 'to.
Tumayo na ako nang masiguro kong okay na ako. Binuksan ko na ang pinto at isang matanda naman ang agad na bumungad sa'kin.
"Uhm... Sorry po. Masakit po kasi ulo ko kaya hindi ko agad nabuksan yung pinto." Sabi ko.
Nginitian naman ako ng matanda na parang wala lang sa'kanya ang pag-hihintay ng matagal.
"Wala 'hong kaso señorita. Pinapagising po kasi kayo ng Papá ninyo para makapag-umagahan."
Napakunot naman ang noo ko dahil sa itinawag nito sa'kin pero ipinag-walang bahala ko din naman agad. She's just too formal.
Tumango na lang ako at sumunod na lang sa'kanya. Habang nag-lalakad, hindi ko maiwasang hindi mapansin ang mga painting na nakasabit sa dingding. Hindi ko alam pero parang kakaiba lang kasi. Parang yung mga painting na nakikita ko sa museum. Ang kaibahan lang, bago ang mga ito.
Malaki ang bahay nila at mukhang may sinabi sa buhay ang may-ari nito. Hindi ko lang maintindihan kung bakit old-model house pa ang naisip nilang ipagawa. Para sa'kin kasi, mas ayos ang mga victorian house o di kaya yung modern at simple lang.
Nakarating kami agad sa dining area at nadatnan ko ang isang lalaki na nag-babasa ng dyaryo at sa kanan naman niya ang isang babaeng umiinom ng kape. Ipinag-hila naman agad ako ng matanda ng upuan na ikinagulat ko.
"Uh... Salamat po."
Tinanguan naman ako nito bago umalis. Hinarap ko naman ang dalawa na tuloy lang sa ginagawa nila kanina.
"G-Good morning po." I greeted them to grab their attention.
Ibinaba naman nung babae ang tasang hawak niya at mabilis akong nginitian. Sa tantaya ko halos kasing-edad siya ni mommy.
My smile slowly fades at that thought. Si Mommy, dapat matawagan ko na pala agad siya. Baka nag-aalala na yun. Knowing her, baka nasa police station na yun at nagdedeklarang missing ako. Baka magpakalat pa yun ng mga flyers na may mukha ko.
"Tinanghali ka ata ng gising." Sabi nung babae habang kumukuha ako ng kanin.
Gutom na gutom na ako. I'm on a strict diet, but now I just feel like eating a bunch of food.
BINABASA MO ANG
Entangled (On-going)
Random"Nagising na lamang si Olivia sa katauhan ng ibang tao--Sa katawan ni Irene na kagagaling lamang sa comatose. Sa takot na isipin ng iba na nasisiraan siya ng bait, inilihim niya na lamang ang totoo. Ang malala pa ay napilitan siyang mag-panggap na I...